Project Loki: The Art of Moving On [one-shot]

4.6K 93 23
                                    


PROJECT LOKI: THE ART OF MOVING ON [one-shot]
A Project Loki one-shot fanfiction written by: icedkoffeee

THIRD PERSON

"It's over." Buntong hininga ni Inspector Estrada habang pinapanood na ipasok sya sa loob ng Police Mobil. Maraming estudyante at titser na nakikiusyoso sa paligid at nagkumpulan. Marami ang napatakip ng bibig at nagulat sa kanilang nakita.

"S-Siya si Moriarty?!"

"Oo. Sya ang puno't dulo ng mga krimen dito sa Clark High!"

"Hindi ako makapaniwala. . ."

"Ano nang gagawin mo, Loki?" Tanong ng matandang inspektor sa lalaking nakapamulsa sa tabi nya. Malalim na nakatitig ang binata sa taong kapapasok lamang sa sasakyan. Kahit saang anggulo tignan, walang bahid ng pagsisisi sa mukha nya sa mga krimeng ginawa nya.

"What do you want me to do? Tumambling sa tuwa dahil nahuli na sya? Maghost ng isang victory party dahil nahuli na sya?" Walang ekspresyong sambit ng binata dahilan upang montik na syang mabatukan ng babaeng katabi nya.

"Loki, Timing!" Lorelei said as she shot him with a look. Napakilbit-balikat na lamang si Loki. Umardar na ang kotse paalis at nagsimula nang magsialisan ang mga nakikiusyoso.

Tapos na.

Nagkaroon din ng dulo ang mga krimeng nangyari sa Clark High. Natapos rin ang kanyang mala-chessboard na laro. Wala nang pawn. Wala nang piyesa. Wala nang codes na kailangan i-decipher. Wala nang kasong konektado pa sakanya. Wala nang belladonna. Wala nang chemical compounds na lulusaw sa katawan ng kung sino man at higit sa lahat, wala na ang criminal mastermind ng lahat. Ang nagsisilbing hari ng mga pawn sa chessboard, Wala nang Moriarty.

"Boring!" Itinaas ni Loki parehas ang kamay nya sa ere na tila sumusuko tsaka naglakad palayo. Sinundan naman sya nila Lorelei at Alistair samantalang si Jamie ay mabilis na tumakbo upang mahabol sya. Ibinalot nito ang mga kamay nya sa braso saka ngumiti ng malaki.

"Wait for me, Loki dear!" Napailing nalang sina Lorelei at Alistair sa likod. Mayroon talagang mga bagay na hindi magbabago. Sambit ng dalaga sa sarili.

"What do you mean by Boring? Loki dear? Aren't you glad na napadali ang trabaho natin?" Tanong ni Jamie tsaka inilapit ang sarili sa binatang diretso lang ang tingin sa nilalakaran nya.

"Oo nga. The criminal mastermind confessed all his crimes himself, may ebidensya pa sya para mapatunayang siya nga talaga si M. We don't have to risk our lives to lure him out of his spider web." Pagsangayon ni Alistair ngunit biglang tumigil si Loki sa paglalakad, dahilan para mapatigil din ang lahat.

He raised his right, index finger and motioned it slowly from left to right.

"No no no." He said in a mocking voice. "I've spent months of planning everything out. Kung pano natin sya lulusubin sa lungga nya. Kung pano natin sya papaaminin at kung pano natin sya bibtbitin sa presinto. All of my efforts went straight to the dumpsite dahil sa isang napakalaking pagkakamaling ginawa nya. Para lang syang nakipaglaro ng hide and seek saatin. Ang kaibahan ay sumuko agad sya, indicating that he, himself is nothing but a piece of coward trash."

"Don't tell me, you're planning something?" Masama ang kutob ni Lorelei. Dahan-dahang kumubra ang isang hindi mawaring ngiti sa mga labi ni Loki.

"L-Loki dear!" kabadong suway ni Jamie.

"What are you planning to do?" Maging si Alistair ay hindi panatag sa mga ngiting nakapinta sa mukha ng kanyang clubmate.

"Simple lang naman. I'll torture him. Emotionally and Mentally. Kung anong ginawa nya sa mga pawn nya, gagawin ko pabalik sakanya. Thou shall not be harmed, so instead of harming him, I'll harm the people around him. Collateral damage. Siya ngayon ang bagong Loki Mendez. Ibabalik ko lahat ng sakit na pinaranas nya sakin, mula sa pagkamatay ni Rhea hanggang sa ilang beses na pagtangka nya sa buhay ninyo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project Loki: The Art of Moving On [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon