INTRODUCTION

31 2 0
                                    

Pagod ka na bang magkwento?

Oo, magkwento sa mga taong hindi ka naman lubusan naiintindihan at wala naman talagang balak umintindi sayo.

Sawa ka na ba sa mga paulit-ulit na sagot na naririnig mo sa kanila. Tipong ang haba ng kinuwento mo tapos ang sagot lang sayo ay:
"Kaya mo iyan."
"Dito lang ako."
"Hala grabe naman iyang experience mo. "

Minsan nga naka encounter pa ako na imbis na iencourage akong mabuhay pa, ang sagot pa naman sa akin "Kung ako nasa kalagayan mo papakamatay na ako."

Nakakatawa kung iisipin pero para sa taong sinabihan ng ganyan nakakawalang gana at pag-asa. Dahil mas lalong pinapamukha sayo na ang hirap ng sitwasyon mo. Kaya simula nun hindi na ako nagkwento sa mga taong alam kong kahit kailan hindi ako maiintindihan.

Kaya ikaw, kung pagod ka na rin na magkwento sa mga taong walang balak na intindihin ka. Huwag kang mag-alala dahil nandito ako para makinig at magbigay ng mga sagot na galing sa aking mga sariling karanasan sa buhay.

Tuturuan kita kung paano ko nilalabanan araw-araw ang demonyo ng aking mundo.

Simulan na natin ang Istorya

How I Survive My Own Demons (Depression and Anxiety) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon