Chapter 6
Marco's Point of View
Haay. Kung kelan malapit na matapos yung 1st Sem, saka
naman nagiging busy yung mahal ko.
pag nakalipat na talaga ko next year sa PUP, araw araw
ko na syang makikita. Hihintayin ko talaga yung araw na
yun.
"Mamimiss nyo ba kami ni Marco pag umalis na kami dito
hahah"
Baliw talaga to si Jeb. Di ko nga masyadong pinapaalam
na lilipat na ko eh. -__-
Sa ngayon, si Jeb ang pinaka close ko. Since 1st day of
class mas nakakadikit ko 'to kesa sa iba. Maharot kasi,
gusto ko yung personality nya. Kalog pero seryoso kapag
kailangan mo ng kausap.
"Lilipat ka na din marky?!"
Biglang sabat ni Chinni. Oh bat andito to ngayon sa
harap ko? Kami lang nila Jeb ang nag uusap kanina ah.
Hahahaha baliw.
--
Chinni's Point of View
"Mamimiss nyo ba kami ni Marco pag umalis na kami dito
hahah"
Napalingon ako nung marinig ko 'to.
"Lilipat ka na din marky?!" Nagulat ako dito. Ang alam
ko si Nanay Jeb lang naman ang lilipat. Pero ano 'to?
Bakit pati si Marco?
"Oo chin eh."