************************************
"A mother's arms are more comforting than anyone else's."
************************************
"Nice Shot ,Last na ,onting fierce pa Eli.""Ganito po?"
"Very nice Eli,Baguhan ka palang pero parang matagal ka ng model sa pinapakita mo ah?"
" Hindi naman po direk,mabilis lang po matuto." Nahihiyang sabi ng dalaga.
"Bale aasahan ko ang maaga mong pagdating bukas,makakaasa ba ako Eli?" Tanong ng direktor.
"Yes Sir." Pabirong sagot ng dalaga na may kasama pang pag saludo.
"ELI!"
"Oh George!" Nakangiting sagot ng dalaga sa binata.
"Hatid na kita"
"Nako baka ma istorbo pa kita,mag ko-komyut nalang ako"
"Wag ka ng makulit,Hindi ka pa ba nasanay?eh sa walong buwan Kong panliligaw sayo,palagi naman kitang hinahatid,ganyan nalang palagi ang sagot mo pag inaalok kita,sumabay kana please"
Kababata ni Eli si George, dahil sa palagi silang mag kasama mula pagkabata at maski sa trabahong pinapasukan na pag momodelling ay Hindi narin natiis pa ni George na nahulog siya Kay Eli ,Hindi naman mahirap magustuhan si Eli,sa katunayan nga ay bukod sa maganda ito ay napaka buti din ng puso.Noon niya pa ito nililigawan ngunit walong buwan na ang lumipas Hindi pa rin siya nito sinasagot .Pero muka atang wala itong balak tumigil sa panliligaw.
"Sige na nga"
"Yes" masayang sigaw ng binata
Bumalot sa dalawa ang katahimikan,marahil ay mahinhin na babae si Eli kaya Hindi siya masyadong nagsasalita,pero binasag ni George ang katahimikan.
"Death Anniversary pala bukas ni Tita,dadaan ba tayo don bukas?"
Si Eli ay nag iisang anak lamang,ang kanyang ina ay pumanaw sa edad na 30 noong siya ay sampung tanong gulang pa lamang dahil sa sakit na breast cancer.Lumaki si Eli sa puder ng kaniyang tiyahin,wala kasi itong asawa at anak kaya ibinuhos niya lahat ng pagmamahal Kay Eli.Sa kasamaang palad namatay ang kanyang tiyahin dahil sa plane crash.Dahil dito ay Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at naiwan sakanya lahat ng mga utang ng kanyang tiyahin pero dahil sa kababata niyang si George ay nagkatrabaho siya at iyon ang pag momodelling.Ngunit Hindi parin ito sapat upang mabayadan niya ang utang ng tiyahin niya. Samantalang ang tatay naman nito ay mayroon ng ibang pamilya sa Hindi niya alam na probinsiya,Simula kasi ng umalis ang kanyang ama wala na siyang naging balita pa rito.
"Oo,pero ako ako nalang siguro ,sobra sobra na yung binibigay mong panahon saakin,magtira ka naman para sa sarili mo"nakangiting sagot ng dalaga.
" Eli,ayos lang naman saakin,tsaka wala naman akong masyadong ginagawa eh,ma buburyo lang ako sa bahay,okay?"
"Sige na nga" nakangiting tugon ng dalaga
"Bale,dadaanan kita bukas,anong oras?"
"Uhm 8 " maikling tugon ng dalaga
Kasabay ng pagsagot niya ay ang pagtigil ng sasakyan ,hudyat na nasa tapat na ito ng kanyang apartment.
"Okay,7:55 andito na ako tomorrow, uhm magpahinga kana agad ah?wag ka na magpuyat,okay?" Malambing na saad ng binata.
"Yes sir,mag text ka pag naka uuwi kana George"
"As Always Eli" sagot sabay kindat ng binata.
************************************
“Love is friendship that has caught fire. It is quiet understanding, mutual confidence, sharing and forgiving. It is loyalty through good and bad times. It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses.”
************************************
BINABASA MO ANG
CEO'S WIFE
RandomLove recognizes no barriers. It jumps hurdles, leaps fences, penetrates walls to arrive at its destination full of hope." - Maya Angelou