"Is falling inlove with your bestfriend a bad thing?" Nakatungo ako habang hirap na hirap bigkasin ang bawat salita. Sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso ay nahihirapan na akong huminga. Sumisikip ang pakiramdam ko at kahit anong pagkakalma sa sarili ay hindi ko magawa. Ito na to.
Ngumisi si Leo saka ginulo ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya.
Dahil sa tanong iyon, tanging ang mabilis na pagtibok ng aking puso ang aking naririnig. Nanginginig ang kamay ko sa kung anong meron ang isasagot niya. Samantalang siya ay nakaya pang ngumisi at guluhin yung buhok ko? Ni hindi man lang niya alam kung anong naging reaksyon ng loob ko sa simpleng galaw niyang yun? Ni hindi man lang niya alam ang epekto ng pag-ngisi niya sa akin? Ano paba ang aasahan ko? At asa naman ako na may aasahan pa ako, dahil wala!
Gumising kanga, Cleo! Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Kaibigan lang ang turing niya sayo kaya gumising kana sa kahibangan mo! Kaibigan kalang, KA-I-BI-GAN!
"It's not bad to fall inlove with your bestfriend, basta ba hindi ako yung sinasabi mong bestfriend ha?" Sabi niya habang tumatawa. "Sino ba ang gusto mo, si CJ o si Tobi? Pwede kitang tulungan."
Feeling ko nabingi ako sa sinabi niya. Eh paano kung siya?
"Wag mong sabihin na si Calista, tomboy kaba?" Tawang tawa pa siya sa joke niya samantalang ako, pinapatay ng kaloob looban ko.
Ewan ko ba kung magandang ideya ba na magkaibigan lang kami para nakakausap ko siya palagi o ang hindi kami magkakilala para may posibilidad na maging kami.
Sa huli ay nagpanggap nalang akong natatawa sa sinabi niya. Wala na akong magagawa. Gusto ko man magalit sa kanya dahil parang wala lang itong sakit na nararamdaman ko para sa kanya pero hindi naman niya yun kasalanan eh. Hindi niya kasalanan na nagustuhan ko siya.
Walang dapat na sisihin sa amin. Walang may kasalanan. Walang kasalanan ang nagmamahal sa isang taong hindi pwede dahil kaibigan lang. Wala din namang kasalanan ang taong minahal ng isang tao kahit hindi niya ito mahal.
"Wala noh. Nabasa ko lang sa mga nobela." Mapait akong ngumiti saka tumingin sa labas ng bintana.
Mula sa buhos ng ulan na gustong pakisamahan ng aking nararamdaman sa mga oras na ito. Bawat pagkurap, parang pinipira-piraso ang puso ko.
Ganito ba talaga kasaklap ang magmahal?