Tanging tunog lang ng orasan ang maririnig sa silid. Nakatingin ako sa lamesa. Samantalang busy sa Xbox si Chaos. Andito ako para magtutor sakanya ngayon. Pero anong ginagawa niya? Nagpapakasaya siya sa Xbox niya. Jusko.
"Chaos!" sigaw ko pero parang wala lang siyang nadidinig. Bumuntong hininga ako.
"CHAOSS!!" Sabay bato ng isang libro na tumama sa noo niya. Napaigtad siya sa sakit.
"Aray ko ano ba!" galit na singhal niya sakin
"Anong ano ba. Magaaral tayo ngayon! Anong akala mo. Halika dito!" tapos ay hinila ko ang damit niya at ibinagsak siya sa upuan.
Binuklat ko ang libro at nagtungo sa page na ituturo ko sakanya.
After 20 mins...
"Zzzzz."
"Naintindihan mo ba ha?" tumingin ako sakanya at nakita ko siyang tulog na tulog. Napasampal nalang ako sa noo ko. Tiningnan ko ang mukha niya. Mukha siyang anghel pag tulog. Napakakinis ng.mukha niya bagay sa kutis niya ang pula niyang buhok. Ang pula ng labi niya.
Iminulat niya ang isa niyang mata.
"Tinititigan mo nanaman ako."sabi niya na bahagyang ngumiti.
"Ang kapal mo hoy! Wag kang masyadong.mahangin! Baka mamaya ikaw na ang pumalit sa habagat!" Tumayo ako at akmang lalabas na ng hilahin niya ang braso ko.
"Hoy! Saglit! Ano ba bitaw!" sigaw ko.
"Shit. Baka di ako makaabot." sabi niya. Binitawan niya ako at pinaandar ang motor niya.
Nanatili lang akong nakatingin sakanya.
"Anong tinitingin tingin mo? Sakay." sabi niya. Pero nanatili akong walang imik.
"Sakay sabi ano ba?"
"Saan ba tayo pupunta?!" irita kong tanong.
"Sumakay kana lang shortie!" sumakay na ako dahil wala naman akong magagawa. Halos kauupo ko palang pinaharurot na agad niya ang kanyang motor. Humawak ako sa damit niya.
Nagpunta kami sa isang malaking race track. Maraming tao ang andon. Marami din mga motor. Tumigil kami kung saan andon si Nyx, Hades at Knight.
"Haha Late kana naman tol." bati ni Knight.
"Hi babybear." bati ni Nyx sakin.
"Hi Selene." si Hades naman. Lahat sila ay.nakasandal sa mga.motor nila.
"Nasaan ang kalaban?" tanong ni Chaos.
"Andon. Pumusta sila ng 500k. Ikaw magkano pusta mo?" ngumiti ako.
"1 million." sagot ko.
Lumalaban kami sa isang illegal drag racing.
Lumapit ang magiging kalaban ni Chaos.
"Chaos tol. Good to see you again."tatapikin sana ng lalaki ang balikat nito pero agad niyang sinalag
"1 million ang pusta ko.Simulan na natin." sabi ni Chaos. Ngumiti ang kalaban nito.
"Mainipin ka talaga kaibigan." nagumisi ito.
"Bago tayo magsimula. Lagyan naman natin ng twist para exciting." mas lalong lumaki ang ngiti nito. At mas kinainis ni Chaos.base sa itsura nito.
"Spill." wika ni Chaos.
Tumingin sa gawi ko yung lalaki.
"Sino yang chick na yan? Bago mo?" mas lalong umasim ang mukha ni Chaos. Kinuwelyuhan nito ang lalaki.
"Wag na tayong mag-ululan dito Lucas. Sabihin mo na agad o babasagin ko ang bungo mo?"
"Haha.Oo na sasabihin ko na hot ka pre." binitawan no Chaos yung nagngangalang Lucas.
"Magkakarera tayo, pero my isa tayong angkas na babae.".ngumisi si Lucas at kumunot ang noo ni Chaos.
"Ginagago mo ba akong hayop ka?" Susugudin sana siya ulit ni Chaos pero pinigilan siya ni Nyx.
"Wag pre. Alam mp ang rules dito. Hindi pwedeng manakit ng kapwa mangangarera kung ayaw matanggal."
Huminahon si Chaos.
"Ano payag kana?"
Marahang tumango si Chaos
"At isa pa. Lahat ng pumusta sayo, pag nanalo ako. Akin ang pera mo. Pati pera ng lahat ng pumusta sayo. At pag nanalo ka. Pera ko at lahat ng pumusta sakin."
Wow gaano kalaking pera kaya yon?
Umalis na yung lalaki. Bingyan ako ng helmet ni Chaos. Natulala ako. Kung ganoon ako ang isasakay niya?!
"Isuot mo to. Don't worry. You'll be safe. When you're with me. You are always safe." tapos pinaandar na niya ang motor niya. Sumakay ako. Humawak ulit ako sa laylayan ng damit niya. Humarap siya sakin.
"Dito ka humawak." hinawakan niya ang kamay ko at ipinulupot sa bewang niya. "Saglit lang to shortie. Trust me, you'll be safe." ngumiti siya. At nagsimula mg magdrive.
Nasa kabilang gilid yung Lucas kaangkas amg isang babae na nakamicro mini shorts at tube. Wala itong helmet. At parang nasampal ang mukha sa kolorete.
Ready.
Sigaw nung lalaki. My hawak na flag yung babaesa gitna.
Set.
Go!
Itinaas ng babae yung flag. Kasabay ng pagputok ng baril.
Mahigpit ang hawak ko sa bewang ni Chaos habang nakabaon ang ulo ko sa leeg niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Lalo pa at binabangga ni Lucas si Chaos. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Mas binilisan pa ni Chaos ang pagdadrive, hanggang da unti unti na naming naiiwanan si Lucas.
Mahigpit ang pagkakayakap ko sa likod ni Chaos. Halos malaglag nadin ang puso ko sa kaba. It lasted 30 seconds i think. Tapos ay tumigil na kami. Naghihiyawan lalo ang mga tao. Hinubad niya ang helmet niya at nakita kong papalapit sina Hades sa amin.
"Babybear okay kalang ba?" tumango ako salanya.
"Panalo nanaman!" masayang wika ni Knight.
Lumapit sa amin si Lucas at naglahad ng kamay.
"Congrats pare."ngumiti ito. Ngumiti din si Chaos. Naglakad ito perp bago ito makalampas ay nagsalita ito.
"Balang araw matatalo din kita." at nagdirediretso na ito paalis.
Sumakay si Chaos sa motor niya at ganun din ako. Nagpaalam kami kina Nyx. Di gaya kanina. Mabagal nalang ang patakbo ni.Chaos. Tumigil kami sa isang park.
Ipinarada niya ang motor niya sa my playground.
Umupo ako sa swing. Nakasandal siya sa my poste sa harap ko. nakatungo ako..Nadidinig ko padin ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Natatakot kapa ba?" tanong niya.
Umiling ako.
"Pasensya kana. Pero wag kang mag-alala,safe kapa din naman pag ako ang kasama mo. Pati yung tatlo. Pag kasama mo kami walang masamang mangyayare sayo."
Ngumiti ako sakanya. Somehow i feel safe. Naramdaman ko na hindi ako nag-iisa. Sa unang pagkakataon.Nakaramdam ako ng kakampi.
BINABASA MO ANG
Until You Are Mine
Genel KurguSelene Villareal, didn't know her parents whereabouts. Nabuhay siyang mag-isa. Pinag-aral at itinaguyod ang sarili sa kanyang sariling mga paa. Isa lamang naman siya sa mga ordinaryong babae na nangarap makatapos at magkaroon ng magandang buhay. Pe...