DINNER DATE

39 2 0
                                    

************************************
"A man's kiss is his signature."
************************************
"It's already 8pm Hindi ka pa ba uuwi Eli?" Nagtatakang tanong ng direktor matapos ang shoot.

"Uuwi na po,kukuhanin nalang po yung gamit ko sa dressing room" malambing na tugon ng dalaga.

"Oh,okay! Ingat ka eli sa labas ah,baka mawalan ako ng magaling na model pag napano ka diyan,mag-ingat ka sa pag ko-komyut,bakit ba kasi sa dinami dami mo ng naipon,Hindi ka parin bumibili ng kotse?" Nagtatakang tanong ng direktor.

"Uhm,mag papaturo pa po kasi ako mag drive Kay George" pagdadahilan ng dalaga

Sa katanuyan marunong ng mag drive si Eli ng kotse at gustong gusto niya na bumili ang kaso ay naiwan sakanya ang utang ng kanyang tiyahin na humigit kumulang 3 bilyong piso.Hindi man siya nito pinabayaan,ang kaso ay naadik ito sa sugal.Kaya naman sobrang namomroblema si Eli kung saan siya makakahanap ng pambayad dito.Sa tinagal tagal niya kasi sa pag momodelling ay 4 million palang ang kanyang nababayaran.

Naglalakad na pauwi si Eli ng maramdaman niyang may sumusunod sakanya.Hindi niya ito pinansin ng biglang maramdaman niyang may itinutok sa kanyang tagiliran.

"Hold-up to,akin na yang bag mo,kapag Hindi mo ibinigay yan,Hindi ako mag dadalawang isip na gripuhan k-" Hindi na natuloy pa ng lalaki ang masamang balak ng bigla siyang suntukin ng isa pang lalaki na mula sa Bugatti veyron.

Naka limang suntok siya dito bago tuluyang naka tulog,habang hinigit niya na si Eli papasok sa kanyang Kotse.

Hindi nagawang mag salita ni Eli dahil sa bilis ng pangyayari,ng biglang magsalita si Miguel.

"Wala kabang kotse?pasalamat ka at naisipan Kong sundan ka" nakatingin sa daang saad ni Miguel

Imbes na sagutin iyon ng dalaga ay magpasalamat nalang siya.

"Uhm,salamat sa pag tulong mo saakin,pwede mo na akong ibaba dito" nakangiting saad ng dalaga.

"Sa tingin mo sapat yang thankyou mo?" Nakataas na kilay na sambit ng binata

"Ano palang gusto mo?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

"Let's have a dinner,I'm sure Hindi ka pa kumakain,And also! Dahil niligtas ko ang buhay mo tanggapin mo na kasi yung proposal ko." Nakangiting sambit ng binata.

"Uhm sa dinner nalang natin pag-usapan yung proposal mo" mahinang sambit ng dalaga.

"OK then,San mo ba gusto Eli?" Malambing na sambit ng binata

Bigla namang may kung anong humaplos sa puso ng dalaga ng marinig niya mismo sa bibig ng lalaki ang kanyang pangalan.Marahil ay sa husky voice nito.

"Uhm,ikaw na ang bahala" nakangiting sagot ng dalaga.

"OK,then" nakangising sagot ni Miguel

Makalipas ang 5 minuto ay tumigil sila sa isang building.Mabilis na pinag buksan ni Miguel si Eli,At iginaya sa loob hanggang sa makapasok sa elevator.

"Nasan tayo?" Nagtatakang tanong ng dalaga

"My condo" maikiling sagot ng binata.

"Akala ko ba dinner?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

"Chill Eli,magluluto nalang ako okay?kaya kita dinala dito,at para sa privacy,wag ka mag-alala wala akong gagawing masama sayo or else ikaw ang may gusto" sabay kindat ng binata sakanya

CEO'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon