Tadeo POV
HINDI ko alam kong anong sasabihin ng makitang tumayo na siya para umalis. Ano ba naman, lahat ng prinactice ko kagabi mukhang mababalewala. Puro sermon ang aabutin ko nito kay Allan, ilang ulit niya akong pinigilan kagabi sa paggawa ng presentation pero hindi ako nakinig kaya sinabi nalang niya na kapag pumalpak ako kukutusan niya ako dahil kung kailan daw ako tumanda ay siya namang pagtigas ng ulo ko.
Naumid kasi ang dila ko ng makita ang nakakakot na mata ni Andrei at ang malamig niyang aura. Ibang iba sa nakita ko kanina, napanood ko ang nangyari sa hapag nila kanina at nasaksihan ko rin kung gaano niya kamahal ang mga kapatid niya. Nagtuloy tuloy ako kanina sa pagpasok dahil wala akong taong makita hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa hapag nila at naabutan ko nga ang mga naganap doon pero bigla akong hinila ni Canor paalis doon at sinabing pagsisisihan ko ang pakikinig kapag nalaman ni Andrei kaya hindi na ako nagmatigas ng dalhin niya ako sa sala.
"Ahm. Sandali." Mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis pero kung gaano ko kabilis na hinawakan ay gan'on ko rin kabilis na binitawan dahil sa nakakamatay na tinging ipinikol niya sa'kin. "Sorry for wasting your time." Mariin akong napapikit at tahimik na nagpasalamat sa maykapal dahil hindi ako nautal.
Nanginginig ang kamay ko at nanlalamig. Malakas rin ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba na baka suntukin niya ako. Sinuntok niya nga kanina ng malakas ang hapag nila na parang wala lang paano pa kaya ako.
Humarap siya sa'kin na seryosong seryoso ang magandang mukha at nakataas ang kilay. Nakasuot lang siya ng itim na sando na hapit sa katawan niya at pambahay na short, jersey style 'yon at wala siyang sapin sa paa pero nakakatakot pa rin ang dating niya.
Napakaganda ng katawan niya pero mas lalaki pa sa'kin ang galaw.
"N-Nandito ako para magpresent tulad ng sinabi mo kahapon." Napangiwi ako ng muli akong mautal.
"Hindi ko sinabi na ikaw ang magpresent." Agad niyang sagot. Pati boses malamig.
"Sabi mo kahapon ay maghanap ng pinuno na may kakayahang isigaw ang karapatan ng mga nasasakupan. Ako ang pinuno na 'yon at kaya kong ipagsigawan ang karapatan ng mga magsasaka." Pilit kong isinisiksik sa utak ko na dapat hindi ako matakot sa presensya niya kasi kapag natatakot ako ay namimilipit ang dila ko. Itinatak ko sa isipan ko ang maamo niyang mukha ng yakapin niya ang mga kapatid niya kanina, malayo sa mukha niya kapag iba ang kaharap at mukhang epektibo dahil medyo nababawasan ang kaba ko.
"I am their leader and I'm here to present." Sabi ko pa, hindi ako tumitingin sa mata niya kasi baka mautal na naman ako. Dumako ang tingin ko sa labi niya pero agad rin akong umiwas dahil mali ang tumingin d'on.
"Okay." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sagot niya. Bumaling siya kay Red. "Dalhin mo siya sa opisina ko."
"Maligo ka muna, tarantadong 'to humaharap sa ibang tao ng walang ligo." Nagulat pa ako ng sumigaw si Red habang naglalakad na si Anderi papunta sa magara nilang hagdan. Hagdan palang alam kong milyon na ang halaga.
"Fuck you, dukha." Balik sagot nito.
Ganito ba sila mag-usap bakit ang dumi? Tapos nakita kong hinalikan siya kanina ni Red. Hindi kaya ay magkasintahan sila? Mukhang malapit na malapit sila sa isa't isa at hindi natatakot si Red sa presensya ni Andrei dahil nagagawa niya pa itong murahin.
"Pasensya ka na sa girlfriend ko Tadeo." Baling sa'kin ni Red ng tuluyang makaalis si Andrei. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Tama nga ang hinala ko, magkasintahan sila. Bigla akong kinilabutan dahil sa isiping pareho silang babae pero ayoko namang manghusga. Hindi ko ugali ang mamintas ng kapwa.
BINABASA MO ANG
Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim (COMPLETED)
RomanceIf you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) Andrei De Catalina. Babaeng kilos lalaki. Kinakatakutan ng buong Isla de Kastilyo dahil sa pagiging ruthless, evil, cold, dictator and wealthy young businesswoman. She has...