chapter 1

49 3 0
                                    



  Mga kaibigan ito ay puro kathang isip lamang. Mga character at lugar, haka haka lang, gawagawa ko lang, at sana suportahan niyo parin ako. maraming salamat po.




"Sigurado ba kayo sa dinadaraanan natin boys?" Tanong ni Ruth sa kanilang tatlo, yung nasa mapa na hawak ni mark na binabasehan nila tama naman.

"Oo dito yun, tama naman tong mapa ah." Sagot ni mark.

Tahimik lang si crystal na sumusunod sa kanila. Ayaw  sanang sumama ang dalaga sa kanila pero pinilit ni Trayton. May gagawin daw ito sa kanila. Katatapos lang ng graduation nila two days ago kaya ng natapos nila ang dapat tapusin sa skwelahan ayun na nag hiking na silang lima.

"Sino ba kasing nagsabi na dito tayu pupunta eh para namang walang tao na pumupunta dito ah." Mayat maya narinig niyang sabi ni Crystal, nang lingunin niya ang dalaga nakita niyang may tinitingnan sa itaas ng puno kaya naman nilapitan niya ito.

"Heyy!! Anong tinitingnan mo diyan, mahuhuli kana." Sabi niya ng lapitan niya ng tumingin siya sa taas wala naman siyang nakita.

"Para kasing may iba dun." Turu pa nito sa itaas ng puno.

"Saan?"

"May nakita kasi ako______."

"Heyyy, you two! Come over here!" Sigaw ni mark sa kanila. Nasa gubat sila ngayon dahil sa kagustuhan ng mga kaibigan niyang mag hiking daw, pero mukhang mawawala pa ata sila. Dali dali naman silang lumapit sa mga kasama.

"Look may ilog duun oh." Sabi ni Mark ng makalapit na sila.

"Tara, ligo tayu muna, ang sarap maligo lalo nat ang init." Sabi ni Ruth sa kanila

"What? Hindi pa tayo nakakarating sa pupuntahan natin anong oras na oh." Sabi naman ni Crystal.

"Maliligo lang naman eh, saka maaga pa, come on."

"Ruth naman eh."

"Ok, fine, killjoy talaga ito oh, tara na nga! Lakad na! Ang oa mo talaga kahit kailan noh!" Sabi ni Ruth at naglakad na ito.

Pinagpatuloy nilang naglakad pero di parin nila nahahanap ang ang falls na sinasabi ng kaibigan daw ni mark na siyang nagbigay ng mapa  sa kanila, ang Carie's falls, maganda daw yun may cave pa daw kaso dadaan kapa sa kagubatan at ito na nga yon, pero bakit hanggang ngayon hindi parin nila nahahanap. Pinagpatuloy parin nila ang paglalakad ng mapansin niyang parang hindi sila umaalis sa pinanggalingan nila, parang  dun na sila galing kanina. Parang ikot lang sila ng ikot at pabalik balik kung saan sila dumadaan.

"Wait!" Sabi niya kaya napatigil naman ang tatlo maliban kay Crystal na naunang naglakad.
"Wala ba kayung napapansin?"

"Nang ano?" Sagot naman ni mark.

"Para kasing dito tayu galing ah."

"Ha! Bakit mo naman nasabi yan." Trayton said.

"Guys!!" Napalingon sila kay Crystal na medyo nauna sa kanila kaya naman tumakbo sila palapit dito.

"Kanino yan?" Tanong niya ng makitang may tinitingnan ito sa damuhan.

"Nakita ko lang dito." Sagot naman nito.

"Baka may makita tayo diyan kung pano natin makikita ang daan patungo sa Carie's cave." Sabi ni Mark at pinulot ang camera na siyang nakita ni Crystal.

Ngunit sa malas hindi nila mabuksan ang camera kaya iniwan nalang nila at ipinagpatuloy ang paglalakad. Lakad sila ng lakad ngunit ilang oras na sila naglalakad pero hindi man lang nila makita kung saan ang labasan ng kinaroroonan nilang kagubatan.

until we meet again (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon