Prologue

12 0 0
                                    

Kasing bilis ng takbo ng kabayo ang pintig ng puso ko habang nakatitig sa kawalan. Tuluyan akong nakaramdam ng takot matapos kong mapanood ang laman ng tape na iyon.

Ang nais ko lang naman ay ang magcamping sana pero hindi ko inaasahang may mangyayaring iba. Hindi ko inaasahang ngayong gabi masisimulan ang paghuhukay sa sarili kong libingan.

......

"Hello? May tao ba diyan?" tanong ko sa dilim. May narinig kasi akong mga yapak at malalim na hininga sa kakahuyan. Hindi naman sa natatakot ako, Sanay na sanay na kaya akong mag-isa sa kalagitnaan nitong gubat. Ang sa akin lang ay baka may ibang tao at kailangan ng tulong.

"T-tulong." rinig kong sambit ng nanghihinang boses ng babae. Hindi nga ako nagkamali sa kutob ko. Napatayo ako sa pagkakaupo sa harap ng apoy na ginawa ko kanina lamang at agad na bumalik sa loob ng kubong ginagamit ko kapag nagcacamping dito sa gubat. Agad kong hinanap ang flashlight ko at nang makita ko ito sa ibabaw ng mesa ay dali-dali ko itong hinablot at tsaka kumaripas ng takbo pa labas.

"Hello? Nandiyan ka pa ba? Nasaan ka?" mahina kong tanong sa gitna ng dilim. Palinga-linga akong naghahanap sa taong narinig ko kanina habang hawak-hawak ko ang flashlight. Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng armas. Marunong naman akong makipaglaban, e. Pumasok lang naman ako sa army noon. Hindi nga lang natuloy dahil ayaw ni Papa na mag-army ang nag-iisa niyang babaeng anak.

"T-tulungan mo ako!" isang mahinang sigaw ang muli kong narinig. Napalingon ako sa aking kanan at doon ko nakita ang isang babaeng nakahandusay sa maruming lupa at naliligo sa sariling dugo.

"Omg. Ano pong nangyari sa inyo?" nanginginig kong tanong sa babae na sa tingin ko ay nasa edad 26 lang.

"Nakakatayo po ba kayo? Halika po idadala ko po kayo sa loob ng kubo ko." sinubukan ko siyang itayo ngunit umiling-iling lamang siya at hinawakan ako sa braso.

"Wag na! Wala na tayong oras! Heto! Kunin mo ito!" mahina niyang sigaw sa akin. Halos hindi na kasi niya magawang magsalita dahil sa dugong umaagos sa bunganga niya. Muli niya akong hinawakan sa kamay at may iniabot na isang tape.

"Ano po ba 'to? Bakit niyo po binibigay sa akin?" nagdadalawang-isip kong tanong. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. May ibinigay siya sa aking tape, yung katulad sa nilalagay sa casette. Napakamakaluma. Ngayon na nga lang ako nakakita ng ganito e.

"Wag mo ng itanong. Mas mabuting hindi mo alam. Ang kailangan mo lang gawin ay itago ng mabuti ang bagay na ito at kapag sumapit ang petsang nakalagay sa tape na yan, hanapin mo ang taong nakasulat sa papel na ito. Siya lang ang dapat na makakuha nito bago nila makuha." giit niya na mas lalong nagpagulo sa isipan ko. Magsasalita pa sana siya ngunit bigla na lamang siyang nagsusuka ng napakaraming dugo.

"Ate, dalhin na po kita sa ospital!" natataranta kong giit ngunit muli lamang siyang umiling at hinawakan akong muli sa kamay.

"Wag mong papanoorin ang laman nito. Kahit kailan- umalis ka na! Bago nila tayo maabutan!" giit niya at mahina akong itinulak. Nagdalawang-isip akong iwan siya doon ngunt wala na akong nagawa pa. Nanginginig akong bumalik sa kubo para kunin ang mga gamit ko at ang susi ko.

Hindi ko man naiintindihan ang mga nangyayari, nakukutuban kong hindi ito biro. Dahil sa pagtulong ko sa babaeng 'yun ay parang hinukay ko na rin ang libingan ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko tuluyang lisanin ang lugar na iyon. Nanginginig akong nakarating sa apartment ko. Alas-dyes pa lamang ng gabi ngunit parang wala ng masyadong tao dito sa lugar namin.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng apartment ko at siniguradong nakalock lahat ng pinto at bintana. Humahangos akong napaupo sa tapat ng mesa dito sa kusina habang hawak-hawak parin ang duguang tape na ibinigay sa akin ng babaeng iyon kasama ng isang kulay dilaw na papel.

"Rod Mclaren..." sambit ko sa pangalang nakasulat doon sa papel. Hindi ko kilala ang taong ito at hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula upang hanapin siya. Teka- kailangan ko ba talaga siyang hanapin?

Ngunit, kung hindi ko maibibigay ang tape na 'to sa taong 'to, siguradong ako ang malalagay sa panganib. Kailangan ko ring itanong kung bakit at ano ang nangyari sa babaeng nakita ko kanina.

Isang ideya ang pumasok sa isipan ko. Isang masamang ideya.

Tumakbo ako papalapit sa tv ko. Mabuti nalang at meron akong sinaunang dvd player na pwedeng paglagyan ng mga casette tape

Saving SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon