ALS 1

8 1 0
                                    



Ang buhay ko ay puno ng pagmamahal galing sa pamilya,kaibigan,at sa babaeng bubuo ng buhay ko.

Ako si Godwin kiel De Guzman pero tawag nila sakin Kiel,nakatira kami sa Makati kasama ko ang kapatid kong si Sophia Claire De Guzman .Bata palang kami ng kapatid ko kinuha na ni Lord sila Mama at Papa kaya kami na lang ng kapatid ko,lumaki kaming magkapatid sa Lolo at Lola namin na magulang ni Mama.Sila ang nagpaaral samin.Ang Pamilya namin ay sikat sa buong pilipinas at ibang bansa dahil si Lolo ang pinaka magaling na Architect sa buong pilipinas at sa ibang bansa,mayroon din kaming mga buildings,hotels,at school dito sa pilipinas. Grade 8 palang ako sa De Guzman University or DGU,yes kami ang may ari ng school na pinapasukan namin ni Sophia.Syempre ako rin ang Campus king sa DGU,hindi dahil sa amin ang school kaya ko nakuha ang pagiging Campus king.Sadyang nagmana lang ako ng kapogian kay Papa at kay Lolo,ang pagiging Campus king ay mahirap dahil pagpasok mo palang sa umaga meron na agad na mga nakaabang na kababaihan sa gate.Hindi naman ako yung tipong Campus king na mayabang ako yung tipong humble at marespeto lalo na sa mga babae.Ang mga babae kasi dapat inaalagaan at nirerespeto.

June 04,2018

Monday 5:30am

Pagkagising ko agad akong bumangon at nagdasal.

"Goodmorning Mama,Papa,at Papa God,thank you po kasi ginising nyo po ako na walang sakit at malakas,at thank you rin po kasi patuloy nyo parin po kaming ginagabayan ni Sophia at sana po patuloy nyo parin kaming gabayan kahit san man po kami naroon ng aking kapatid"pagkayari kong nagdasal dumiretso na ako sa banyo para maligo at maghanda para sa school year na to.

Pagkayari kong maligo pumunta na ako sa Walk In Closet ko,para magbihis at pagkayari kong magbihis ay bumaba na ako para kumain,pagkababa ko agad kong nakita ang kapatid kong si Sophia grade 6 palang sya sa school namin mayroon din kasing Elementary sa DGU.

"Goodmorning kuya!"Bati ni Sophia at hinalikan ko naman sya sa ulo

"Goodmorning din Bunso excited kana bang pumasok?"Bati at tanong ko naman sa kanya

"Opo kuya!Ikaw po Excited kana po bang makita si Ate Keren?"Pangaasar naman sakin ng kapatid ko.

Yung nabanggit ni Sophia si Keren Faith Commandante sya ang Campus Queen ng DGU,matagal ko na syang gusto pero natotorpe ako eh,hindi ko alam kung paano ko aamin sa kanya.

Magkaklase kami ni Keren noong Grade6 kasi nagtransfer sya dito sa DGU,Grade7 ako nung nagustuhan ko sya kasi sya yung tipo ng babaeng simple lang kung manamit pero may dating.Kasabay nyang nagtransfer yung mga Bestfriend nya na sila Ashley Faith Estrella,Angelica Crisostomo,Jenna Leigh Lim,at Abby Mendoza.Si Ashley ay pinsan ni Keren,aaminin ko lahat sila magaganda pero mas maganda at may appeal si Keren.Kilala ang grupo nila sa Buong DGU ang name ng Group nila ay Queens kasi ang Leader nila ay si Keren isang Campus Queen.Hindi naman ako magpapahuli meron din akong grupo ang pangalan naman ng grupo namin ay Kings kasi ako ang Leader nila at ako ang pinaka gwapo at syempre pinaka may appeal sa aming lima,si Jalen Castro,Christian Castro,Jasper De leon,at Topher Natividad,si Jalen at Christian ay mga pinsan ko.Nabuo kaming magbabarkada kasi magkaklase kami nung Grade6 at nakilala nga namin ang Queens.Matagal na naming gusto ang Queens sadyang torpe lang kaming lima,noong grade7 kami naging kaibigan namin ang Queens,at kaming dalawa ni Keren ay naging Campus Queen and King.Grade8 na kaming lima pero hindi parin namin maamin kayla keren na gusto namin sila.

"Oh kuya bat natulala ka?naalala mo si Ate Keren noh?"Mapangasar talaga tong kapatid ko

"Hindi noh,kumain ka na nga lang jan"sabi ko naman sa kanya

Pagkayari naming kumain nagpaalam na kami kay Nanay Josie sya ang Yaya namin ni Sophia simula nung baby pa ako at nung pinanganak si Sophia,nung natapos na kaming magpaalam pumunta na ako sa kotse at sumunod naman sakin si Sophia.Pinabuksan ko na kay Kuya Amang ang gate,si Kuya Amang ang Guard namin sa bahay.

A Love StoryWhere stories live. Discover now