060118
Chapter two
#Irene❝How strange to dream of you even when I am wide awake.❞
***
ALAM ni Joohyun— o mas kilala bilang Irene sa sarili nya na hindi sya mahal ni Wanda. Kahit na siguro anong pagpapapansin at pagpapaganda nya, hindi sya makikita nito bilang babae. Bilang kaibigan, oo. But not her woman.
Sabi nga nila, no matter how many coins you toss into the fountain, or how many fingers you cross, if it's not meant to be, it won't happen.
Pero bakit nga ba umaasa pa din sya? Syempre, dito sya masaya. Ang umasa sa taong hindi sya gusto. Umasa sa taong walang ibang ginawa kundi tumingin kay Joy. Hindi naman lingid sa kaalaman nya na matagal nang gusto ni Wendy si Joy. Lantad na lantad na nga ang pagiging number one fangirl nito. Si Joy ang pinakapaborito ni Wendy. Pero dahil kaibigan din nya si Joy, hindi nya kayang magalit dito. At sa pagkakaalam nya, gusto ni Joy si Yeri. Ang pinakabata sa kanilang lima.
Si Yeri naman, ayon sa obserbasyon nya, si Seulgi ang gusto nito. Madalas nya kasi itong nakikita na nakatingin sa oso.
Si Seulgi? Hindi nya alam kung sino ang gusto ni Seulgi.
"Tinatamad ako." Parang bata na sabi ni Wendy at sumandal pa, napangiti naman sya sa ginawa nito. Ang cute lang kasi ni Wendy sa paningin nya. Para itong bata. "Umuwi nalang kaya ako?" Sabi pa nito. Nakitabi sya kay Wendy, syempre para magpapansin. Ganun naman talaga. Babaeng babae naman sya pero mukhang sya pa ang naghahabol ngayon.
Sinamaan naman ni Irene ng tingin si Wendy. "Anong umuwi? Baliw ka ba?" Sabi nya sa dalaga. Nagkibit balikat naman si Wendy.
"Baliw sa kanya." Wendy mumbled. Hindi naman intensyon nito na iparinig sa kanya ngunit ano pang sense non eh narinig na nya?
At katulad ng dati, may kung anong kirot na naman sa puso nya.
Tumawa sya ng mapait. Eto na naman sya, napapakamasokista. Kung meron lang sigurong award ang tanga, baka may korona na sya. Magsasalita pa sana sya nang biglang may humatak sa kanya papatayo.
Gulat na napatingin sya sa taong humatak sa kanya at nakita nya si Seulgi na seryoso ang mukha na nakatingin sa kanya. Nakita nya na walang emosyon ang mukha nito kaya napalunok sya. Anong problema ng oso?
"B-bakit?" Kinakabahan na tanong ni Irene. Para ba naman kasing gaga na natakot sa titig ni Seulgi sa kanya. Hello, Irene? Si Seulgi lang 'yan. Hindi porket ganyan tingin sa'yo, eh mangangatog ka na dyan.
"Tara." Tipid na sabi nito at nagulat sya ng hawakan nito ang wrist nya at hinatak sya papalabas ng classroom.
Nanlalaki ang mata ni Irene at hindi agad nakareact sa biglaang paghatak sa kanya ni Seulgi.
"T-teka nga, saan mo ba ako dadalhin?!" Nang mahanap na nya ang boses nya, sumigaw na sya. Paano naman, bigla-bigla syang hahatakin papalabas. Paano kung dumating na ang guro nila?
Edi nadamay pa sya sa kagaguhan nitong si Kkangseul.
Tumigil naman agad si Seulgi at humarap sa kanya, nakita nya na ang seryosong mukha nito kanina ay lumambot. Nakatingin ito sa kanya at bumuntong hininga.
"Masakit, diba?" Tanong nito kaya naman napaawang ang bibig nya. Alam nya— "Napapansin ko. May gusto ka sa bestfriend ko. At alam kong masakit na gusto nya si Joy." Seulgi laughed in a bitter way. "So I'm saving you. Ayoko naman kasi na magpakamasokista ka 'don." Sabi nya pa.
Napayuko naman si Irene, namumula ang pisngi nya. Hindi nya alam kung dahil nahihiya sya at nalaman ni Seulgi na may gusto sya kay Wendy— o dahil sa mga titig ni Seulgi sa kanya.
Hindi nya talaga alam.
***
BINABASA MO ANG
#Dramarama ¦ 레드벨벳
FanfictionSi Seulgi gusto si Irene, si Irene gusto si Wendy, si Wendy gusto si Joy, si Joy gusto si Yeri, si Yeri naman, gusto si Seulgi. Mukhang ito na nga ata ang simula ng world war III lalo na't magiging magkakasama sila sa iisang bubong. Red Velvet x Re...