Kadramahan 1

523 65 83
                                    

052318
Chapter one
#Seulgi

❝Roses are red.
Violets are blue.
We never love each other.
Just me,
loving you.❞

***

SABI nila, hindi daw madali ang umibig. Hindi madali— hindi palaging masaya. May mga bagay talaga na darating sa puntong masasaktan ka. Pero sabi din nila, kahit na masakit, masaya din naman.

Pero bakit ganoon? Bakit hindi naman ata masaya? Bakit puro sakit nalang? Katulad ng nararamdaman ni Seulgi ngayon, nakatitig sya kay Irene pero ang tinititigan nito ay ang kaibigan nyang si Wendy.

Sumama ang mukha ni Seulgi at mahinang bumulong, "Wendy na naman." Aaminin naman nyang nagseselos sya. May pagkakataong naiinggit sya sa kaibigan nya. Pero hindi nya kayang magalit dito. Dahil una sa lahat, wala naman syang karapatan kung hindi sya ang gusto ni Irene. Pangalawa, walang alam si Wanda. Wala nga itong pake kaya naman nasasaktan din si Irene.

Eh kung hindi ka ba naman kalahating tanga, edi sana ako nalang pinili mo.

Napabuntong hininga si Seulgi. Sana kung sya ang minahal ni Irene, hindi sana ito nasasaktan. Hindi sana ito umiiyak gabi-gabi.

Hindi pa nakatulong ang pagkanta ni Nayeon— mukha itong tanga na nakapikit pa at feel na feel ang lyrics ng kinakanta nya. "Cause I can't make you love me if you don't. You can't make your heart feel something it won't—" Hindi na natuloy ni Nayeon ang pagkanta nito dahil binatukan na sya ni Seulgi.

"Oh my gosh, Seulgi, inaano kita?!" Maarteng sabi ni Nayeon sabay flip hair pa. Akala mo talaga, oh. "I'm inosex—" Napatawa pa ito na parang tanga.

"Ayusin mo kasi ang kanta mo." Pagsinghal naman ni Seulgi, umasim lalo ang mukha nito nang mahagip ang nagkekwentuhan na si Irene at Wendy. Mukhang masaya talaga ang kuneho pag kausap si Wenderp hindi katulad pag kausap sya nito.

Nandoon naman ang sakit sa dibdib nya— kahit wala sya 'non. Mahirap nga talaga pag one sided love. Magisa ka lang nagmamahal. Magisa ka lang ding nasasaktan.

"Sige, aayusin ko na," Tinaasan pa sya ng kilay nito. "Teka nga, maayos naman ang pagkakakanta ko ah? Baka hindi lang maayos lovelife mo." Parang ewan na sabi nito at umiwas na ng tingin. Bastos talaga ang bunganga nitong malaking ngipin na 'to.

Napairap naman si Seulgi at nagcrossed arms. Oo na, hindi na maayos. Kasalanan ba nyang mainlove sya sa isang babae na hindi naman sya mahal? Kasalanan nya ba yun, ha? Kasalanan ba nya na nung oras na matingin sya kay Irene— nahulog na sya dito? Siguro nga kasalanan nya.

Na hindi nya kayang bitawan ito.

"Huy, tulala much?" Napatingin naman siya sa nagsalita at umupo sa tabi nya. Nakita nya si Yeri na nakangiti sa kanya.

Ngumiti nalang din si Seulgi at inakbayan ito, "Saan ka ba galing, Yerimie? Namiss kita ah!" Nakangiting sabi ni Seulgi at ginulo ang buhok ni Yeri.

Napatawa naman ng mahina si Yeri, "Nagpasama lang si Joy. Hinatak ako bigla." Sabi naman nito.

Tumango-tango naman sya. Para sa kanya, nakababatang kapatid na nya si Yeri. Mabait ito sa kanya, kahit na masungit ito sa iba. Hindi nya alam kung bakit pero mukhang iba ang turing nito sa kanya. Mas mabait ito sa kanya kesa sa iba. Naisip nalang nya na baka mas favorite lang sya ni Yeri kesa sa iba.

Napasulyap naman sya kay Irene na hindi manlang sya mabigyan kahit konting sulyap. Bumuntong hininga sya at tumingin sa blackboard. Nakita nya na may sinusulat doon si Jisoo.

Napakunot ang noo ni Seulgi nang mabasa ng malinaw ang quote na sinulat ni Jisoo at napairap ng palihim. Mukhang pinagtitrip-an ata sya ng mga kaklase nya at ng tadhana. Kanina, yung kinakanta ni Nayeon. Tapos ngayon naman, eto.

Cause baby you hurt me without evn knowing I exist.

Napatawa ng mapait si Seulgi, kilala naman sya ni Irene. Magkaibigan naman sila. Pero tuwing kasama nilang dalawa si Wendy, nababalewala sya nito. Para bang hindi na sya nageexist sa mundo nito tuwing nakikita si Wendy.

Napaiwas ng tingin si Seulgi at nakita naman nya si Lisa na nagsusulat din, mukhang naglalaban ata sila ni Jisoo na pagandahan ng sulat. Napasinghal naman sya nang makita nya ang sinusulat ni Lisa.

You're just another wish that will never come true.

Great. Just great.

***

Happy SeulRene day mga bakla.

At happy 23, eks. shaishaishai-!1!1! *sends hearteu, flying kiss and poop*

#Dramarama ¦ 레드벨벳Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon