[01] (Edited)

227 8 15
                                    

[01]

Cassandra’s POV

*Riiinnnnggg!*

“Hay sawakas! Tapos na din ang klase. Uy Cass? Anung balak mo this week end?” tanong sakin ni Betty ang bestfriend kong ubod ng ganda. Sa lahat ata ng ‘Betty’ siya na ang pinaka maganda maliban lang ata kay ‘Betty Boop’.

“Ako? Meron kasing meeting si dad so baka hindi kami makaalis. Baka mag shopping na lang ako. Ikaw? Ano bang plano mo? Tambay sa parlor? Hahahaha!!!” biro kong sabi kay Betty. Naglalakd kami ngayon papuntang basement o parking lot ng school namin. Dito kasi siya sinusundo ng driver nila, at ako naman naghihintay sa Dad ko para sunduin din ako.

“Uy grabe ka naman! Hindi naman siguro. Hmm? Sama na lang kaya ako sa’yo? Daanan kita sa inyo tomorrow. Call na lang kita. Osiya, I gotta go. Nandito na kasi ang sundo ko. Bye Cass!” sabi sakin ni Betty at agad itong sumakay sa sasakyan at umalis na.

Naglalakad ako papunta sa isang bench ng basement para doon maghintay, nang biglang napagitnaan ako ng mga lalaking mukang gangster na magkasalubong na tumatakbo. Naitulak ako ng isang lalaki na kasali din sa gulong nangyayari kaya naman napaupo ako sa semento. Hanggang sa naramdaman kong may humila sakin.

Isang lalaki. Isang lalaki na kasali din sa kaguluhan sa basement. Hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo kami ng mabilis papalayo sa kaguluhan sa basement. Naghanap kami ng aming matataguan dahil paniguradong hahabulin kami ng mga gangster na nang gugulo kanina.

Nakakita kami ng isang maliit locker na lagayan ng mga kagamitang panglinis ng mga janitor sa basement kaya naman doon kami nagtago, kasya ang isang tao, buti na lang payat ako. Makipot, masikip at mainit bukod pa dun, kaunting liwanag ang aming nasisilayan.

Magkaharap kaming dalawa, habang siya ay nakasilip sa mailiit na butas na nagbibigay ng liwanag sa aming dalawa.

“Dito! Dito sila lumiko! Sundan natin si Mike! Habulin natin siya!” sabi nung isang sigang lalaki.

Tinakpan ng lalaking nagngangalang ‘Mike’ ang bibig ko at sinabing “Shhh.” Sumunod naman ako sa kanya at dahil sa masikip at makipot ang locker na ito, naka yapos ako sakanyang mga dibdib, at napansin kong suot niya ang uniform ng mga lalaki sa amin.

Sino ba siya? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita???

Makalipas ang ilang saglit, wala na ang mga lalaking humahabol sa lalaking nagngangalang ‘Mike’ kaya naman lumabas na kami ng locker. 

Natulala ako sa lalaking kasama ko, dahil di ko akalaing may itsura pala siya. Oo, napaka gwapo at ang kinis ng kanyang muka. Matangkad, moreno, matangos ang kanyang ilong at ang kanyang mga mata ay para bang nagungusap. Sa pangangatawan naman, hunky type ang kanyang pangangatawan kumbaga, 'Yummy' kung tawagin.

“Okay ka lang ba?” tanong nung lalaking humila sa akin. 

“Okay lang ako. Teka? Sinu ba yung mga yun? At saka, bakit kayo nagra-rumble sa basement? Bawal yun diba??? At saka paano---” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil muli, tinakpan niya ang aking bibig.

“Shhh.” Sabi niya sakin habang tinatakpan niya ang aking mga labi. Agad niya naman itong inalis at nagpakilala siya sakin. “Ako nga pala si Mike. Uhhmm, 4th year student. Ikaw?” saad niya sa akin.

Nakipag-kamay siya sakin, inabot ko naman ito at nagpakilala ako… “Cassandra Lopez, 3rd year. Ngayon lang ata kita nakita dito sa school?” tanong ko sakanya.

Ang Boyfriend Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon