ISANG malakas na ungol ang kumawala sa aking nagugutom na tiyan habang nakatitig sa mga pagkaing nakahilera sa harapan ng tindahan.
"Ugh." Inis na sambit ko habang naghihintay ng tamang pagkakataon na makuha ang tinapay na kanina ko pa inaasam na makuha.
Dalawampu't minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin magawang ipikit ng matandang tindero ang inaantok niyang mga mata.
'Kailan mo pa balak ipikit 'yan?' Bulong ko habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa matandang halos mabali na ang leeg dahil sa pagpipigil ng kanyang kaantukan.
'Pasukin ko na kaya?' Suhestiyon ko. Napailing ako bigla sa aking naisip. Baka mahuli ako at tuluyan nang makulong sa kulungan.
'Pairalin ko kaya ang kagandahan ko?' Naisip ko. Walang anu-ano'y napalingon ako sa matandang lalaki na ngayon ay halos mahulog na sa kanyang kinuupuan.
Mabilis pa kay flash akong napailing sa pangalawang opsyon na naisip ko. Anong pumasok sa kokote ko at naisipan ko pa iyon? Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang sa gutom kaysa makasama ang masamang ugali na matandang hukluban na iyon.
Naalala ko bigla kung gaano niya sinaktan at tinratong parang hayop ang isa sa mga kasamahan kong magnanakaw, oo magnanakaw.. at kabilang ako doon. Humingi naman siya ng tawad dito at sinabi niya pa na handa siyang harapin ang parusa sa nagawa niyang kasalanan pero hindi niya ito pinakinggan sa halip na idaan sa tama at magandang usapan ay idinaan niya ito sa masakit at malupit na paraan. Sobrang sama niya. Pero tingnan mo ako ngayon, narito sa harapan ng kanyang tindahan at handa siyang pagnakawan. May iba pa ba akong pamimilian?
Alam ko naman na ang pagnanakaw ay masama pero anong magagawa ko? Ito na ang kinalakihan ko at sa tingin ko'y dito na rin matatapos ang buhay ko. Ginagawa ko lang naman 'to para mabuhay.. na kahit na alam kong labag ito sa aking kalooban, pinipilit ko pa rin itong gawin upang makasurvive.
Umangat ng bahagya ang sulok ng aking labi nang makita ko siyang mahimbing na natutulog. Tumakbo ako patungo sa kanyang malaking tindahan at mabilis pa sa kidlat na kinuha ko ang malaking tinapay na kanina ko pa pinagnana--hinahangad na makuha.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang mauntog ako sa isang matigas na pader. Teka, kailan pa nagkaroon ng gwapong---halos mapamura ako nang makita ko ang isang lalaking nakakunot noo na nakatitig sa akin.
"A-anong..--huwag ka ngang pahara hara sa daan!" Sigaw ko at tinabig siya paalis sa daan.
"Why would I?" Naniningkit na mata niyang tanong habang matigas na parang bato pa rin na nakatayo sa aking harapan. Sinubukan ko ulit siyang paalisin ngunit para siyang bata na ayaw ring papaawat. Ugh.
"H-hoy! Magnanakaw!" Napantig ang tenga ko nang marinig ko ang sigaw ng matandang hukluban na iyon mula sa aking likuran. Napamura ako ng mahina. Binaling kong muli ang aking paningin sa lalaking nasa aking harapan at matalim siyang tinitigan sa mata. Batukan ko na kaya ang isang 'to?
"Umalis ka diyan kundi tatadyakan kita!" Banta ko sa kanya habang pinipigilan ang aking sarili na masapok siya. Ang tigas rin e.
Nakita ko siyang lumunok. Napaurong siya mula sa kanyang kinatatayuan. Akala ko'y makakatakas na ako mula sa kanya at sa matandang iyon na halos maputol na ang litid sa leeg kasisigaw pero nagkamali ako, nakita ko siyang ngumisi. Uh-oh.
"Do you think I was just some kind of stupid to let you go?" Hinawakan niya ang aking braso at sapilitang dinala sa tapat ng tindahan. Ugh!
Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero hindi siya nagpatinag. Masyado siyang malakas kumpara sa akin. Nang wala na akong maisip ay kinagat ko siya ng pagkalakas na halos mamilipit na siya sa sobrang sakit. Hmp. Buti nga sa 'yo!

BINABASA MO ANG
One Piece: One-shot Stories
AdventureSince I'm a really fan of Once Piece, I made this one-shot story collection only for them. Yes, only for them. Hope you like it! *insert Ace and Hancock Enjoy reading! All Rights Reserved 2018 @Achilles144