"y/n!!!!" narinig kong sigaw ng kaibigan ko. Kinawayan ko siya at tumakbo na papunta sakin.
'hay nako Kiera, pag ikaw nadapa bahala ka' nasabi ko nalang sa sarili ko.
"Oy bakla bat ang tagal mo? Kanina pako naghihintay." sabi ko sakanya.
"Sorry ba bakla, natraffic ako eh." sabi nalang niya. Tinanguan mo nalang siya at naglakad na.
(PS: hindi po kayo bakla HAHAHHA yun lang tawagan niyo HAHA)
"Kanina pa ata dun si Naomi! Bilisan mo!" nairitang sabi ni Kiera.
"Aba ikaw pa nagmamadali, ang bagal mo kasi gumalaw!"
natatawa kong sabi. Hindi nalang ako pinansin ni Kiera at hila hila padin ako. Tumigil na siya sa kakahila noong nakarating na kami sa coffee shop na pagmamay-ari ni Naomi.
"Baklaaaa!!" bati ko habang binubuksan ang pinto papalapit kay Naomi.
"Kainis kayo!" Naomie
Nagtaka kaming dalawa ni Kiera.
"Bakit??" sabay naming tanong ni Kiera.
"Gago ang tagal niyo bakla! Kanina pako naghihintay." napatawa ako at tumingin kay Kiera.
"Hay nako Naomi. Magsasampung taon na tayo magkakaibigan di mo parin alam." sambit ko at umupo na sa upuan.
"Late ka nanaman Kiera ano?" tanong ni Naomi.
"Traffic nga kasi." pagbubulaan nanaman niya.
"Hay nako Kiera. Magsasampung taon mo narin yan excuse. Mag isip ka naman ng iba." sabi ni Naomi at napatawa naman kaming dalawa ni Naomi.
-
"Oh bat mo nga pala kami pinapunta? May problema ba?" tanong ko habang hinahapag na ng waiter ang inorder namin sa lamesa.
"Oo nga, busy ako eh. Pasalamat ka best friend kita." sabi naman ni Kiera sa tabi ko.
"Eh ano kasi, gusto daw kayo ilipat ni Papa sa school niya." nasamid ako sa sinabi ni Naomie.
"Ano? May bagong school nanamang pinatayo si Tito?!"
Oo tama kayo ng nabasa. Pangatlong school na itong pinatayo ng pamilya ni Naomi.
"Oo eh." grabe talaga. Kakaiba ang kayamanan nila Naomi.
"Eh saan naman yun pinatayo?" tanong ni Kiera.
"Ito nga yung pinoproblema ko."
"Bakit? Saan ba?" sabi ko.
"Sa Korea daw eh." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Is Tito serious? Omg." Kiera
"Oo, seryosong seryoso si Papa. Tutol nga ako kasi masyado marami na yung ginagastos niyang pera."
"Eh alam naman natin na hindi umaayaw si Tito." dagdag ko.
"Ano gagawin natin? Di tayo pwede tumanggi." sabi ko.
"We have no other choice kundi sundin ang gusto ni Papa."
"Jusko hindi ako magtataka kapag bigla kayong nawalan ng pera. Gastosera talaga si Tito eh."
Grabe talaga. Pangatlong school na yan ni tito. Tapos sa Korea pa?! Juskoooo. Di kinakaya ng bangs ko yan.
"Oh kelan daw tayo papalipatin?" tanong ko na agad. Sana wag naman agad agad. Di pako ready.
"After the school year daw eh." nanlaki nanaman ang mga mata ko.
"Wtf, two weeks nalang matatapos na school year diba?!" gulat na sabi ni Kiera.
Tumango si Naomie.
Napakamot nalang ako sa ulo. Ano ba yan. It might look like a small problem but it isnt. Malaki tong pagbabago samin ni Kiera dahil simula noong binenta kami sa pamilya nila Naomie noong mahirap pa sila. Ang mama na ni Naomie ang nagpalaki samin pero hindi namin kinaya ni Kiera na ituring bilang nanay, tatay o kapatid sila Naomie. Kaya napagisipan nalang nila na Tita at Tito nalang ang tawag namin.
Dahil nga mag ka-college na kaming tatlo, sinimulan na namin tumira sa mga dorm para daw masanay na kami. I think its a good idea. Sa tagal din naming magkakasama sa bahay, baka mahirapan din kami magkahiwahiwalay. Hindi namin minsan naisipan ni Kiera umalis ng bansa. Di naman kasi kami katulad ni Naomie na labas lang ng labas ng bansa kahit kelan niya gusto. Di rin naman namin naisipan ni Kiera na sumama. Mayghad pano na to.
"Papayag ba kayo? Alam kong mahihirapan kayo eh." tanong ni Naomie.
"Ano pa nga ba. Di ko kaya tanggihan si Tito." sambit ni Kiera.
"Oo nga naman, tsaka sa tingin ko panahon narin na turingin natin silang parents. Diba?" nakita kong nagliwanag ang mukha ni Naomie.
"I think so too."
Matagal narin namin natawag sila Tito at Tita na Mama at Papa eh. Matagal na nila kaming pinapalaki at inaalagaan at ito lang ang naiisip kong maiisukli.