Dramarama
Red Velvet
Kabaklaan
052218***
"MAGPAPAKAMATAY nalang ako kung mawawala sya." Madramang sabi ni Wendy sa kaibigan nyang si Seulgi sabay singhot at kuha ng tangina—I mean, tang juice na tinimpla pa ni Seulgi. Paano naman ang gagang si Wanda, naghahanap ng alak—eh, hindi naman umiinom. May masabi lang talaga.
Umirap naman si Seulgi na akala mo naman ikakaganda nya, "Manahimik ka nga, Seungwan. Ilang beses mo ng sinabi yan, hanggang ngayon naman, buhay na buhay ka pa din." Inis na sabi ni Seulgi dito. Gusto na nya talagang sakalin ngayon si Wendy. "Swerte mo pa nga, eh."
Sinamaan sya ng tingin, "Maswerte pa ba ang tawag sa hindi mahal ng taong mahal nya? Kung oo, putangina, napakaswerte ko naman pala." Sarkastikong saad nito sabay tagay pa ng juice na iniinom nya. Akala mo naman talaga, alak ang iniinom, kung makaasta, eh.
"Mahal ka kasi ng taong mahal ko." Seulgi mumbled. Hindi naman sya narinig ni Wanda kaya naman kumunot ang noo ito.
"Ano kamo?" Kumamot pa ito ng ilong habang nagtatanong, dugyot.
"Sabi ko, hindi ka mahal ni Joy." Umirap si Seulgi at uminom din. Naiinis man sya sa katotohanang gusto ng babaeng mahal nya ang bestfriend nya na si Wendy, wala syang magagawa. Hindi nya kayang magalit sa kaibigan nya dahil alam naman nyang wala itong alam at kasalanan.
"Putangina. Thank you for the support," Inis na sabi ni Wendy sabay tayo. "Dyan ka na nga!" Sabi pa nito at pumasok na sa loob. Nakatambay kasi sila sa bahay ni Wendy ngayon at nagiinuman ng juice sa tarangkahan.
"You're welcome!" Pahabol naman ni Seulgi at sumubsob sa mesa na nasa harapan nya. Nahihilo na sya. Hindi naman alak ang iniinom nya, nahihilo pa rin sya.
Paano ba naman umikot ang mundo nya sa maliit na babaeng nagngangalang Bae Joohyun.
Nagulat sya nang may bumatok sa kanya. Inis na napaangat sya ng tingin at nakita nya si Joy na tumatawa, inirapan nya ito dahil alam nyang ito ang gumawa ng kalapastanganan na iyon. Tumingin pa sya sa dalawa na katabi ni Sooyoung at nakita nya si Yeri— at Irene, ang babaeng handa nyang paglaanan ng buhay nya ngunit hindi manlang matingin sa direksyon nya. Puro Wendy. Wendy dyan, Wendy dito.
"Oh, bakit nandito kayo?" Bored na tanong ni Seulgi kahit na hindi nya maiwasang hindi tumingin kay Irene na nakamaiksing short at t-shirt na may design na bunny.
"Wala lang." Ngumiti naman si Joy at inakbayan si Yeri sa tabi nya nakatingin lang kay Seulgi habang nakangiti ng parang tanga. Inlove na inlove ang gaga.
Pero dahil may pagkamanhid ang oso, hindi nya iyon napansin at busy sya sa kakasulyap kay Irene na may dalang lalagyan.
"Nasaan si Wendy?" Napanguso ng kaunti si Seulgi nang marinig ang tanong ni Irene. Wendy na naman. Naisip ni Seulgi na ang sarap ingudngod ni Irene sa pwet ni Wendy tutal iyon naman ang gusto nya kay Wanda. Nakakapunyeta. May pwet din naman si Seulgi, ah?
"Bakit?" Maasim ang mukha ni Seulgi ngunit pinilit nitong ngumiti, ay ang peke ng Lola nyo. Bigyan ng award yan. "Nandoon sa loob."
"Ibibigay ko lang sana ito." Mas lalong napasimangot si Seulgi nang makita nya ang carrot cake na dala ni Irene. Gusto nya iyon. Matagal na nyang gustong matikman ang carrot cake ni Irene. Pero gaya nga ng sabi ko, mukhang Wendy si Irene. Puro Wendy.
"Edi pumunta ka don." Bitter na sabi ni Seulgi. Nagkibit balikat naman ang pandak na kuneho at pumasok na nga sa loob.
Napairap naman si Seulgi at tahimik na humalukipkip.
Lingid sa kaalaman nya, may nakatingin sa kanya—si Yeri, na nalungkot nang makita na naiinis si Seulgi. Alam nyang nagseselos ito, dahil kay Irene at Wendy. Habang si Joy naman ay nakaakbay kay Yeri, at bumuntong hininga— dahil alam nyang nakatitig na naman ang Prinsesa nya sa oso na mahal ang pinakamatanda sa kanila.
Puro kadramahan nga naman.
***
BINABASA MO ANG
#Dramarama ¦ 레드벨벳
FanfictionSi Seulgi gusto si Irene, si Irene gusto si Wendy, si Wendy gusto si Joy, si Joy gusto si Yeri, si Yeri naman, gusto si Seulgi. Mukhang ito na nga ata ang simula ng world war III lalo na't magiging magkakasama sila sa iisang bubong. Red Velvet x Re...