LESLEY POV
I couldn't believe it, nasa third year college na ako. Napakahirap n'ung last academic year ko, nagsunog talaga ako ng kilay bago nakarating sa ganitong baitang. Halos tatlong oras ang tulog ko araw-araw ng mga panahon na iyon. Lahat ng penitensyang natanggap ko nakaraang school year, nagkaroon ng magandang reward.
Mataas ang average ko. All of the professors recognized my skills in academics. Dagdag pa diyan, nagkaroon akong muli ng scholarship, taray di ba? Hindi ko na kailangan pang iasa sa mga magulang ko ang tuition fee ko. Ang kailangan ko na lang problemahin, ang pangbayad sa boarding house. Mahirap kapag hindi nagbabayad, tatalakan talaga ako ng landlady.
Mag-focus na tayo sa present time, masaya akong naglalakad sa Physics hall, ang lugar ng mga nerds na katulad ko. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha ko bagaman may mga asungot na pilit naninira ng araw ko, alam niyo na kung sino sila, ang mga bullies. Palabas na ko ng building, the weather was inversely proportional from my feeling. Anong ibig kong sabihin? Di ba masaya ako, ang ulap naman makulimlim. Gets niyo ba? Basta gan'un na 'yun. Balik tayo sa weather, waring maya-maya lang babagsak na ang ulan.
Lagot ako! Nakalimutan ko pa man din ang walang kakupas-kupas, ang nineteen kopong-kopong na pamana pa ng mga tita kong payong. Kapag nakita niyo 'yun, kupas na, wala na ang floral design, masyado ng manipis ang tela at tipong ambon nga lang eh mabubutas na.
May magagawa pa ba ko? I didn't mind it, hindi naman siguro bubuhos ang ulan agad-agad. Ang mahalaga kasi sa akin ngayon ang mga dalang papeles kaya hindi ko na inisip ang ibang bagay. No choice, tumakbo ako sa malawak na field para makarating sa kabilang hall bago pa maging basang-sisiw ako.
But everything was too late. Nasa kalagitnaan na ako ng field, doon na nagsimulang umulan. Jeez, basa kaagad ang buong katawan ko! Bakit ba ganito? Wala namang lumapit sa'king itim na pusa para tamaan ng kamalasan.
Hindi lang 'yun ang naganap, isa talaga akong lampa, mali ang apak ko sa isang parte ng lupa, nadulas. Ayun, supalpal ako, sumubsob ang mukha ko sa putik. Ang malas talaga ng araw ko! Isang malaking kahihiyan ito! Kahit hindi ko pa nakikita, siguradong pinagtatawanan na ko ng buong campus. Pero kung mananatili akong ganito, mas magiging malala pa ang sitwasyon. Dahan-dahan akong bumangon.
Out of the blue, a miracle happened. A man approached me. May dala itoing payong, pinasukob niya ko. "Come here, you're all wet." His voice was mellow, 'yung tipong nangingiliti ng teinga.
His face charmed me. Aba, kung kayo ang nasa kalagayan ko, gan'yan din ang mangyayari sa inyo. Siya lang ang nakikita ko. Dinaig pa niya si Medusa, ginawa niya kong estatwa sa kinatatayuan ko. Kilala niyo naman siguro ang babaeng may ahas na buhok, 'yung nasa greek mythology? Basta hindi siya si Valentina na kalaban ni Darna!
Going back to him, hindi nito alintana kung nanggigitata man ako sa putik. He really was a gentleman! Bibihira na lang ang gan'ung klaseng lalaki. Kahit tamaan pa ko ng kidlat sa pagkakataong ito, wala akong pakielam, nasa misteryosong lalaki pa din ang mga mata ko. Hindi ako matitinag sa puwesto ko, lumindol man, dahil ang mahalaga lang sa'kin ang kakikisigan niya.
The stranger had brown eyes, they were warm. Oo, bagaman basa ang buong katawan ko, hindi ako giniginaw kasi sa uri ng tingin niya sa'kin, nililinaw ko lang na hindi siya manyak. His nose was perfect, tipong masarap kurutin hanggang sa maging mapula gaya ng kay Rudolph the rednose reindeer. Dumako ang tingin ko sa mga labi niya. His lips were luscious, a temptation.