"Miracles happen to those who believe.""Do miracles really happen?" he suddenly asked me.
Napaisip ako sa tanong niyang yun. Nangyayari nga ba talaga ang himala? Kung sa buhay ko, may himala. Imposibleng wala sa ibang tao. Pwedeng pati sa buhay ng ibang tao ay may himala pero hindi nila yun nakikita dahil mas nakikita nila ang mga kakulangan nila sa buhay. Dumating ang himala sa buhay ko dahil nag hintay ako, hinintay ko siya sa buhay ko. Sa tamang edad at tamang panahon. Pero hindi ko alam na ganito pala kasakit na marinig yun mula sa kanya. Sakin niya pa na itanong kung nangyayari nga ba ang himala.