ONE

225K 3.5K 66
                                    

Emerald Fitzgerald


Friday. Last day na ng second semester finals. Hindi na ako magkandaugaga sa pag-aayos ng aking sarili. I glanced at my wristwatch. "Male-late na ako." Mabilis kong pinasadahan ang aking uniporme gamit ang aking kamay at pagkatapos ay hinablot ang bag na nakapatong sa ibabaw ng aking kama. Sa sala, naabutan ko si Mommy na maingat na nagpupunas sa mga naka-display na figurines sa aming payak na sala.

"Mi, I need to go, I'm late. Baka mahirapan akong makapara ng jeep." Sabi ko habang sinusuri ang aking sarili sa salamin na nasa sala. At talaga namang may oras pa akong suiriin ang sarili ko, noh?

"Hindi ka na ba mag-aalmusal anak? Baka malipasan ka ng gutom niyan." Kunot ang noo ni Mommy na lumapit sa akin. She was checking me from behind. Pinasadahan ng kamay nito ang likod ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.

"Sa school na lang Mi, my classmates will treat me." Pag mayroon kasing activities sa bawat subject namin eh sa akin inaasa ng mga kaklase ko ang pagre-research at sa iba pang preperations. Wala naman akong reklamo since gusto ko rin namang naaayon ang lahat sa plano ko. They are just there supporting me financially. Kaya ang laging nangyayari kapag sa mga ganitong pagkakataon ay libre lagi ako ng lunch at merienda. Not that I can't afford but they are just that persistent.

"Ah, ganun ba. Okay sige pero kung gagabihin ka ay tawagan mo ako para mapasundo kita sa motorsiklo ni Manong Pedring. Mahirap na baka di mo maabutan ang huling biyahe ng jeep. Marami pa naman ang mga manloloko sa daan." She sighed. "Ang ganda mo pa naman anak. Manang mana ka sakin."sabi pa nito while smiling.

Napangiti naman ako. Please forgive her, she is just a proud Mom na nagkaanak na, according to her, ay maganda, at mana daw sa kanya. Sige na lang at pagbigyan na lamang natin. Mothers always think that way, don't they? For them, their kids are perfect in their eyes. But Mom is really a beauty. Believe me when I tell you that my Mom is a head-turner kahit mahigit singkwenta na ang edad nito. Tamang-tama lang din ang proporsyon ng kanyang katawan. She looked younger than her age. And mind you, may mangilan-ngilan ding nanligaw sa kanya noong nalaman ng buong bayan na biyuda na pala ito. But my Mom said that she could not love anymore dahil kasama na niyang nilibing ang puso niya sa hukay ni Dad.

May lahing kastila si Mommy. Si Daddy naman ay half-british. Nakuha ko ang kulang ng mata ko sa kanya. Sadly, pumanaw na ito noong maliliit pa lang kami dahil sa malubhang karamdaman. Sa kabutihang palad, may naitabing sapat na ipon sila sa bangko kaya nakaraos kami sa pang araw-araw na pangangailangan. May mini-convinient store din kami sa harap ng bahay na siyang ginagawang libangan ng mommy ko. Tatlo kaming magkakapatid. Si Kuya Mase ay nasa ibang bansa. Nagtatrabaho ito sa The Heritage Hotel sa Hong Kong bilang Head waiter. Ako naman ang pangalawa sa aming tatlong mgkakapatid. Ang bunso, si Leah, ay nag-aaral pa bilang third year high school malapit lang dito sa aming lugar.

"Don't worry Mi, ihahatid ako ni Aireen. Hindi ko ata nakita si Leah?" I asked. Nagbibihis na ito kanina habang papasok palang ako sa banyo para maligo.

"Pumasok na. Examination week ngayon, di ba. Kaya maagang lumakad ang kapatid mo." Sagot ni Mommy. Napatango ako. Oo nga pala. Nagtatampo nga pala ito kagabi kasi hindi ko ito matulungan sa pagre-review.

Isang sulyap ulit sa salamin ang aking ginawa. My lips looked pale. Kinuha ko ang aking lip gloss sa bag at nagpahid ng bahagya sa aking mga labi. Nang makontento sa sarili, I kissed my Mom's cheek and bid my goodbye.

Ala siyete na ng umaga. Before eight dapat ay nasa school na ako para may time pa kami ng mga kagrupo ko na magpraktis bago kami sumalang para sa speech choir for our subject na Effective Speech. Ito kasi ang magiging exam namin para sa nasabing subject.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon