Ano bang hobby mo?
Bago mo ituloy ang pagbabasa, tanungin mo muna ang sarili mo kung may hobby ka. Isang bagay na gusto mong gawin. At hindi usapan dito kung magaling ka ba sa gusto mo. Ang importante may ginagawa ka para ma divert attention mo at kahit sandali o kahit ilang minuto man lang ay mabaling ang isip mo sa iba.
Kung wala ka pang hobby o wala ka talagang hilig na bagay. Maghanap ka na. Try mo magfocus sa isang bagay. Tulad nga ng sabi ko hindi usapan dito kung nag eexcel ka sa ginagawa mo. Hindi mo kailangang maging magaling para sa bagay na iyon dahil hindi ka nakikipag kumpetisyon sa iba. Ginagawa mo ang bagay na iyon dahil para sa sarili mo at hindi para sa kanila.
Tulad ko, inaamin ko i am a shitty writer and poet. Hindi ako ganoong kagalingan. Binabash narin ako dahil hindi naman ako mahusay sa ginagawa ko but still ginagawa ko parin. Tandaan mo, huwag kang magpakulong sa mga opinyon ng iba lalo na pag hindi nakakatulong sayo. Kasi in the end, sarili mo lang ang makakasama mo at iintindi sayo, whether you like it or not.
Maraming hobby na pwede mong gawin. Hindi mo kailangang makipagsabayan sa ginagawa ng iba. Kailangan ang isang hobby nagbibigay ng saya sayo. Yung tipong pag nagawa mo you feel satisfied.
Pag may hobby ka na makakaiwas din ito sa depression mo at anxiety. Kung inaatake ka ng breakdown ilabas mong lahat sa hobby mo. Labanan mo ang demonyo mo. Iyan natutunan ko sa ilang years kong pakikipaglaban.
At uulitin ko, DO YOUR HOBBY NOT TO SATISFY EVERYONE OR ANYONE BUT DO IT FOR YOURSELF, TO BEAT YOUR OWN HELL.
BINABASA MO ANG
How I Survive My Own Demons (Depression and Anxiety)
Random"Nothing kills man faster than his own head." - - - - - - - - - So learn how to kill your own demons. Thats why I am still here killing my own demons. Assemble your own weapons and lets start purging our own thoughts.