Rae's POV
Im Rae. Lou's best friend, kapitbahay, kababata, superman, batman. In short, Im her knight in shining armor.
Yes, I love her.
I freakin love her.
I love seeing her face.
I love saying her name.
I just.. Simply love her.
Kahit noon pa, nung simple pa lang siya, minahal ko na siya. Ayun ata yung nagustuhan ko sa kanya, yun pagiging hindi makabasag pinggan niya.
At nung sinaktan siya nun hinayupak na yun? Mas lalo ko gusto iparamdam na mahal na mahal ko siya. Kaso kaibigan slash best friend lang ang tingin niya sa akin.
Masaklap pero kelangan tanggapin, wag lang mawala ang minamahal ko sa akin..
Nakarinig ako ng ingay mula sa likod ko at nakita ko si Lou na pinupusan ang polo niya.
Polo ng ex niya actually.
Puch* naman oh!
Bakit dito pa?
Bakit siya pa!
Madami naman ibang tao diyan!
Nakuyom ko ang kamao ko sa inis.
Peste naman, kung kelan gusto ko na sabihin kay Lou na mahal ko siya, saka pa darating etong damuhong eto.
Gusto ko sana na lang iwan sila but a better idea came out of my mind.
Nakangiti si mokong kay Lou ng bigla kong ipulupot ang braso ko kay Lou..
"Babe? What happened?" Sabay ngiti sa kanilang dalawa.
At parehas silang nagimbal sa mga sinabi ko.
Lou gave me what-is-the-meaning-of-this-and-are-you-crazy kind of look.
Yeah I know, Im crazy..
BINABASA MO ANG
Tattooed
Teen FictionIstorya ng babaeng nasaktan at napagdiskitahan tatuan ang katawan, makalimot lang sa sakit na ayaw siya tantanan.