"Selene! gumising kana riyan! Ano ba! Patatlong buwan mo ng hindi nagbabayad sa renta! Hindi kita pinapatira ng libre dito! Magbayad ka naman kung gusto mo manatili dito!" sigaw ni Aling Nena sa labas. Naririndi na ako. Paano kasi wala padin akong bayad sa renta. Baka mamaya makita ko nalang nasa labas ang mga gamit ko. Haayy. Kailngan ko makabayad kung ayaw kong ganoon nga ang mangyare.
Pilit niyang kinakalampag ang pintuan. Hindi padin ako lumalabas. Kasi kapag lumabas ako. Yari ako sa mala-armalite niyang bunganga at my bonus pang sabunot!
"Diana! kuhanin mo nga ang susi at ayaw lumabas ng batang ito!" bigla akong napabangon dahil sa kaba. Katapusan ko na.
Narinig ko na para bang my isinususi sa doorknob. At bago pa ako maka-aura ng alis ay nabuksan na ang pinto.
"Ano! Magbayd kana Selene o aalis ka? Bayad o alis pili ka?" wika niya.
"Aling nena. Konting palu--"
"Hindi! Kung walang bayad! Aalis kana." nagdiretso siya sa cabinet ko at binato palabas ang mga damit ko.
"Aling nena, pakiusap. Pakiusap. Awa mo na wag mo akong paalisin. Wala akong pupuntahan." pero tuloy padin siya na parang walang nadidinig hangganf sa maubos niya ang damit ko sa cabinet. isa isa kong pinulot ang mga damit ko.
"Lumayas kana! Hindi libre ang bahay ko!" tapos at nilampasan niya ako. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang mga gamit ko. Kasama ng maleta ko.
Halos tatlong oras na akong naglalkad sa lansangan. Halos gabi nadin pala. Kumakalam na ang tyan ko sa gutom. Tiningnan ko ang bulsa ko. my 500 pa akong natira. Saan naman ako tutulog ngayon? Kung magpabangga kaya ako, para magkapera pero paano kung takasan ako? Edi kawawa ako. Magnakaw kaya ako? Paano kung mahuli ako? Edi mas kawawa ako Hayy. ang hirap naman.
Umupo ako sa upuan sa isang park. My isang pamilya ang nandoon. My isa silang anak na bata na kumakain ng cotton candy. Naalala ko ang pamilya ko. Kung hindi sana ako naulila siguro hindi ako maghihirap ng ganito. Napabuntong hininga nanaman ako.
Siguro ngayon gabi. Mukhang sa lansangan nanaman ako magpapalipas ng gabi. Gaya ng dati.
**
Nagising ako ng bandang alasingko ng umaga. Sa public cr nalang ako naligo. Papasok pa kasi ako. Kahit ganito ako nag-aaral ako no! Sa Trinity International. Siguro alam nyo naman yon diba? Dun nagaral si JJ Tiu at Luna Park yung may-ari ng school na to. Magasawa na sila. Kung gusto mo malamn story nila edi basahin mo nasa My Works ni Author. :)
(a/n: plug lang. hahaha! sorry na!)
Balik tayo sakin. Top notcher ako ng scholars. Nagbibigay sila ng scholarship para sa mga kagay namin na gustong mag-aral. 100 students ang nabibigyan. Pag ikaw ang nag Top. Wala kang babayaran at my allowance kapang 5k a month.
Naglakad nalang ako para makatipid malapit lang naman kasi ang school dito e. Pasado alas siyete na ako nakarating. Mabuti naman at hindi pa sarado ang gate. Iniwan ko ky Manong Elmer ang bagahe ko. Close kmi niyan e! Lagi ako nililibre sa karinderya ni ate beth sa likod. Sarap don!
Naglakad ako sa hallway. Hindi talag maaring hindi titingnan dito ang mga kagay kong scholars. My isang malaking patch kasi kmi sa vest namin. Color red yon, kasama ng logo ng school. Ibig sabihin scholars kmi. Kapag black ibig sabihin hindi. Umakyat ako sa Rm A. Umupo ako sa unahan. Wala kasi nauupo sa unahan. Iilan ilan lang. Kming limang scholars lang. HRM ang course ko dito. Ito kasi ang matagal ng gusto ng magulang ko sakin. Chef kasi ang papa ko.
Nagkakagulo silang lahat sa likod. Yung iba ay nagseselfie. Nagpapagandahan. Yung mga.lalaki naman nagpapaybangan sa mga bagong kotse nila. O bagong babae nila. Iba talaga ang anak mayaman. Hindi problema ang pera. Samantalang kaming mahihirap kailangan muna magkanda-kuba kuba para mgkapera kaya napakahirap gastusin ng pera kasi pinaghirapan. Samantalang sila parang hindi nagdadalawang isip gumastos.
Maya maya ay dumating na ang prof namin. Nagsulat agad siya sa board para sa topic namin. Nagjot down ako ng mga sinsabi niya. Apat na oras ang klase namin dito. Halos dalawang oras nadin kaming nagkklase. Parang mga scholars lang ata ang nakikinig. Kasi kung anong lakas ng boses ni Maam ay siyang lakas din ng daldalan ng buong klase. Tsk.
"HI MAAM!" Bumukas ang pintuan at my apat na lalaking pumasok. Biglang nagsigawan ang mga kaklase ko.
"THE DAWWWWN!!! AAAAAHHH KAKLASE NATIN SILA!!!"
"MARRY ME NYX!!"
"ANAKAN MOKO CHAOS!!"
"HADES BE MINE!"
"LAKAS NG SEX APPEAL MO KNIGHT!"
Hinampas ni maam ang desk ng malakas.
"Quiet!!!" pero parang walang nadidinig ang mga kaklase ko.
Ngumiti yung lalaking nakahoodie na itim. My brown siyang mga mata.Mapupulang labi.Makinis na mukha. Singkit siya. Pula ang buhok niya Kapansin pansin din ang hikaw niyang kumikinang na korteng buwan. My buntot ang buhok niyang maiksi na nakasalapid. Halos magiba ang room sa lakas ng sigawan. Ano to concert? Sino ba itong mga ito?
Nanatili akong nakatingin sakanya. Humakbang siya papalapit sakin.
"Are you done fantasizing with me miss?" sabay pahid sa gilid ng labi ko. "Tulo laway miss ah?" nanlaki ang mg mata ko. Agad akong humawak sa gilid ng labi ko. At napagtanto kong wala naman. Bigla siyang tumawa. Nakita ko tuloy ang dimples niya sa dalawang pisngi niya.
"Kapal ng mukha." sabay apak ko sa paa niya. Napaigtad siya sa sakit. Kinuha ko ang bag ko. Hinampas ko sa kanya ang bag ko at tinamaan ang mukha niya. Naghiyawan ang mga kasamahan niyang lalaki. Samantalang tumakbo na ako palabas ng classroom.
Narinig ko pa ang sigaw niya pero patuloy lang ako sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Until You Are Mine
General FictionSelene Villareal, didn't know her parents whereabouts. Nabuhay siyang mag-isa. Pinag-aral at itinaguyod ang sarili sa kanyang sariling mga paa. Isa lamang naman siya sa mga ordinaryong babae na nangarap makatapos at magkaroon ng magandang buhay. Pe...