SWY- 2

10 0 0
                                    


Flame's POV

Kanina pa ako pabalik balik ngunit hindi ko talaga mahanap yung room ko, king inang yan. Saan ba pinatayo yang ED 12 na yan. 

"Miss kanina ka pa palakad lakad dito a" Sabi ng isang babae at nakaharang na sila ngayon sa daraanan ko. Ngunit hindi ko sila pinansin at magpatuloy na sana, ngunit sa pangalawang pagkakataon hinarangan na naman nila ako ulit.

"Not to fast Fatty, You see this territory is mine." Binigyan ko lang siya ng nakakabagot na tingin. Mga isip bata.

d|-_-|b - Me

"Nabili mo ba?" mahinahon kung sabi. Nagitla naman siya bigla pero naka recover naman agad.

"Ofcourse, malaki yung share namin sa school nato. And look at you, kahit bigas siguro hindi ka makaka afford. Bakit ka nga pala naka pasok sa school na to?." 

"Jasmine, stop that. You see hindi siya naka uniform maybe tranferee siya" Nakahinga naman ako ng maluwag, kahit papano may mababait naman pala sa school nato.

"Sisingilin nalang natin siya later." Natatawa namang dagdag pa niya at umalis na sila. Tsa, uso parin pala ang mga isip bata sa panahon ngayon. Mga abnoy.


Napahanga ako sa pag welcome ng CIS sakin. Mga estudyante dito ang o-oa kung mag react. Ganito ba utak ng tao dito?. Tsa.


Ilang oras akong naglalakad at hinahanap ang silid ko at sa wakas nahanap ko rin. Sinong nag aakalang, may classroom pa pala sa baba at kailangan mo pa din umakyat dahil nasa ikalawang palapag yung silid. Gets niyo? Sino ba kasi nag pauso ng pasikot-sikot na daan at ipapatapon ko sa ekwador.



"Why are you still standing out there?. First day na first day late ka. FASTER!" sabi ng guro, kalmado naman akong naglakad papasok, lumilinga-linga pa ako na animo'y may hinahanap. Nang makita ko siya ay dumiretso na ako sa kanya dahil bakante naman yung upuang katabi niya  ay  umupo na ako agad.

"Ang aga mong umalis, late kang dumating. Ang tibay mo rin" Sabi pa niya habang nakatingin lang sa guro namin.

"Paano, hinahanap ko pa tong ED 12 nato, hindi ka pa nag text bruha ka. King ina kaya napadpad pa ako doon sa pool area" walang reaksyong sagot ko pa sa kanya katulad niya rin, nakatingin ako sa guro para di niya makitang nagdaldalan kami dito.

"Haler, uso mag tanong te mag bibigay ka naman". mahinang bulong pa niya, sasagot pa sana ako.

"Late ka na nga, madaldal ka pa. Hala, tayo magpakilala ka sa gitna" 


  d|-_-|b - Me 


Nakapamulsa akong naglakad papunta sa gitna


"FLAME ACEY ALCANTARA" sabi ko pa at aakmang aalis na sana ng bigla itong nagsalita na mukhang gulat na gulat pa.

"That's it?" 

"Please be good to me" pagpatuloy ko pa hindi ko na siya pinansin at nag tuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta sa aking upuan. 



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STUCK WITH YOUWhere stories live. Discover now