The situation:
Oo na, oo na. Ito nanaman ang sasabihin ko. "Attachment" bakit ba? Trip ko e.
Anyway, so ang topic dito ay ayon na, 'di ko na kailangang ulitin pa 'di ba? So moving forward..
Bakit. Nga ba. Madali. Tayong. Maatach?! Yung tipong kahit na ang simple simple lang naman niyang makipag-usap sa'yo pero hulog na hulog ka na agad. Para bang, wait, may gayuma ka ba? Kasi sa hindi malaman na dahilan, mapapaamin ka nalang basta na "shet parang gusto ko na siya" nangyari sa'kin 'yan mga par! Nagising nalang ako na hinahanap-hanap na ng mata ko ang pakikipag usap sa kaniya.
Siguro.. siguro lang ha? Mayroon tayong natagpuan sa kanila na hindi natin makita sa iba noon. Mayroon tayong naramdaman na kakaiba sa kanila. Kahit na ang plain ng chat or pag-uusap niyo, you'll end up liking him/her. It's kind of a deep situation kaya medyo mahirap i-explain.
So ayun nga, we are getting attached. How? Namimiss natin sila, in easy words. Madali nating mamiss ang presensya or ang pag-uusap nila.
Minsan, kapag may nagagawa silang hindi naaayon sa will mo, naiinis ka. Gaya nalang ng mabagal na pagreply, or matagal na pag-online. PERO! Pero wala tayong karapatang magalit dahil nga kausap lang naman nila tayo.
Pero, base sa aking observation, malalaman mong attached ka na after 2 or 3 days of talking and then you can feel something inside of you. Hep! Pero hindi ka pa inlove, okeh? Nasanay ka lang; attached ka lang. Pero ayun nga, after 2 days, at hindi mo siya nakikita or nakakausap, magkakaroon ka ng anxiety feels; not totally anxiety dahil iba na 'yon. Magkakaroon ka ng feels of being anxious na parang in your mind you'll keep on saying: "asan na ba 'yon?"; "bakit 'di pa siya nag-oonline?" 'Yun yong sinasabi ko na namimiss mo siya.
Well, missing someone is kind of different from being attached. So missing somebody is you're finding the presence or situation that they are always giving you whenever you are with them. Parang kapag kasi sinabi natin na namimiss natin sila, we totally know that person already. Kasi nga may hinahanap ka from them. Yes, from them ONLY na hindi mo hinahanap sa iba. Ang pagiging attached naman, kumbaga nastuck ka lang sa kung anong napakita niya in a short period of time. Gets? Complicated ba? Ay nako! (Kung complicated simply message me, I'll answer :">)
But, kapag tayo ay na attached na, NEVER EVER tell that person. Bakit? Because they can easily brush you off or leave you. Kasi mamaya bored lang pala sila kaya ka nila kinausap ng ganun katagal. Kasi kahit naman tayo 'di ba? Kapag mayroong stranger na umamin satin we are kind of having a discomfort feeling na "ooppss, we need to have a little distance dahil I don't know you." So ayun nga, you have to keep it to yourself. Huwag na wag niyong ipagkakalat yung feeling na tumutubo sa inyong heart, okeh? Well, you can share it with your friends just make sure na hindi makakarating sa kanila 'yon because.. owemji, kung sanay ka na lokohin ka, you go, pero kung hindi, okay stick with me.
My advice:
So ayun nga, parang similar lang ito dun sa chapter na "chat" e. Ayun, some tips are found there pero sasqbihin ko nalang ulit dito.
Check their profile, check their personality, if you are fine with everything, then go.
But! Remember your limitations. Mag-uusap lang kayo at hindi magde-date okeh? Kasi iba na yun e. Iba na yung chat lang sa chat na pakikipag flirt. That's kind of a different situation as well. Ayun, chat lang kayo. Questions, or story telling, yan lang ang pwedeng maganap sa conversation niyo.
Also remember their reason of talking to you ha? Baka kasi mamaya trip lang nila 'yon e maiwan ka pa ng luhaan. Mamaya sisihin mo pa ako dahil sinabihan kitang ichat mo sila. Tsk! Anyway, you should be ready to face your consequences. Oh so scary! Yes, it is scary. Dahil you'll never know. E teka... KAYA NGA SINASABIHAN KO KAYA KUNG ANONG TAMANG GAWIN 'DI BA PARA NGA DI KAYO MALOKO KAYA DAPAT READY KAYO SA SUSUNOD NA MANGYAYARI!!!!!!!!!!!! So back to the topic, dapat ready nga kayo sa mga susunod na mangyayari. Since chat lang ang habol niyo sa isa't isa, 'wag kayong maaattach ha? Dipende nalang kung alam niyong nahuhulog na kayo sa isa't isa. Kasi baka mamaya, bigla siyang maglaho, e wala naman kayong karapatan para questionin siya dahil nga CHAT LANG NAMAN HABOL SAYO. Ayon lang naman ang consequence niyo. Hehe.
Thank you for reading ^^
YOU ARE READING
Libreng Advice Para Sa Alam Kong Situation
HumorAno ba?! Kailangan ba nito?! Sus! Daming arte! Di ko mapublish kasi kailangan daw ng STORY DESCRIPTION! OH AYAN NA! PS. kung gusto niyo ng advice about sa situation niyo na wala akong nasulat, feel free to message me okeh? ^^