THIRTY

84.9K 2K 80
                                    

I'll See You Soon

Bumuntong-hininga ako. Tanaw mula rito sa 24th floor ng aking condo unit ang kagandahan ng Central, Hong Kong. Nagkikislapan ang mga makukulay na ilaw sa mga building at nakakamangha talaga ang ganda ng siyudad.

December is fast approaching. Samut-saring palamuti ng pampasko ang makikita sa bawat establishment ng city. Ang mga parke ay nilalagyan na rin ng makukulay na mga Christmas lights. Kay gandang pagmasdan ang tanawin mula rito.

Nangilkig ako sa lamig. Kahit matagl tagal na rin ako dito, hindi pa rin ako nasasanay sa pagbabago ng panahon. Winter has begun.

I sighed. For the last three years, I can say that I've grown up. Mas naging matatag pa ako at naging matibay sa mga pagsubok sa buhay.

I left the Philippines so wrecked and broken-hearted. That day, ang huling usap namin ni Lawrence ang isa sa pinakamasakit na kaganapan sa aking buhay. At hindi ko makakalimutan ang lahat ng sinabi niyang masasakit na salita na babaunin ko hanggang pagtanda. Kinasusuklaman ko siya. Tagos hanggang buto ang galit ko sa kanya.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad. I will never forgive him and I will never come back again to him even if he's the last man on earth.

********************

Kakaiba ang aura ng mga tao sa hotel kinalunesan. Nagtaka ako sa excitement na nakapaskil sa kanilang mga mukha. Anong meron?

"Good morning Ms. Babes. Ano pong meron? Parang ang saya ata ng mga tao ngayon?" tanong ko kay Ms. babes nang pumasok ito sa office.

"Hindi mo alam ganda? Sabagay, biglaan ito." she answered habang may kinakalkal sa folder nitong bitbit.

"Here." may inabot siya sa akin.

Right at that moment, hiniling ko sa Dyos na sana kuhanin na Niya ako. Sobrang sakit makita ang laman ng makintab na envelop.

Dela Vega-Jimenez Nuptials Invitation

Nilakasan ko ang aking loob at pinuno ng hangin ang aking dibdib. Tinirik ko ang mata sa taas para hindi mamuo ang luha.

"Ka--Kailan pa po ito Ms. Babes? Biglaan po ata ito ah." I tried my best not to crack my voice.

"Yeah. Pero ang sabi-sabi, palihim lang daw na pinaghahandaan nila Sir Lawrence ang kasal. Kaya siguro walang nakakaalam. Excited ang lahat. Two months from now, a big event will be happening. Can't wait to see them together. Imbetado lahat kaya nagkakasiyahan na sila. Sayang tapos na training nyo dito that time. Excited ang lahat though maraming ayaw din kay ma'am Kathy dahil masama daw ugali. I heard hindi sila magkasundo ni ma'am Veronica. Kaya siguro lumipad papuntang Europe si Ma'am nang biglaan." mahabang salaysay ni Ms. babes.

Wala akong maapuhap na sabihin sa kanya at nagpaalam lang ako na pupuntang washroom. Doon ko iniyak lahat. Nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa pero hindi ko na tinignan kung sino-sino ang mga nagtext. Alam kong sila Ailen yun at baka alam na rin nila ang kasalang magaganap two months from now.

Hindi ko pa nakakausap si Lawrence. Wala pa akong lakas na loob na kastiguhin siya pero sa tingin ko this is the right time to do so. What's the difference anyway? My heart is already broken. Why prolong the agony when it is already unbearable? Masasaktan at masasaktan lang din naman ako, bakit ko pa patatagalin.

Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Get your shits together Emerald. You can survive this. You will always survive.

Baon ang lakas na loob, umakyat ako sa lift at pinindot ang top floor.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon