"Are you sure you'll be fine here?" Tanong ko sa kaibigan ko.
Tumawag na kasi si Mama at pinapauwi na ako. Eh ayaw pa namang umuwi ni Andrea, kaibigan ko, kaya mag isa siya dito pag umalis ako. Marami pa namang strangers.
"Yes, beb. Umuwi ka na! Baka hinahanap ka na ni Tita!" ngumiti siya sakin.
"Take care here, ha!" Sabi ko at kumaway na at lumabas na ng coffee shop.
Nakakainis naman kasi si Mama eh bad timing! Pwede naman hintayin niya na lang ako sa pag uwi ko! Bakit ba kailangan pang umuwi na ako ngayon!
"Mama! Nandito na po ako!" Sigaw ko pag pasok ng bahay.
Walang sumagot kaya pumasok na ako. Nasaan kaya ang mga tao dito?
"Mama nasa–"
"Angela, nandito ka na pala! Halika mag mano ka sa Tita mo!" napatingin ako sa sala at nakitang may bisita si Mama.
Sino na naman kaya ito!
"Si Angela na ba talaga yan? Nako ang laki niya na ah? Noon bago kami umalis papuntang America nag lalaro lang sila nitong si Lance ko sa kalsada. Pero tingnan mo ngayon. Dalaga na at ang ganda ganda pa!" ngumiti sakin ang hindi ko masyadong kilalang babae.
Sino siya?
Kunot ang noo ko kaya nag salita agad si Mama. "Angela! Wag kang bastos! Mag mano ka sa Tita Rebecca mo!"
Tita Rebecca?
HUWAT?!!!!! SI TITA REBBECA NA NANAY NI LANCE PANGET?????
"Tita Rebecca?" Nanlaki ang mga mata ko.
Nag smile siya sakin. "Oo! Ako nga!"
Mabilis akong lumapit sa kanya at nag mano.
"Lance, mag usap muna kayo ni Angela, oh!" Lumingon siya sa lalaking nakatalikod sa akin.
Si Lance yan? Ang tangkad ah?
"Ah, sige po..." Dahan dahan siyang lumingon sakin.
O_O
HALA ANG GWAPO!!!!!
"Hi, Angela. Long time to see." Ngumiti siya sakin.
