Prologue

142 5 2
                                    


Malandi!

Hindi makontento sa isa!

Bitch!

Ambisyosa!

Spoiled brat !

Sa dinami dami niyang naging ex hindi na yan virgin!

Ginagamit lang naman niya ang mga lalaki para sumikat eeeew!




Yan ang mga masasakit ang binabato nila sa akin pero hindi naman ako nasasaktan hindi sana ako magkakaganito kung hindi ako tinarantado ni  James William Alford .

Pati rin ang sarili kong pamilya kinalimutan ang sariling anak nila dito sa pilipinas  tsk

Kami kase ang may ari ng Westlynn Company at Westlynn Academy  kaya wala silang time para makabonding ako laging busy tsk tsk.

Sana nga mahirap na lang kami para may time sa isa't isa haist.

Only child lang ako kaya napakaboring ng buhay ko.

simula pagkabata ko si yaya linda ang lagi kong kasama parang mama na rin ang turing ko sa kanya. 

Gusto nyo ba malaman kung ilan ang naging exes ko? 9 exes lang naman.

Bakit marami akong ex?


 James William Alford  first love ko nagtagal kami ng 3 years at siya ang pinakamatagal na naging boyfriend ko yuck!

gusto nyo ba malaman kung bakit kami nag hiwalay?


                                                                       ~~throwback~~

What a day lagi na lang kaming walang time sa isa't isa mag i-isang linggo na nga kaming hindi nag uusap at nagkikita!

Hindi kaya may bago na siya?

AAAAAAAAAAAHHHHHHH Wag naman sana! bigla kong sinampal ang sarili ko para wag isi-

*riiiiiiiing riiiiiiiing*

napatigil ako ng pagiisip nung may tumawag sa akin

YOU SNAKEY SON OF A SWIFT!! si baby william nagparamdam rin at tumatalon talon ako sa tuwa sa kama ko.

"H-hello babe!" nauutal na sabi ko

"let's meet"

ganun wala man lang Hi babe!

"Where?"excited na tanong ko

"Park" malamig niyang sabi

"O-okay"

Bakit parang kinakabahan ako No Scarlett! baka may i-sursurprise sya sa akin

nagbihis na ako ng bongga para naman maging goddess ako sa paningin niya

Nang nakarating na ako sa park nakita ko siya nakaupo sa bench at malalim ang iniisip.

Tumakbo ako papunta sa kanya at yinakap bigla naman siyang nagulat

"Babe i miss you so much" malambing kong sabi at kiniss sa cheek

"I-i miss you too babe" may kahalong lungkot ang pagkasabi niya at ngumiti pero hindi abot tenga ang ngititing yun.

"Bakit hindi ka nagparamdam last week you don't have an idea how much i miss you babe" malungkot kong sabi sabay yuko. I hate this feeling na parang lumalamig na sa akin si william.

Bigla naman akong inakbayan ni william at hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha ko.

"I'm so sorry babe kung pinapahirapan kita ngayon"kiniss niya ako sa lips at yinakap.

Biglang tumulo ang luha ko.Bakit ganon feeling ko mawawala si william sa buhay ko.

Bigla akong tumayo at hinarap siya habang patuloy paring tumutulo ang luha ko.

"Diretsohin mo na nga ako william bakit parang ang cold cold mo na sa akin this days !"pumiyok ako nung sumigaw ako.

Tumayo na rin siya at nakikita ko sa mga mata niya na malungkot siya.

Bigla niya akong yinakap "let's stop seeing each other"

"H-huh b-bakit? bakit?!" bigla ko siyang tinulak

"BAKIT? May b-bago ka na ba? is she worth it to replace me?!" hinahampas ko siya sa dibdib niya habang humahagulgol.

"fuck"bulong niya pero narinig ko.

"Wala akong babae" bored niyang sagot.

"So bakit ayaw mo na akong makita pa"

"I don't want to hurt you so don't ask" hinawi niya ang buhok niya na parang bored na bored.

"Too late nasaktan mo na ako! " sinampal ko siya pero hindi pa sapat yun sa mga sakit na pinaggagawa niya.

Biglang umulan ng malakas dati nung bata pa ako tuwang tuwa ako sa ulan habang  tumatalon at wish ko pa noon na someday maliligo kami ng taong mahal ko sa ulan at mag ka holding hands pero ngayon umiiyak na ako sa harapan ng taong mahal ko at humahagulgol. 

Eto na ang pinakatatakutan ko mawala siya sa buhay ko. Nag lakas loob akong magtanong sa kanya.

"A-are you b-breaking up w-with me?"

"Yes scarlett, i'm breaking up with you" linagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at tumalikod na.

No it can't be ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Hinabol ko siya at yinakap sa likod.

"Please don't leave me will please" pagmamakaawa ko

"Hindi mo na ba ako mahal william?"patuloy pa ring umuulan kala ko sa mga teleserye lang ito nangyayari in real life rin pala sobrang sakit na iiwanan ka na ng taong mahal mo.

Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso nasasaktan ako kase ayaw na niya sa akin. Kinalimutan na nga ako ng sarili kong pamilya pati ba naman siya.

" I. DON'T. LOVE. YOU. ANY. MORE.!!" Tinulak niya ako at tumalikod muli.

"Let me go scarlett just let me be" Cold niyang sabi.

Sabi nga daw nila kung mahal mo talaga ang isang tao pakawalan mo na.

Hinarap ko siya siya sa akin  "OKAY! yan ba ang gusto mo? Pwes pagbibigyan kita pero tandaan mo 'to wala ka ng babalikan pa sa akin."  umatras ako "Makakalaya ka na" at lumakad na ako papalayo sa kanya. Tumingin ako sa langit habang patuloy na pag agos ng mga luha ko at patuloy paring umuulan.


                                                          ~~end of throwback~~



           That's why that the good girl becomes a bitch. 








P.S., You're MineWhere stories live. Discover now