What to do
"Cej.." Sumulyap muna siya sa akin bago ibalik ang tingin sa kanyang ginagawa. "May problema kaba?"
Bumuntong hininga muna ito saka pinatay ang laptop niya. May problema siguro ito.
"Cej, tayo yung matagal na magkaibigan, pwede mo naman siguro sakin sabihin yang problema mo." Nag-aalala kong sabi sa kanya. Umayos muna siya ng upo saka tumingin sakin.
"May gusto kaba kay Leo?" Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Ang lakas ng tambol ng puso ko.
"Paano mo naman yan nasabi?" Tanging nasabi ko nalang at pilit tumawa.
"Ano kasi Cleo..." Hindi siya makatingin sakin sa oras na ito kaya hinuhuli ko yung tingin niya.
"May problema ba Cej?"
"tama ka. Sobrang tagal na nating magkaibigan." nakatingin lamang kami sa isa't-isa at alam kong hindi maganda kung ano man ang lalabas ngayong salita mula sa kanya.
"oh tapos?" tinago ko ang kaba ko habang deretsong nakatingin sa mapanuring mata ni cej.
"Matagal na tayong magkaibigan at alam na alam ko ang galaw mo, cleo" malungkot niyang sabi. "akala ko noong una mawawala rin yan kaya pinabayaan na kita pero cleo alam mo bang ikaw lang ang masasaktan? Ayokong nakikita kang nasasaktan habang tinitingnan si leo na may kasamang iba. Dahil alam mo namang bunsong kapatid ang turing namin sayo diba? Mahalaga na kayong lahat sa akin at ayokong may mangyari o nasasaktan sainyong lahat lalo na sainyo ni Calista, na tanging mga babae sa grupo natin, sana maintindihan mo"
Kita ang sinseridad kay cej kaya napayakap nalang ako sa kanya.
"Ano ba yan naiiyak ako" tanging nasabi ko saka siya hinampas sa dibdib.
"crybaby" tukso niya sakin saka ko ulit siya hinampas na tinawanan lang niya.
"oh bat mo yan pinaiyak?" narinig ko ang boses ni tobi kaya dali dali kong pinunasan ang mukha ko.
"babygirl, anong nangyari sayo?" segunda ni calista. Kinabahan naman ako dahil baka nandito si leo, pero hindi nga ako nagkamali. Halos mahulog na ang puso ko nang marinig ko ang boses niya.
"oh anong ginawa mo kay bunso?" napanguso ako saka napatingin kay cej. Ginulo naman nito ang aking buhok kaya tinadyakan ko na siya sa paa.
"A-aray ko! Napakasadista talaga ni bunso" sabi niya at diniinan pa ang pagkakasabi ng bunso.
Ah bunso.
Humarap na ako sa kanila saka inikot ang braso ko kay calista. Hays
"bili tayo makakain, gutom ako" sabi ko para makaalis na dito. Ang awkward lang dahil may nakaalam sa matagal ko nang sinisikreto.
Siguro'y medyo iiwasan ko na si leo dahil baka makahalata rin ang iba. Panahon na siguro para itigil na itong kahibangan ko.
Nasa bahay na ako nang icheck ko ang social media account ko. Ang tagal ko nang hindi nakakapagbukas nito.
Wala namang bago sa instagram at twitter ko kaya sa facebook nalang.
Madaming mensahe akomg natanggap mula sa mga kaibigan at iba pang di kakilala na gusto makipagkaibigan pero ang nakapukaw sa aking attention ay ang galing sa isang tao.
Kaizer Anthony Leviste:
Thought you'll ignore me.
Kaizer Anthony Leviste:
-Okay, i get it. You're snob.
-you don't wanna talk to me?
-hey miss, good morning.
-saw you at lib w your friend, it's good to know you're focused on your acads, TURN ON
-you still don't wanna open this acc?
-I wanna be friends w you but you look snob
-saw u at cafeteria, u look cute with your panda jacket
Nagulat ako na madami pa siyang message at ni isa wala akong na replyan. Medyo kinilig ako. Sino ba namang hindi? May gwapong nag memessage sakin kahit hindi ko nirereplyan, inuupdate pa ako sa kung anong ginagawa niya.
Habang binabasa pa ang ibang message ay nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko hudyat na may bagong mensahe. Tiningnan ko iyon at nakitang galing iyon sa gwapong nangungulit saakin.
Kaizer Anthony Leviste:
Okay, again. Seenzoned. Now you're embarrassing me.
What to do?