Chapter 2

8 0 0
                                    

KINABUKASAN maaga akong bumangon dahil may ipapagawa sa akin si mommy sa kwarto niya. Nasira daw yung kabinet ng bag niya. Wala si daddy kaya ako na lang. tsaka hilig ko naman magkumpini ng mga bagay bagay kaya hindi na nagdalawang isip na kausapin ako.

Inayos ko ang mga pinanggamitan ko at bumukas sara ang pinto ng kwarto nila mommy at daddy. Kaya napatingin ako doon.

Si mommy lang pala, may dala siyang meryenda. Pinunasan ko muna yung pawis ko sa noo at sa leeg ko. Tumayo ako para lapitan si mommy.

"Bakit ganon, Anak?" Biglang tanong sa akin ni mommy. Nakanguso ito

"Ang alin po?" Takang tanong ko. Kinuha ko ang isang basong tubig at ngumuya ng sandwich.

"Kung sino pa babae ikaw pa ang gumagawa sa mga panglalaking trabaho" aniya. Lumapit ito sa kabinet ng bag  niya. Sinuri iyon at napangiti ng bahagya. Umupo naman ako sa gilid ng kama niya habang kumakain.

"Ewan ko po mommmy" sabi ko.

"Wag naman sana mangyari yung iniisip ko, Anak." Sabi niya ng nakaharap nito sa akin. Umupo rin siya sa tabi ko at inayos ang hibla ng buhok ko.

"Po?" Takang tanong ko. Ngumiti lang siya.

"Wag na wag mong susubukan maging tomboy ah! " paalala niya. Tss, lagi na lang niya sinasabi yan. Tuwing may ginagawa ako lagi niyang pinaalala na wag ako pumatol sa babae o maging tomboy. Ayos lang daw na boyish ako manamit pero kung uugaliin ko foul na daw yun. Pero si daddy naman ayaw rin niya. Pero, siya mismo nagtuturo sa akin kung ano dapat kung gawin tuwing may mga bagay na wala siya.

Tatlo kaming magkakapatid. Gitna ako kaya hindi ako nakakaramdam ng selos tuwing may pasalubong ang bunso. Hindi ako nagtatampo tuwing cinecelebrate ang birthday ang panganay. Para sa akin? Sapat na yung iniluwal ako sa sinapupunan ng nanay ko. At sapat na rin sa akin na pinaparamdam nila na mahalaga at mahal nila ako.

"Mommy naman!" Inis na sabi ko. Pero tinawanan lang niya ako. Magsasalita pa sana ako ng nagvibrate ang phone ko sa bulsa. Kaya nag paalam na ako lumabas

~~Jenny Calling~~

Anong problema nito? Bakit napatawag 'to?

"Oh?" Bungad ko.

"Oh lang talaga? Wala man lang Hi, Hello? "Naiinis na boses ni Jenny.

Tinignan ko muna ang screen baka nagkakamali lang yata ako sa pagkabasa ng name. Bakit kasi parehas J ang first name  nila. Jessy-Jenny

"Napatawag ka?" Walang ganang sabi ko at pumasok sa kwarto para mag ayos ng gamit. Aalis pala kami ni Jessy. Hindi pa nagtext kaya hindi ko alam kung anong oras ako mag-aayos.

"Ah! Wala na ngang HI,HELLO. Wala pang Kamusta! Hate u!" Nagtatampong sabi nito. Natawa naman ako.

"Pagkatapos mong mag walk out kahapon satingin mo kakausapin kita ng matino. Tss."

Tinutok ko ang bibig ko sa mouthpiece

"AKALA MO NAMAN HINDI TAYO NAGKITA KAHAPON!" Sigaw ko sa kabilang linya. Sana naman marinig niya.

"Hindi ako binge! Tatanungin ko lang naman kung anong oras ka uuwi!" Sigaw rin niya.

"Nasa bahay pa ako pinapauwi mo na agad ako! Hindi pa nagtext si Jessy e. Hindi ko alam kung anong oras kami aalis. Bakit? Gusto mo ba sumama?" Tanong ko. Umupo ako sa gilid ng kama.

"Oo sige. Hintayin mo'ko. Inuuod na kasi ako sa bahay." Sabi niya at binaba. Tss.

*Ting* (Sound ng Messages wag ka!)

Itinadhana nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon