Ikaw at Ako Hindi Magbabago (tagalog story) {ONGOING}

1.6K 10 2
                                    

UNANG KABANATA

Napaaga ang gising ni Alfredo. Naalala niya na ngayon na nga pala ang

pinakapaborito niyang araw sa buong linggo ang araw ng biyernes.

Bukod sa huling araw na ito ng pasok sa eskwela ay kadalasan

sa araw na ito nagaganap ang mga magagandang pangyayari

sa buhay niya bilang isang mag-aaral. Bumaba na siya

patungong kusina upang kumain ng almusal nang makita

niya na wala ang kanyang tiyuhin. Si Alfredo ay maagang

nawalan ng mga magulang hindi dahil sa kung anumang

trahedya o aksidente, naghiwalay ang kanyang ama at ina nang

 limang taong gulang pa lamang siya. Nabubuhay siya sa

pangangalaga ng kanyang lolo, tiyuhin at tiyahin niya na wala namang anak.

Bagamat hindi siya tunay na anak ng magasawang Celeste at Mario

ay hindi siya itinuring ng mga ito na ibang tao.

‘’Fredo kumain ka na ba anak?’’ Pambungad na tanong nimang Ernesto sa apo

 ‘’hindi pa nga po itay.’’ Nakasanayan na niya ang

pagtawag sa lolo niya nang itay dahil ito ang

 naririnig niyang tawag ng tiyo at tiya niya dito.

 ‘’Nag iwan nga pala ang tiya mo diyan ng almusal mo bago umalis kanina’’. Malumanay na sambit ng

matanda.

 ‘’Sige po kakain na po ako’’. Pagkatapos kumain ay dumiretso na si Alfredo sa kanyang

 paaralan pagpasok niya sa tarangkahan ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Miguel.

 ‘’Fred!!! Fred!!!’’ salubong nito sa kanya

 ‘’O bakit parang nagmamadali ka?’’

 ‘’nagawa mo ba yung asaynment natin kay misis Tiongson?’’

 ‘’Oo bakit?’’

 ‘’Pakopya naman pare’’. Nagmamaka awang sambit ng kanyang kaibigan.

 ‘’hay nako sira ulo ka talaga’’.

 "Sinasabi ko na nga ba eh!!!! Di mo ko matitiis!!!’’. Abot tenga ang ngiti ni Miguel.

 "Bugok!" Na lang ang naisagot ni Alfredo. Sabay na silang pumasok sa kanilang silid. Sila ay

 kasalukuyang nasa ikalawang antas ng pansekundarya, matalik na kaibigan ni Alfredo si

 Miguel, bagamat pareho sila ng kinahinatnang buhay ay nalalampasan pa rin nila ang mga

 pag-subok na kanilang dinaranas.’’Good Morning Mrs. Tiongson!!!’’ magkakasabay na bati ng

 mga mag-aaral sa bagong dating na guro. Tulad ng dati magtatawag ang guro isa-isa ng mga

 estudyante.Alfredo Bachillier! Dalawang beses ito inulit ni Mrs. Tiongson pero di pa rin

 sumasagot si Alfredo hanggang sa kinalabit na siya ng katabi niya ‘’uy tawag ka’’

 ‘’hah? Ah present!’’

‘’ano nangyari sayo? Kanina pa kita tinatawag.’’

 ‘’Sorry po mam’’ nanliliit na sagot niya sa guro.

IKAW AT AKO, HINDI MAGBABAGO (Tagalog story, Teen Fiction, Romance) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon