Heyyy mga guys,, comment and vote po tayu ha...ito pong kwentong to ay puro kathang isip lamang po. pasensya na po sa spelling mga kaibigan...
"Ohhhh come on, dude wala naman ganyanan, ang oa nito oh, this is for the fun only, ang boring ng buhay mo bro."
"Sige na bro, hiking lang naman isa pa, tayo tayo lang naman eh."
Tahimik lang siya na nilalaro ang ballpen na hawak niya, inaaya siya ng mga kaibigan na mag hiking daw pero parang ayaw niyang sumama.
"Heyyy! Axel! Nakikinig kaba?" Tapik sa kanya ni Ruth, isa sa kaibigan niya.
Tumingin siya sa dalaga. " Yeah, Nakikinig ako." Sagot niya dito.
Nakikinig naman siya sa mga sinasabi nina mark at trayton sa kanya pero wala dun ang isip niya. Naiinis kasi siya sa mommy niya dahil ang daling napaniwala ni Liezel. Hindi naman niya masisi ang mommy niya dahil sa kabaitan nito ang daling magtitiwala sa kahit na sino, na kahit na sinasabi nilang hindi lahat ng nakakasalamuha ay pwedeng pagkatiwalaan pero iba ang mommy niya. Yun ang ayaw na ayaw nila.
"Ano sama ka ba?" Tanong ulit ni trayton sa kanya.
"Let me think first." Sagot niya nalang.
"Ok, it's up to you bro, ayaw mo nun maiiwasan mo si Liezel." Sabi ni mark na kumindat pa ito sa kanya.
"Tssskkk!!!" Napapangiwing kinuha niya ang kanyang bag at dumiretso sa pintuan, pupunta siya muna sa canteen, dun muna siya tumambay tutal mamaya pa naman ang klase niya sa next na subject, napatigil nalang siya ng nasa labas na siya dahil may bigla yumakap sa likuran niya. Pilit niyang tinanggal ang kamay na nakayakap sa kanya, alam niya si liezel yun, ito lang naman ang nakakagawa sa kanya ng ganun na ayaw na ayaw naman niya. Isa pa kahit anong gawin niya hinding hindi niya magugustuhan ang babae.
"What are you doing here?"
"Dinadalaw ka. Masama ba yun? I'm your girlfriend right."
"Ppssssttt!!! And who told you that? Pwede ba tigilan mo ako liezel!!" Sabi niya na iritang irita at tinalikuran ang dalaga.
"No! you're mine Axel!! Mine!" Sigaw nito at naagaw ang pansin ng mga studiyanteng busy sa kanya kanyang mga gawin, nagpanting ang tainga niya sa narinig.
"No body's own me!! No one else!! You understand!!!" Duro niya sa mukha ng dalaga. Kung pwede lang manakit ng babae baka matagal na niyang ginawa dito para lang tigilan na siya.
"Heyyy!!! Bro, what happening here?" Sabi ni Mark na lumabas narin ng room dahil sa lakas ng sigaw ni Liezel kanina, nagsilapitan narin ang mga ibang studante.
"Nothing!" Sabi niya at umalis na siya, hindi na siya papasok sa next subject niya at nawalan na siya ng ganang pumasok.
"Heyyy! Axel!! Were are you going? May klase ka pa ah." Tanong ni Crystal na nakasalubong niya sa may gate ng campus.
"Diyan lang, papasok ako mamaya."
"May problema ba? Ok ka lang ba?
"I'm fine." Sabi niya at iniwan na ang dalaga. Ayaw niyang madamay sa inis niya ang dalaga.
Alam niyang may gusto sa kanya ang dalaga, minsan hindi niya sinasadyang marinig ang usapan nina Crystal at Ruth, ang akala niya nag'uusap lang ang dalawa pero siya pala ang pinag' uusapan ng dalawa. Kaya narinig niya mismo sa bibig ng dalaga na may gusto nga ito sa kanya, nung una ayaw niya itong makita, ayaw niyang kausapin, pakiramdam niya kasi pag kinausap niya ang dalaga parang binibigyan niya ito ng pag'asa para sa kanilang dalawa. Isa pa ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila, kaya ginawa niya ang lahat para hindi sila magkatagpo, pero nung nagtagal at dahil hindi rin naman niya laging naiiwasan ang dalaga, dahil lagi silang magkasama ni Ruth, wala din siyang magagawa. Pasalamat nalang siya at wala namang sinasabi sa kanya ang dalaga tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya.
Hindi naman nagtagal, bumalik na sila sa dati nilang samahan, kinalimutan narin niya ang tungkol sa nararamdaman ng dalaga sa kanya, ayaw niya kasi itong saktan kaya hindi na niya pinatulan ang kung ano man ang nararamdaman nito sa kanya. Masyado kasing mabait para lang saktan niya ito, dati kasi sobrang close silang dalawa, nawala lang ang closeness nila nung nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman nito sa kanya. Nilingon niya ang dalaga at nakita niyang naglalakad na ito papasok sa campus, huminga siya ng malalim bago niya pinagpatuloy ang paglalakad, naisip niya kung pwede lang sanang turuan ang puso ginawa na niya. Naisip niya sasama nalang siya sa mga kaibigan sa hiking pagkatapos ng graduation, para naman maka relax siya.
Nasa fourth year high school silang magkakaibgan, five days nalang gra'graduate na sila. Plano niyang pag kagraduate niya ng high school, gusto niyang kukuha ng Agriculture of Engineering gusto niya kasing pangasiwaan ang hacienda ng lolo nila na dati pa niyang pangarap.
Hindi niya namalayan nasa burol na pala siya, dun siya tumatambay pag gusto niyang mapag isa, malapit kasi sa campus kaya pwede pa namang siyang papasok sa last subject niya mamaya, nawalan lang kasi siya ng gana dahil kay liezel, na pinag pipilitan ang sarili sa kanya, ayaw na ayaw pa naman niya ng ganun. Yung pinaka hate niya sa lahat yung babaeng pinagpipilitan ang sarili sa taong ayaw naman dito.
-Axel@Zoe-
-Lhenxychix.
BINABASA MO ANG
until we meet again (on going)
General FictionNagkatagpo ng hindi sinasadya. Nagkagustuhan ng hindi sinasadya. Kayo ba, naranasan niyo na bang nagmahal sa taong kakakilala niyo lang? Paano kung ang minahal mo ay pagmamay ari na pala ng iba? Kaya mo ba siyang ipaglaban sa kahit anong paraan pa...