SWY- 1

19 0 0
                                    

SKYRIE'S POV 

"Oh' nangyari sa mukha mo, naka busangot ka na diyan first na first day?" bungad sakin ng koreano kung kaibigan.

"Eh' paano, si Noona ang aga-aga nag tatatalak na naman mas maingay pa yung bunganga niya kesa sa alarm clock ko" nakabusangot ko pang sabi

"HAHAHA' paano ba naman dre, ROS ka ng ROS hindi ka naman manalo-nalo" natatawang sabi pa niya. 

"Tumahimik ka nga diyan Koreanong hilaw, syempre para maging expert ako dahil wala namang expert kung walang noob" Nagkibit balikat lang siya at patango-tango pa.

"Laking pasalamat mo nga dahil diyan sa ate mo, hindi ka tuloy na late hahaha. Oh' asan na yung pinaka gwapo nating kaibigan?, baka nakakalimutan niyang may pustahan tayo" Natatawang sabi pa niya. 

Yes, may pustahan kami kung sino yung mahuhuli siya yung mang lilibre hanggang one month. Lahat ng gusto namin, dapat maibigay. Kung hindi may consequences na matatanggap. 

"Speaking of handsome, ayun na ang gago hingal na hingal pa" Natatawang dagdag niya, natatawa nalang rin akong napatingin sa bagong dating.

"Oh come on! Ba't ang aga niyo naman ata Monteverde't Jack Sebastian" anang bestfriend kong si Ekon.

"Dre, ang aga aga bina bad trip mo ako, alam mo ba yun?" Galit na sabi ni Sebastian. 

Yan ang problema niya, siya yung mahilig  mang-asar pero sa huli siya yung pikon.

"Pano ba yan, ikaw yung na una sinusuklian lang kita" natatawa namang sagot ni Ekon sa kanya. Bago pa mag ramble tong dalawa ay nag salita na ako.

"Buti hindi ka kinuyog ng mga fan girls mo dre" Baling ko kay Ekon. Natatawa na naman siya, ano bang nakakatawa sa sinabi ko?.

Sa aming tatlo kasi, si Ekon ang lapitin ng mga babae. Chick magnet kasi yang best friend kung iyan. Well, kami rin naman pero mas lamang yung sa kanya. Totoo talaga yung kasabihan nila na talo talaga ang Gwapo sa may sex appeal. I agree.

"Anong nangyari sa mukha mo dre, bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa sa lalim ng eye bags mo" Natatawa paring sabi niya. 

Bwisit kaya pala panay tawa niya dahil sa eyebags ko.

"Bad trip ka, alam mo ba yun! Kinakausap ka ng maayos paiba iba yung sagot mo" pasinghal na sabi ko. Pero ang mga walang hiya tinawanan lamang ako.

"Epekto ng ROS yan dre" Baling ni Sebastian sa kanya.

"Now I see!" Sang ayon naman niya. Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin nila at nag tuloy na ako sa paglalakad. Ke'aga aga nang tri-trip na naman.

BAD TRIP

Bigla naman nila akong inakbayang dalawa. 

"Di ka parin nag babago Butch, pikon ka parin hanggang ngayon" 

"Wag kang masyadong pikon dre, ang gwapo mo pa naman sa soot mong uniform ngayon, baka sagotin ka na ni---" Hindi ko na pinatapos pang mag salita si Sebastian

"Wag mo kong talksh*t** Jack Sebastian, akala ko ba kailangan na nating mag bago dahil graduating students na tayo?" Napa-iwas naman yung dalawa sa akin. Si Ekon kalma lang habang si Sebastian naman nakataas yung dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Ez, Ez ang init ata ng ulo mo pahupain mo muna yan, baka may masaktan" Bwisit na yan pag ako nag init ang ulo baka may malaking gulo at nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang naririndi ako sa mga boses ng mga malalandi na isinisigaw yung mga pangalan namin.

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now