"Huy, Sap! Okay ka lang ba?" natigilan ako sa pagkitkit sa kuko ko nang biglang sumulpot si Audrey sa harapan ko. Napatingin naman muna ako sa kanya bago ngumiti.
"Ah, oo naman." pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, nagagambala parin talaga ako sa mga pupwedeng mangyari oras na malaman ng mga taong pumatay dun sa babae kung nasaan na ngayon ang tape.
"Weeh? mukha kasing may malalim kang iniisip e. Kanina may omoorder na sa harap mo pero di mo marinig kasi nakatulala ka sa malayo. Ano bang nangyayari sayo?" taas-kilay niyang giit sa akin. Hindi ko sa kanya pwedeng sabihin ang nagyari dahil baka madamay rin siya.
"Ano ka ba, wala. Pagod lang siguro 'to." muli kong pagsisinungaling sabay punta sa likod.
Oras kasi ngayon ng trabaho. Part-time lang naman habang nag-aaral pa ako ng college. Matagal ng patay ang mga magulang ko dahil sa plane crash 3 years ago at ayoko namang humingi ng tulong sa mga kamag-anak namin. Mag-isa lang akong anak kung kaya't wala talaga akong malapitang kapatid. Pero kung ako ang tatanungin? mas okay 'tong mag-isa nalang ako keysa sa inaasa ko pa ang sarili ko sa kung sino-sino.
Bigla akong napatigil sa paglalakad sa likod ng may makita akong mga lalaking naka-itim na bumaba sa isang kotse. Hindi naman kaya sila 'yun? nakakatakot kasi ang mga itsura nila.
At halatang gagawa talaga sila ng masasama.Agad akong nagtago sa pinto habang sinisilip sila. Wala naman silang ginagawa. Nakatayo lang sila sa labas nung kotse habang nag-uusap. Nasa mga tatlo silang lalaki. Yung isa maputi at may tattoo ng dragon sa mukha habang yung isa naman ay nasa kalbo mutang ulo nakalagay ang tattoo ng dragon at may hikaw pa sa labi. Pero yung nakaagaw talaga ng pansin ko ay yung lalaking matangkad at nakasuot ng tuxedo. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Mukhang mayaman at mukhang siya rin ang leader ng kung ano mang samahan ang meron sila.
Natigil ako sa pagsilip ng biglang mapalingon sa akin yung lalaking may tattoo sa mukha. Agad akong bumalik sa loob at ni-lock ang pinto. Nakita niya kaya ako?
Pawisan akong bumalik dun sa harap at nagtataka naman akong tiningnan ni Audrey. Kung tama ngang sila 'yun. Ibig bang sabihin, alam na nila kung nasaan ang tape? Paano naman nila nalaman yun?
"Huy friend, ano bang ginagawa mo jan? Ang daming customers oh!" sigaw sa akin ni Audrey habang abalang kumukuha ng mga orders ng mga nakapila. Tama nga siya, napakarami naming customers ngayon at hindi ako pwedeng umalis. Ako pa naman nakatoka sa pagse-serve sa ngayon.
Nagdadalawang-isip man akong magserve ay ginawa ko parin. Baka naman kasi mapagalitan ako ni Sir. Dylan.
Agad kong kinuha ang mga inorder ng mga customers at isa-isa itong inihatid sa mga table nila. Ngunit hindi pa man tumatagal ay agad akong natigil at nabitawan ko ang tray na hawak ko sa isa kong kamay. Biglang pumasok ang mga lalaking iyon dito at sa harap ko pa talaga sumakto. Hindi ako makagalaw at nanginginig akong nakatingin sa kanila.
"Miss, okay ka lang ba?" biglang tanong 'nung lalaking kalbo at akma pang hahawakan ako sa braso.
"O-okay lang 'ho. Pasensya na po bigla lang akong nahilo." palusot ko at agad na pinagpupulot ang mga basag ng plato't baso.
Hindi nila ako kilala? Ibig sabihin hindi pa nila alam na nasa akin na ang tape. Ligtas pa ako. Pero hanggang kailan? Sana naman ay nagkakamali lang akong sila yung mga masasamang tao na tinutukoy nung babaeng yun.
Dali-dali akong pumunta ng kusina upang itapon yung mga basag na plato't baso. Patuloy paring nanginginig ang mga kamay ko at nananatiling pawisan ang noo ko.
"Sapphire, okay ka lang ba?" napabalikwas ako ng biglang hawakan ni Sir. Dylan ang balikat ko. Siya ang may ari nitong fastfood na pinagtatrabahuan ko at napakabait niya pero minsan iba rin siya magalit.
"A-ah, okay lang po sir. Pasensya na po sa nangyari." nakayuko kong sambit. Gusto ko ng umuwi at makapag-isip.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" concerned niyang tanong at muli akong hinawakan sa balikat.
"Medyo po, sir. Nahihilo lang po ng kaonti." pagsisinungaling ko. Tiningnan ko siya sa mga mata ng hindi ko sinasadya. Maganda pala ang mga mata ni Sir. Dylan. Halatang may lahi talaga. Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang mukha ni sir at tama nga talaga si Audrey na ang gwapo niya.
"Sapphire?" natigil ako sa pagtitig sa mukha niya ng muli niya akong hawakan sa balikat. Agad naman akong napayuko at nakaramdam ng hiya.
Nako, Sapphire! Napapahiya ka sa mga ginagawa mo, e!
"Kung masama talaga ang pakiramdam mo, okay sige. Pwede ka nang umuwi." giit niya at kasabay non ay ang mahinang buntong-hininga.
"Talaga po, sir? Oh my god! Maraming salamat po!" galak kong sambit at agad na dinampot ang mga gamit ko sa staff room.
Mabuti naman at makakauwi ako ng maaga ngayon at makakapag-isip. Kailangan kong mahanap ang lalaking yun. Baka sakaling matulungan niya ako at para matahimik na rin ang buhay ko. Dahil alam kong habang nasa akin ang tape na iyon, hinding-hindi magiging ligtas ang buhay ko.
Pagdating ko ng apartment ko ay agad kong inilock ang pinto at dali-dali kong inilabas ang laptop ko. Baka kasi may mahanap akong inpormasyon sa facebook tungkol sa taong 'to. Ano kayang kinalaman niya sa tape na iyon?
"Rod Mclaren..." sambit ko sa pangalan niya habang dahan-dahang nags-scroll sa mga nasearched ko. Pero putek! Sino ba dito yung Rod Mclaren na yan? Ang dami nila! Bahal na nga, hahanapin ko nalang paisa-isa.
Paisa-isa kong hinanap ang taong pupwedeng malapit sa tunay kong hinahanap ngunit ni-isa sa mga profile na nabuksan ko ay wala. Isa nalang ang natitira at sana ito na talaga.
Binuksan ko ang timeline ng taong yun at agad akong natigil at muling nanumbalik ang kaba sa dibdib ko.
"Nahanap na kita." naisambit ko na lamang habang mariin na nakatitig sa isang picture na nakapost sa timeline niya. Sa picture ay hindi siya nag-iisa, kasama niya yung babaeng pinatay sa kakahuyan nung gabing nagcamping ako. Ang babaeng nagbigay saakin ng tape!
End of Chapter 1
Thank You for Reading!
BINABASA MO ANG
Saving Sapphire
ActionMali ba ang tulungan ang nangangailangan? Mali bang magpangako sa isang taong hindi mo naman kilala at hindi mo naman alam kung ano ang kwento? Ako si Sapphire. Hindi ko intensyon ang tumulong sa isang taong hindi ko naman kakilala. Pero ang hindi...