Chapter 1 Marco's Point of View
[ Babe, tinatanong kana sakin nila ate dito. Bakit di ka na daw po
nagpupunta, sunduin kita gusto mo po bumisita? :) ]
[ busy pa ko eh. Saka baka di ako payagan ni papa ]
[ ako nalang po punta dyan. Ok lang? ]
[ wag ka muna dumalaw. May problema pa eh ]
[ ha? Ano naman po? ]
[ basta wag ka nalang makulit ]
Bat ganto? Anong nangyayari? Di naman ganto si Shiela dati.
Nasasaktan na ko sa mga sinasabi nya.
[ sa christmas ba makakasama kita? Kailan tayo pwede magkita? Nood
tayo movie mahal ]
[ not sure. May carolling kasi kami eh. Maghapon yun. ]
[ so buong sembreak wala kang time sakin? Pano naman ako? ]
[ ang kitid ng utak mo. Di naman kasi lahat ng gusto mo makukuha mo.
Intindihin mo naman. Di ka ba marunong umintindi? ]
Aw. Sht. Pano naging makitid utak ko? Time lang naman ang hinihingi
ko sakanya. Mabigat ba na bagay yon?
Pinipilit ko namang intindihin. Di ako ganun kabobo para magkaron ng
sama ng loob sa mababaw na bagay.
Pero eto, hindi to mababaw. Since before sembreak pa nung maging
madalang syang magtext sakin. Akala ko hanggang text lang, pero pati
ba naman pagkikita ipagdadamot nya? Ano bang problema nya.
Nakakapikon na. But I need to keep calm. Iintindihin ko ulit Shiela.
Iintindihin ko ulit.
