chapter 2

43 3 0
                                    





"Mmmhhh...." Bigla siyang napabangon ng maalala ang nangyari, ang akala niya nasa bahay siya. Napahawak pa siya sa kanyang noo ng maramdaman ang sakit, Naalala niya nauntog pala siya nung nahulog siya na hindi niya napansin ang sanga ng kahoy.

"Mark!!" Tawag niya sa kaibigan ng maalala niya ito. Malapit ng lumabas si haring araw, ibig sabihin ang tagal niyang nakahiga duon, buong magdamag.

"Mark!" Tawag niya ulit pero wala paring sumasagot. Nag kawatak watak na silang lima. Umupo ulit siya sa damuhan. Naisip niya tumawag ng tulong baka sakaling may signal na ang phone niya. Hahanapin niya ang mga kaibigan. Pero laking panglulumo niya ng wala paring signal ang phone niya.

"Ohhh shit, ang malas naman!!" Napahinga siya ng malalim at ibinulsa  ulit ang phone ng makapa niya ang bracelet ni Crystal.

"I'm sorry  bogs, hindi kita naprotektahan gaya ng pangako ko sa sarili ko. I'm sorry, hahanapin kita, hahanapin ko kayo, sabay sabay tayong aalis dito lahat." Bulong niya sa hawak na kwintas. Hindi man niya minahal si crystal, alam niya kahit hindi nagpapakita ng motibo ang dalaga, ramdam niya. Nasabi na nila mark sa kanya bago ang birthday ng dalaga, nakiusap daw si crystal sa kanila na hindi ito sasabihin sa kanya pero ang hindi nila alam, na alam na niya ang lahat. Kaya nakiusap  si mark  sa kanya na wag niya na rin ipagsabi dahil ayaw ng dalaga na masira ang pagkakaibigan nila, nangako daw ito na iiwasan na siya ng dalaga hanggang kaya nito at pipilitin kakalimutan ang nararamdaman.

Dahil ayaw niya ring masira ang pagkakaibigan nila kaya nananahimik nalang siya. Tinupad naman ng dalaga ang sinabi nitong iiwasan siya. Sinubukan niyang mahalin ang dalaga kaso wala talaga, kaya nangako siya sa sariling aalagaan nalang niya ito, proprotekhan, bilang nakakabatang kapatid. Nung birthday ni Crystal, binigyan niya ng kwentas ang dalaga at yun nga ang hawak niya sa ngayon. Inilagay niya sa wallet niya ang kwentas para hindi niya mawala ito, ibabalik niya sa dalaga pag nagkita sila muli. Pagkatapos niyang ibulsa ang wallet niya, tumayo na siya at nag'umpisang maglakad, hindi man niya alam kung saan ang tamang daan pinagpatuloy niya parin ang paglalakad baka sakaling mahanap niya ang mga kaibigan. Nawala na kasi yung mapa na hawak ni mark o di kaya na kay trayton siguro. Pipilitin niyang hanapin ang mga kasamahan niya.

Hindi niya alam kung nasaan siya pero may naririnig siyang lagaslas ng tubig, nawala narin sa kanyang isipan ang dagat na pupuntahan nila sana ni mark, hinanap niya kung saan banda ang lagaslas ng tubig na yun, may nakita siyang maliwanag sa bandang unahan niya kaya naman tinakbo niya ito, napamaywang siya ng makita niya ang mahabang falls, yun pala ang naririnig niyang agos ng tubig, at siguro ito rin ang hinahanap nila ng mga kaibigan niya. Napahilamos siya ng mukha pagkatapos naglakad siya pababa, nagbabakasakaling may makita siyang tao duun  na mahingan niya ng tulong.

Pagdating niya sa ibaba wala kang ibang maririnig kundi ang lakas ng tubig na bumabagsak sa ibaba. Umupo siya sa nakita niyang bato malapit sa may tubig. Dahil sa gutom at uhaw na uhaw narin siya, naalala niya may baon pala siyang biscuit, ok na yun pangtanggal gutom  man lang. Buti nalang dala dala niya yung bag niyang pinaglagyan niya ng mga pagkain at tubig.

Pagkatapos  niyang kumain at nakapag pahinga na siya, itutuloy niya nanaman ang pahahanap sa mga kaibigan niya.

"Kaya mo yan Axel." Sabi niya sa sarili at huminga ng malalim. Aalis na sana siya ng may mapansin siyang puti sa di kalayuan sa inuupuan niya, ni hindi niya napansin kanina o di kaya dahil nakatalikod siya. Iniisip niya kung lalapitan niya ba ito o hindi na.

Ilang minuto ba siyang nakatayu ng mapag desisyonan niyang lapitan para tingnan kung ano yung puti na yun.

"Ohhhh!!  God damn it!!!" Napasigaw siya sa gulat dahil isang tao ang nakahiga at mukhang wala itong malay. Napahilamos siya sa kanyang mukha, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.








until we meet again (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon