Chapter 2: Rod Mclaren

2 0 0
                                    


      ~ Mr. Rod Mclaren? Sana naman po ay mababasa mo ito dahil kinakailangan ko po ng tulong niyo. Patay na po ang girlfriend niyo at ibinilin niya po sa akin ang isang tape at isang papel na naglalaman ng pangalan niyo. Ang sabi niya ay hanapin ko raw kayo at ibigay sa inyo ang tape na ito. Sana po ay agad niyo akong mareplyan.....

Isang malalim na buntong-hininga ang inilabas ko matapos i-type ang mahabang message na iyon. Hindi ko magawang i-add siya dahil baka alam na ng mga lalaking iyon ang tungkol sa kaniya dahil pinatay na nila ang girlfriend nito. Ayokong madamay pero damay na damay na talaga ako dahil napanood ko pa ang laman ng tape na 'yun. Ako na mismo ang naghukay ng sarili kong libingan.

Napabalikwas naman ako sa pagkakaupo ng biglang tumunog ang laptop ko, hudyat na may nagmessage. Galing sa kanya...

    ~ Anong ibig mong sabihin? Bakit nasa iyo ang tape na 'yan?

    ~ Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita!

Gulat ang rumihistro sa aking mukha ng mabasa ang sinabi niya. Ibig sabihin, seryoso talaga ang mga nangyayari. Ibig sabihin nanganganib talaga ang buhay ko ng dahil sa tape na 'to.

Agad kong ibinigay ang address ko ngunit ang sabi niya ay delikado raw ang lugar na ito para sa kanya kung kaya't ako nalang ang pumunta sa kanya. Nagbigay siya ng isang address na mukhang labas dito sa RidgeView.

Dali-dali akong nag-empake ng mga damit at agad na nagtungo sa kotse ko. Ngayon mismo ay pupuntahan ko na ang taong ito para maibigay ko na ang tape.

Inabot ako ng umaga sa daan at halos puro talahiban na ang nakikita ko sa paligid. Wala akong makitang kabahay-bahay o kung sino man. Mas lalo akong kinabahan. Mabuti nalang at ibinigay niya sa akin ang number niya.

"Hello?" bati niya sa kabilang linya. Natataranta naman akong napatayo ng maayos nang marinig ko ang boses niya.

"Mr. Mclaren? Hindi ko na po alam kung saang parte na po ako ng mundo nakarating." mangiyak-ngiyak kong giit sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang buntong-hininga mula sa kabilang linya.

Ang layo naman kasi ng bahay ng taong 'to. Yan tuloy nawawala na ako. Bumaba na ako sa kotse kanina pa dahil parang paulit-ulit na lamang ang nadadaanan ko. Halos puro talahiban o kung hindi naman ay isang mahabang daanan na napapalibutan ng mga palay.

Kasalukuyan akong nakatayo sa kalagitnaan ng kawalan. Napakatahimik at tanging huni ng mga ibong nagliliparan lamang ang maririnig sa paligid. "Sabihin mo sakin kung ano ang nakikita mo sa paligid mo at baka matulungan kitang hanapin ka." sambit niya kaya nama'y dali-dali kong inikot ang aking mga mata.

Wala akong makita kundi isang mahabang highway at napapalibutan ng mga palay. Parang dumaan na nga ako dito kanina e. Pero...

"Wala po akong ibang makita kundi palay pero may isang nakakuha ng atensyon ko dito." kinakabahan kong sambit.

"Ano?" seryoso naman niyang tanong. "May natatanaw po akong napakalaking gusali sa malapit. Pero kung titignan ko po ito ng mabuti, ang gusali ay parang napakaluma na at parang dumaan sa matinding sunog." Umaakyat ang kaba sa katawan ko ng umihip ang napakalakas na hangin. Punong-puno ng takot ang aking isipan at wala na rin akong maisip na gawin. Siya lamang ang makakahanap saakin. Ano ba kasi 'tong pinasok ko?!

"Nasa labas ka ba ng kotse mo?" Tanong niya na lalong nagpakaba sa akin. "Oo." tipid kong sagot.

"Pwes, pumasok ka sa loob ng kotse mo at ilock mo ang pinto at bintana. Pupuntahan kita." giit niya at wala sa sarili akong napatili at bahagya pang napatalon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saving SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon