Prolouge

8 0 0
                                    

"ANO NA NAMAN BANG PUMASOK SA KUKOTE MO AT NAISIPAN MONG MAKIPAG BASAG ULO?! NAG IISIP KA BA?! PATI KAPATID MO IDINAMAY MO!" galit na sigaw niya saakin. Ano na naman bang eksena to?

d-_-b

Kasalanan ko ba kung bakit pati PABORITO niyang ANAK nadamay? Well kung papatulan ko din naman tong babaeng to ano namang mapapala ko sakanya?diba wala?

"ANO TATAHIMIK KA NALANG BA DIYAN AT YUYUKO?!" sigaw pa din niya at narinig ko ang buntong hininga niya

Tumingin ako sakanya ng blangko saka ngumisi "Oh eh ano naman? Tapos kana ba? Kung oo. Pwede na ba akong umalis at magpapahinga pa ako?"

Dahil sa sagot kung yun sakanya kita ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.

"JUSQO LEINE!!ALAM MO BA YANG SINASABI MO?!" tanong niya saakin na nanlilisik na ang mga mata

d-_-b

Magbibitiw ba ako ng mga salita na diko alam? Tsk

"Tsk"

Napatampal nalang siya sa noo niya at huminga ng malalim pagkatapos ay tumingin siya saakin ng di makapaniwala na para bang nauubusan na siya ng pasensya saakin"ALAM MO BA YUNG WALA KANG PINAGKAIBA SA LOLO MO?!DIKO ALAM KUNG ANONG KLASENG PAGBABANTAY SAYO ANG GINAWA NG LOLO MO AT GANYAN KA NALANG KA WALANG RESPETO!" sigaw niya pa saakin dahil dun sa narinig ko agad umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Hindi ko alam pero sa oras na to baka hindi ko makontrol ang sarili ko.

Tumingin ako sakanya ng seryoso at ngumisi "Alam mo ba yung ayoko sa lahat ay yung maririnig na nakakasama si lolo sa walang kwentang usapan?" seryoso ngunit may diing sabi ko "Kung idadamay mo lang si lolo sa usapan siguraduhin mo lang na may sapat kang rason" dagdag ko pa,kita ko naman sa mga mukha niya ang takot habang nakatingin saakin "Kung sa tingin mo wala akong respeto dahil sa pagbabantay niya saakin. Ano ka nalang kaya na anak niya?" nakangisi kong sabi dahilan para mabigla siya sa sinabi ko.

"A-anong sinasabi mo?! Sinasabi mo bang wala akong respeto?!"

"Parang ganun na nga" nakangisi kung tugon

"HOW DARE YOU!! WALA KANG RESPETO SA MAGULANG MO!!" nangangalaiting sigaw niya at galit na sinampal ako sa pisngi. Sa sobrang lakas ng sampal ay napayuko ako sa kanan habang iniinda ang sakit sa pisngi. Nakita ko din ang pagsinghap ng kapatid ko at ang pag aalala sa mukha ng daddy ko

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now