Yes, unang guide ay ang music.
Para sa akin ang laking tulong ng music sa pang araw-araw na takbo ng buhay ko. And maybe sayo makatulong din ang music sayo.
Inaamin ko sa panahon natin ngayon ang dami ng music na trash and meaningless. Ang mga kantang iyan ay hindi makakatulong sayo. Paano ka naman matutulungan ng mga ganoong kanta kung ang meaning ng bawat lyrics tungkol sa drugs, sex, and violence. Maari lang silang magtrigger ng something terrible sayo and nagsayang ka lang ng segundo sa mga ganoon, no offense.
Pero despite the fact na tambak ang mundo ng mga ganoong kanta pero marami pa ring mga kanta na kaya kang tulungan. Maraming artists ngayon na ang mga tema ng kanta nila ay nakafocus sa anxiety and depression.
Like Bmike, Twenty One Pilots, Linkin Park, and ibat ibang artist pa. I also find mga songs ni Ed Sheeran na soothing kapag inaatake ako ng breakdown. Special mention ko narin ang The Script.
Malaki ang naging help ng music para hindi ako umabot sa point na pagsisihan ko. Ako kasi yung taong hindi ko habol ang beat ang tinitignan ko ang mga lyrics ng mga kanta. Dahil sa lyrics mo makikita kung worth it nga ba talaga ang song or hindi. Lyrics ng music ang nagsisilbe nating other voice kung may hindi tayo masabi or mailabas sa mundo. "Lyrics are the soul of a song."
Ang music kaya kang dalhin sa isang dimension na kung saan ikaw lang. Tahimik, ikaw lang at ang musika. Ang music kaya kang dalhin sa scenario na winiwish mo. Para sa akin ganoon ang music. Parang isang malaking escape zone para sa tulad ko.
So if naghahanap kayo ng music na makakatulong sayo. Remember, look for the lyrics not for kung gaano ka lupet yung beat nung kanta. And if pag nahanap niyo na ang song para sayo, maybe it can help you to fight your demons.
BINABASA MO ANG
How I Survive My Own Demons (Depression and Anxiety)
Random"Nothing kills man faster than his own head." - - - - - - - - - So learn how to kill your own demons. Thats why I am still here killing my own demons. Assemble your own weapons and lets start purging our own thoughts.