Chapter 4

58.5K 870 144
                                    

Addison's POV

"Bye guys una na ako" pagpapaalam ko kila Ashley at Jane

"Okay una na kami. Oh! And don't forget, kailangan mo ikwento samin bukas lahat ng mangyayari sayo mamaya, okay?" paaala sakin ni Jane

"Hay nako! Alam niyo ang chichismosa niyo. Sige na bukas na lang. Bye!" Wika ko sabay lakad palabas ng office. Nag-abang ako ng taxi at buti na lang meron agad ako nakita.

"Manong sa N.C. po" wika ko kay manong driver. It's short for Natividad Corporation.

Mga 30 minutes lang mula sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay nakarating na ako sa N.C.

"Manong eto po yung bayad. Thank you po." sabi ko kay manong sabay labas ng taxi.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko kaagad si Manong Berto. Security guard dito. "Ay Ma'am Addison, kayo po pala. Kamusta po? Buti po napadaan kayo dito."  Masiglang bati sa akin ni Manong Berto nang mapansin niya ako.

"Okay lang naman po ako Manong Berto, salamat po sa concern. Kayo po kamusta?" Nakangiting bati at tanong ko kay Manong Berto

"Okay lang naman din po Ma'am"

"Sige po Manong Berto. Good luck po sa trabaho." Nakangiting wika ko dito bagi tuluyang pumasok sa loob ng building at naglakad diretso sa front desk.

"Hi Anne!" bati ko kay Claire. Isa sa mga front desk clerk dito.

Huwag na kayong magtaka kung bakit kilala ko sila at kilala nila ako. Before kasi when I was still studying kapag wala kaming lakad nila Jane at Ashley at tinatamad pa akong umuwi sa bahay ay madalas akong tumambay sa lobby ng company.

Kuya Leo also introduced me to all of their staffs here. Actually noong una tahimik lang talaga ako kapag pumupunta ako dito. Masyado kasi akong mahiyain para kumausap ng taong di ko kilala o kakikilala ko pa lang. And siguro napansin ng mga staffs dito na hindi ako yung taong nag i-initiate ng conversation kaya sila na yung unang lumalapit sa akin.

And actually noong una I thought kaya lang sila lumalapit sa akin ay dahil isa din akong Natividad. But I thought wrong. Mababait ang mga taong nagtatrabaho dito. Everytime na pupunta ako dito sila kaagad ang bumabati sa akin tapos tatanungin kung kamusta ang araw ko. Noong una puro tango at ngiti lang ang nasasagot ko sa kanila dahil nahihiya ako hanggang sa di ko namalayan sa sobrang dalas kong bumisita sa building nato naging kaclose ko na ang iba sa mga nagtatrabaho dito.

"Oh! Hello Ma'am Addison. Nandon na po sila Sir Leo sa office niya. Kanina pa po kayo hinihintay." Nakangiting wika nito sa akin

"Sige Anne puntahan ko na lang sila. Thank you" wika ko sabay ngiti sa kanya

"You're welcome po Maam Addison!" nakangiti ring sagot sakin ni Claire

Pagkatapos sabihin yon ni Claire ay naglakad na ako papunta ng elevator. Nasa pinakatuktok kasi nitong building ang opisina ni Kuya Leo kaya kailangan mo talagang mag elevator.

Habang nasa elevator ako ay hindi ako mapakale. Di ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko si ate Violet.

Should I just greet her?

 Should I ask her how's her flight?

Dahil sa pag iisip di ko namalayan  na huminto na ang elevator. Huminga ako ng malalim sabay lakad papunta sa pintuan ng office ni kuya Leo. Nadaanan ko pa nga ang table ni Kuya George, secretary ni Kuya Leo. Nasa labas kasi ng office ni kuya Leo yung table niya. Matagal na rin dito si Kuya George kaya kaclose ko na rin yan. Actually siya lang ang tumagal na secretary ni kuya Leo and I think I know the reason why. Masipag magtrabaho si Kuya George at masinop. Nang makita ako ni Kuya George ay nginitian ako nito.

Nang makalapit na ako sa pintuan ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Pero bago pa ako makakatok ay nakarinig na ako ng mga tawanan sa loob na alam kong  nagmamay ari sa mga pinsan ko at sa isang babaeng sa tingin ko ay kay Ate Violet.

Actually soundproof naman talaga tong office ni kuya Leo kaya lang mukhang sa sobrang excited nilang makausap at kamustahin si Ate Violet ay naiwan nilang medyo nakaawang ang pinto.

Binuksan ko na ang pinto at napansin kaagad nila ako. Nilapitan ako ng mga pinsan ko at mga nagsiyakap sa akin. Nakatayo lang si ate Violet doon at mukhang nagtataka kung sino ako.

"Babe, who is she?" tanong ni Ate Violet kay kuya Axel


"Babe, this is Addison. Yung pinsan naming lagi naming naikukwento sayo before, nung nasa States pa tayo, remember?" sagot naman ni Kuya Axel


"Ah yes yes! Now I remember. Your little cousin, Addy! I'm so sorry nakalimutan ko, ang tagal na kasi non eh pero nice to meet you"  sabi  ni Ate Violet sabay ngiting may paumanhin sakin. Kaya lang ewan ko ba pero yung ngiti niya sakin parang........... hindi sincere. Namamalik mata lang siguro ako

"Bakit Axel hindi mo ba nakukwento si Addy kahit nung nag aaral na kayo ng photography?" tanong ni kuya Clyde.

"Actually naalala ko nga na namemention ko sayo si Addy kahit noong nagdadate na tayo. Nakalimutan mo na babe?" sagot ni Kuya Axel sabay tingin kay Ate Violet

"Yeah, I'm so sorry. Mukhang humihina na nga ata talaga ang memory ko" pabirong wika nito sa bandang dulo na narinig ko namang kinatawa nila ng mahina.


"No! It's okay Ate Violet! Alam ko naman mahirap ang pagiging photographer. Madami kayong ginagawa, madami rin kayong pinupuntahan." Pagpapalubag loob ko kay Ate Violet

"Pasensya na talaga ha. Well dahil sa tingin ko hindi pa naman tayo nakakapagpakilala ng maayos. Let me introduced myself properly. I am Violet Garcia, Axel's Girlfriend." sabi ni Ate Violet

"Addison Natividad. Pinsan nilang apat, nice to meet you Ate Violet."


"Ate Violet?"  nakataas kilay na tanong ni ate Violet. Ayaw niya ba? Ang tanga mo kasi Addison dapat tinanong mo muna. May pa ate ate ka pang nalalaman

"Why Violet? Ayaw mo ba? Only child lang kasi si Addy kaya excited yan na matawag kang ate nang malaman niyang mas matanda ka sa kanya." paliwanag naman ni Kuya Marcus kay ate Violet


"No! No it's okay! Nagulat lang ako. You can call me ate. I have no problem with that." nakangiting sabi ni Ate Violet

"Oh! Ayun naman pala eh! You know, I  think magkakasundo kayong dalawa. Why don't you go out sometimes. Yung kayo lang dalawa. Magbonding kayo. Malay niyo maging close rin kayo." Wika sa amin ni Kuya Clyd


"Well why not! I actually like that idea. Bakit di tayo magbonding sa uhmm... sa saturday. I think free ako sa saturday. May gagawin kasi ako sa sunday kaya sabado lang ako free." pagsusuggest ni ate Violet

"Oh yun naman pala. Magbonding na kayo sa saturday, Addy. Ako na bahala sa boss mo." sabi ni kuya Leo


Alam kong nagtataka kayo kung paanong si Kuya Leo na ang bahala. Malaki kasi ang share nang mga Natividad sa company namin. At alam din ng mga nakatataas sa copany namin na isa din akong Natividad. Si Sir Jimenes lang ata walang alam na Natividad ako. Makautos sakin wagas. Lagi pang mainit ulo, kaya napapanot eh. So ayun nga kung tutuusin pwede akong pumasok kahit kailan ko gusto kaya lang syempre hindi ko naman gagawin yon. Ayokong abusuhin yung kapangyarihan ng apelyido namin.


"Sige Kuya Leo. Walang problema sakin. Basta ikaw na bahala ah" sabi ko kay Kuya Leo. Nginitian at tinanguan naman ako nito

Excited na ako. First time kong lumabas at maggala na hindi sila Ashley at Jane or ang mga pinsan ko ang kasama ko. Sana nga talaga maging close kami ni Ate Violet

-----------------------------------------------------------

[EDITED]

My Cousins' Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon