thirty one

386 22 7
                                    

daehwi's

Kinakabahan ako. Sasabihin ko na sa mga kaibigan ko yung plano ko tungkol kay Canice.

Handa narin akong masapak ni Jaehwan. Kahit ni Ong.

Dumating silang lahat at hindi makatingin ng diretso sakin si Daniel. May alam ba to?

"Danik hyung, may alam ka ba sa sasabihin ko?" Lalo siyang namutla. Kinakabahan ako. Baka alam niya. Napatingin sila Minhyun hyung sakaniya.

"Umamin ka na, Euigeon." Pagalit na sabi ni Jisung. Kinakabahan parin ako.

"Uhm. Ano. Kasi....diba..." Sinipa na siya ni Sungwoon. Ano nangyayari bakit pisikalan na!! Oo naabot ni Sungwoon hyung si Danik.

Humarang si Jihoon at Jinyoung sakanilang dalawa tapos hinawakan naman ni Guanlin at Ong si Sungwoon.

"ETO NA AAMIN NA KO!!!!" Pagalit na sabi ni Daniel. Natahimik kaming lahat.

"Sabi kasi ng dentista ko diba 14 pieces lang na jelly pwede kong kainin sa isang araw perokumainakongayonngdalawangpackngjellysorrysorrysorry" Natahimik kaming lahat.

"YUN NA YON?!?!!?!" Sigaw nila. Tumango si Daniel. Jusko naman. Akala ko kung ano.

Hindi na nila pinansin si Daniel sa gilid. Biglang humarap sakin si Minhyun hyung.

"Ano yung sasabihin ko, Daehwi?" Eto na yon. Eto na talaga.

"May usapan kami ni Samuel. Na magiging kami. May boyfriend, ganun." Nanatili akong nakayuko. Ayokong makita yung mga itsura nila.

"Sa isang kondisyon. Magpanggap muna ako bilang lalaki tapos ang napili nya na lolokohin ko ay si Canice. Sa sobrang tanga ko para kay Samuel, ginawa ko." Tumingin ako sakanila at nakita kong kumuyom yung kamay ni Jaehwan hyung.

"Pero narealize ko, na hindi dapat pinaglalaruan yung feelings ng usang tao. Lalo na si Canice, kasi hindi nya deserve yung masaktan. Naging masaya siya kasama ako, ako rin naman. Pero kasi alam ko nang mali, kaya hindi ko na kinausap. Pasensya na, Jaehwan hyung. Hindi ko na ulit kakausapin yung kapatid mo." Tumingin sakin si Jaehwan. Blangkong ekspresyon sa mukha.

"Masaya ka na? Nasaktan mo kapatid ko?" Umiling ako.

"Dapat lang na umiwas ka na. Sa susunod na makita ko pang kausapin mo siya, o kahit ba lapitan mo, ako na mismo aalis sa grupong 'to." Umalis siya agad. Pinipigilan ko lang yung luha ko.

"Anong plano mo, Daehwi? Maging kayo na ni Samuel?" Tanong ni Jihoon.

"Hindi. Wala na, hindi ko na alam. Gusto ko muna umalis." Napatungo silang lahat.

"Umalis? Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Woojin.

"Sa Japan siguro, bibisitahin ko si mommy. Magsstay din muna ako don for a while."

"Kung yan yung solusyon mo sa problema mo, hindi ka namin pipigilan. Basta sana pagbalik mo, okay ka na. Okay na lahat." Sabi ni Ong at tuluyan na silang umalis.

pretender | l.dhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon