Niyakap nila ako. Iyak lang ako ng iyak. Para bang wala nang katapusan.
Kahit ganyan yan itinuring ko siyang kaibigan. Tapos nawala pa sakin.
"Hoy. Ano yan?"
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Ang boses na yon. Kumalas sila sa pagkakayakap sa akin.
"Bakit ka nagpapayakap sa mga yan. Mamaya minamanyak kana ng mga yan!" sigaw niya.
Hindi ako makapaniwala..buhay siya.
"B-Buhay ka?" nauutal kong sabi.
"Oo naman." sabi niya. "Mukha ba akong patay. Da--" tumakbo ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.
"Akala ko..A-Akala ko iniwan mo na ako. Natakot ako. Akala ko wala kana." sabi ko habang tuloy tuloy ang luha ko sa pagpatak.
"Nagising ako kanina pero tulog ka naman. Hindi man lang ba sinabi ng mga ugok na to na buhay ako?"
Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya. At humarap sa tatlo.
Nakatingin sila sa ibat ibang direksyon. Habang si Nyx ay pumipito. Si Knight naman ay ngingisi ngisi habang nakapamulsa. Si Hades naman nagpeace sign.
"Kayo talaga!"
Isa isa ko silang hinampas. Tumakbo sila kaya hinabol ko sila sa buong kwarto. Mga pasaway.
"Hoy bumalik kayo dito! Mga sira kayo!"
"Aray selene tama na."
"Baby bear tama na wag ang mukha ko. Puhunan yan sa aray aray ko tama na baby bear. Arekupo. Wag wag tama na babybear. Arekup. Aray!"mas nilakasan ko ang hampas ky Nyx kasi siya ang pinakpinaniwalaan ko. Acting lang pala nakakainis.
"Tama na yn." sita ni Chaos. Tumigil na ako at umupo.
"Sorry selene." sabay sabay nilang wika. Inisnaban ko lang sila.
Nkakainis. Hindi ako natuwa don. Nagmukhang tanga ako. Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko na sila pinansin.
**
"Wala ba tayong nalimutan?" tanong ko ky Chaos habang isinakbit ang bag .
"Aba ewan ko. Ikaw nagayos diba tapos ako ang tatanungin mo?"
Sungit. -_-
Tumahimik nalang ako.
Sa likod kami dumaan. Para iwas sa press. Madami padin kasi ang press sa labas. Sumakay kami sa kotse niya. Magaling na siya. Katunayan balik sa pangaasar na nga ang kalabaw na yan e.
Tahimik lang siyang nagdadrive. Tanging music lang ang nagpapaingay samin.
"Sabi ni Nyx, iyak kadaw ng iyak noon nasa Operating room ako."
Hindi ako umimik.
"Sabi ko na nga ba e." sabi niya ng nakangiti. Kumunot naman ang noo ko.
"Anong iniisip mo?"
Ngumisi siya.
"Sabi ko na my crush ka sakin e." hinampas ko siya ng malakas. Napaprebo naman siya. Buti nakaseatbelt ako kundi tama ang mukha ko sa dashboard ng sasakyan.
"Ano bang iniisip mo asa kapa!"
Ngumiti siya ng malapad.
"Sus. In denial kalang shortie. Okay lang. Wag ka magalala hindi kita iiwasan." tapos ngumiti nanaman siya. Ngiting nakakaluko. Nakakainis ha!
Nagdrive na siya. Sinasabyan pa niya yung kantang Gusto kita. Nakakairita. Pero ang ganda ng boses niya. Ang sarap pakinggan. Nakakarelax.
Tumigil kami sa harap ng bahay nila. Gaya ng dati. Otomatikong bumukas ang gate nila.
Bumaba kami at tumaas. Tutal magkaharap lang naman ang kwarto namin. Binuksan ko ang pinto ko. Pero hinawakan ni Chaos ang kamay ko na nakahawak sa doorknob.
"Shortie." tumingin ako sakanya.
"Salamat sa pagaalala at pag-aalaga." tumungo siya para pumantay sakin at hinalikan ako sa noo. "Goodnight."
Pagkatapos ay pumasok na siya sa kwarto niya. Limang minuto na ata ang nakakaraan pero andon padin ako at nakatulala.
Parang my iba akong naramdaman?
![](https://img.wattpad.com/cover/18801413-288-k588183.jpg)
BINABASA MO ANG
Until You Are Mine
Narrativa generaleSelene Villareal, didn't know her parents whereabouts. Nabuhay siyang mag-isa. Pinag-aral at itinaguyod ang sarili sa kanyang sariling mga paa. Isa lamang naman siya sa mga ordinaryong babae na nangarap makatapos at magkaroon ng magandang buhay. Pe...