Pagkapasok ko palang sa loob ng bahay ay narinig ko na ang boses ng aking ina na may kausap sa telepono. May pinagtatalunan yata sila ng kung sino man ang kausap niya.
Tiningnan ko si Celine na nakaupo sa sofa habang nanonood, kapatid ko siya kay Mama, tinanong kung sinong kausap ni Mama. Pero kibit balikat lang ang isinagot niya sa akin kaya nagtungo nalang ako kay Mama para magmano.
"No, I won't give her to you! I don't care! Then eat your money, we don't need them! The hell with you too!" Tanging narinig ko kay Mama saka ibinaba ang telepono.
"Sino yan, Ma?"
"Ang Tatay mong kano." Nakaismid na sagot ni Mama sa akin at iniwan ako papunta sa sala. Napailing nalang ako saka nagtungo sa taas. Nakasalubong ko pa ang kambal na nagtatalo papunta siguro sa baba.
"Nathe! Kakain ka nanaman? Diba sabi ni Mama magdadiet kana? Ang taba taba mo na!" Halata ang inis sa boses ni Noel habang pinipigilan ang naiinis narin na si Nathe
"So what kung tumataba na ako? Grasya yun Noel, Grasya!" At may pataas taas pang kamay na sabi ni Nathe sa kakambal na mas lalong nag-ngingitngit sa inis.
"Grasya? Eh halos ubusin mo na ang pagkain sa ref!" Huling narinig kong sabi ni Noel bago ako pumasok sa kwarto.
Napabuntong hininga nalang ako pagkaupo ko sa gilid ng kama.
Natandaan ko nalang si Cej. Nakakapanibago siya kanina.
Naghalf bath na ako at dahil sa pagod ay nakatulog ako ng maaga. Pagkagising ay agad na akong nag-ayos para pumasok. Ewan ko pero simula sa araw na ito, parang medyo conscious na ako sa kung anong itsura ko.
Suot ko ang uniporme ko habang sinusuklay ang buhok ko habang bumababa para kumain. Naabutan ko si Mama na naglalagay ng mga kolorate sa mukha niya.
Ewan ko kung anong pumasok sa akin at tumabi sa kanya.
"May kailangan ka?" Kalmadong sabi ni Mama habang naglalagay ng parang sa pilikmata.
"Uhmm, Ma..." sumulyap sa akin si Mama.
"May project ka? Mamaya, bibigyan kita ng pera pagkatapos ko dito." Deretso niyang sinabi.
"Hindi po , Ma. Pwede pong maglagay ng lipstick?" Ewan ko pero ang mapupulang labi ni lalaine ang pumasok sa utak ko.
"Naku, naku, nagdadalaga na talaga ang anak ko, oh sige hintayin mo ako."
Dahil sa pagkakaexcite na Mama ay agad niyang natapos ang kanya at ako naman ang pinagtuunan niya ng pansin.
"Magpowder ka muna ha, kahit kunti lang." Tas yun nanga nilagyan niya ako ng powder.
"Pagkatapos ay light na eye shadow para hindi halata."
"Lagyan mo ng kunting pink ang pisngi mo para magkaroon naman ng kulay ang mukha mo."
"At dahil bagets kapa, pink ang gamitin mong lipstick. Keri naman yan sa kutis mo."
Pinagmasdan ako ni Mama ng maayos saka niyakap. Natatawa man, pero niyakap ko din siya.
"Haynaku siguro may natitipuhan kana noh? Oy Emanuella ha, pag yan manligaw dapat sabihan moko ha? Wag kang magkakamaling isikreto yan sa akin kundi." Natawa naman ako sa pagbabanta sa akin ni Mama.
"Ma, sige po." Sagot ko nalang kahit wala naman dahil taken na ang lalaking gusto ko.
Pagkadating sa school, naninibago ang mga kaklase ko sa akin. Eh paano ba naman kasi, ako ang pinakasimple noon sa room namin. Kumpara sa kanila, makapal ang ginagamit nila.
"Ayieee dalaga na si bunso!" And of course kung sa room namin, kinocompliment nila ako, sa barkada ko naman ay kinakantyawan ako sa pangunguna ni Calista.
"Che, tumigil kanga!" Sabi ko nalang at napasulyap sa seryosong kumakain sa harap ko na si Cej. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Si Tobi ang tagapangtanggol ko kay Calista. Si Leo naman ang tagatawa nila. Si Cej ay parang wala sa mood.
Tumingin ako kay Leo na nasa tabi ni Cej. Ang gwapo niya talaga.
Hoy, Cleo! Wag ka na nga mangarap diyan. Taken na yang si Leo, wag kang gaga!
Napatingin sa akin si Leo at para hindi mapahiya ay nginuso ko sa kanya si Cej na parang tinatanong kung anong nangyari.
At dahil gago si Leo, tinapik niya si Cej kaya napatingin ito sa kanya.
"Okay kalang ba daw?" Tumatawang sabi ni Leo at tinuro pa ako. Napatingin naman sa akin si Cej kaya kay Leo nalang ako tumingin. Tinawanan pa niya ako noong ngumuso ako na parang iiyak na. Swear, ang gandang sipain ni Leo sa mga oras na ito. Kung hindi lang kita mahal.
Nararamdaman ko ang titig ni Cej sa akin pero hindi ko iyon sinuklian. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya napatingin nalang ako sa kanya.
Nakatungo ito ngayon at pinaglalaruan na ang kaninang kinakain.
"Hoy boy, may pinagdadaanan ka?" Tumatawang sabi ni Calista.
"Wala. Una na ako. May meeting pala kaming ng mga kagrupo ko sa report." And with that, iniwan na niya kami.
"Selos lang yun." Bulong sa akin ni Tobi na nasa tabi ko lang.
Tumingin ako sa kanya ng nakakunot noo at nagkibit balikat lamang siya.
"Bongga! Broken hearted ata ang lolo niyo." Sabi pa ni Calista kaya tinapunan ng tissue ni Leo sa mukha. At ayun, sapul!