[6]Attacked

251 11 0
                                    

Nica's POV

Humihikbi ako habang nasa bisig ni Flame. Patuloy siya sa paghaplos ng buhok ko at pinapatahan ako.

"Now, you know why I keep on bugging you, why I keep on coming with you. It's my duty, Nica to protect my fiancée."

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at nanatiling umiiyak sa bisig niya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa sinasabi niya. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Tumahan ako makaraan ang ilang minuto at napagtagpi tagpi ang mga nangyayari. Tanggap ko kung siya ang mapapangasawa ko hindi dahil may nararamdaman ako sa kanya kundi dahil may utang na loob ako sa pamilya niya. Kahit ako ay hindi ko kakayanin dahil bampira ang kalaban  ko.

Nanatili ako sa bisig niya dahil bumibigat na ang talukap ng aking mata. Naramdaman kong umangat ako. Tuluyan na akong kinain ng dilim at hindi na alam ang sunod na nangyari.

**

"Kindly, change her clothes. I want a decent one. Call me when you're finish."

"Yes, Young Master."

Nakarinig ako ng boses ngunit hindi ko iyon pinansin at natulog ulit. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan at isipan ko sa nalaman.

"NICA, wake up. We need to get going."

Nakarinig ako ng boses ngunit hindi ako umimik. Nanatili akong tulog.

"Nica. Tsk."

Naramdaman kong umangat ako sa ere ngunit hindi ko mabuksan ang mata ko sa sobrang pagod.

Binukas ko ang mata ko kahit nanlalabo. Kinusot kusot ko ito.

Nasaan ako?

Tumingin ako sa paligid at nanlaki ang mata sa gulat ng makitang napakadaming bampira ang nasa labas ng kotse. Hinanap ng mata ko si Flame. Nang makita ko siya ay halos hindi ko siya makilala.

Labas na labas ang pangil niya at kumikinang sa puti. Pulang pula ang mata niya at panay dugo na din ang damit niya. Mahaba at matalim ang kuko niya.

Nagulat ako ng biglaan niyang kinuha ang puso ng bampira at pinisa. Biglang naging abo ang bampirang kalaban niya.

"Ahh!"

Sigaw ko ng may bampirang nagbukas ng pintuan at biglaan akong hinila. Nakalmot niya ako sa braso kaya napangiwi ako sa hapdi.

Nanginginig ang buong katawan ko at wala sa tamang pagiisip ang utak ko at hindi makapag isip ng tama.

Kakagatin na sana niya ako sa leeg ng bigla siyang naging abo. Muntik na kong mapaupo dahil sa panghihina ng tuhod ko ng may sumalo sa akin.

Flame....

"Damn. I'm sorry, wife"

Ang huling narinig ko bago mawalan ng malay.

**

Natamaan ng sinag ng araw ang aking mata kaya't napamulat ako.

Nasaan ako?

Tumingin tingin ako sa paligid at nakitang nasa kwarto ko ako. Napatingin ako sa braso kong kinalmot ng bampira. May benda na ito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Doon ko lang nalaman na may mabigat na kamay ang nakapalupot sa bewang ko.

Napatingin ako sa katabi ko at halos manlaki ang mata ko ng makita kong si Flame ang lalaking nakapalupot ang kamay sa bewang ko.

Muntik na kong mapasigaw ng makita ko ang maamo niyang mukha.

Makinis na mukha....

Matangos na ilong....

Mahabang pilik mata....

Makapal na kilay....

At ang buhok niyang kulay itim...

Napatulala ako.

Ang gwapo pala ng unggoy na 'to.

Natigilan ako sa pagtitig ng bigla siyang kumislot. Lalo niya pa akong hinapit sa tabi niya. Saka ko lang naalala na may pasok pala kami ngayon.

"Oh shit! May pasok pala ngayon!"

Biglaan akong napaupo kaya napangiwi ako ng may nabangga ang braso ko.

"Aray!"

"Are you okay? The wound in your arm isn't healed yet."

Napatingin naman ako kay Flame na Pakusot kusot pa ng mata. Hindi ba siya nag aalala? May pasok pa.

"May pasok pa tayo. Kailangan kong pumasok."

Akmang tatayo na ko ng bigla niya kong hinila ng marahan kaya hindi natamaan ang braso ko. Rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang yakap yakap niya ko. Magpupumiglas na sana ako ngunit naalala ko na hindi pa magaling ang sugat ko.

"Let's go back to sleep,  Nica. It's sunday."

Sunday?

Humiga kami, nakayakap parin siya sa akin at hindi ko siya pinansin dahil napapaisip ako.

Ano bang meron sa dugo ko at gustong gusto ng mga bampira? Alam kong bampira si Flame pero bakit hindi niya ko inatake? Hindi ba't sabi ng aking ina ay nakakapagtanggal uhaw ang aking dugo sa isang sipsip.

"Your mom is right. Your blood can remove the thirst in just a sip and it can bring the dead, alive but vampires only and you're asking why I'm not attacking or sipping your blood it's because I'm restraining myself on biting you. You're my mate and I love you. We vampires can only love once because we'll love our mates for eternity. I know it's sudden but I am really your mate."

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ba sa tuwing kasama ko siya ay pakiramdam ko ay wala ako sa sarili ko ngayon? Nanlaki ang mata ko ng may naalala.

"I can read your mind, wife."

Shit! Nababasa niya pala tapos kung ano-ano 'tong pinagsasabi ko sa utak ko. Napaka daya naman ng unggoy na 'to. Tsk.

Narinig ko ang tawa niya sa likuran ko kaya napasabunot ako sa inis.

"Stop that. I already told you that your arm isn't healed yet."

Doon ko lang naramdaman ang kirot sa braso ko kaya napangiwi ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak na lang ako palapit sa kanya.

Hindi parin ako makapaniwala na nakahiga kami sa iisang kama at nakayakap siya sa akin. Ano bang nangyayari sa akin?


The Wife Of The Vampire PrinceWhere stories live. Discover now