IKALAWANG KABANATA

1.2K 3 1
                                    

Ikalawang kabanata

“Isa, dalawa, tatlo hiyaaaaah!” Sabay na sinipa ni

Alfredo at Miguel ang pinto ng tambakan.

“Hoy Fredo ano ba naman to ang daming kalat at ang init pa.’’

“Ano aasahan mo dito e tambakan to, sige simulan na natin maghanap” sagot niya sa kasama.

“wow ang ganda nitong superman mo ah”

nilingon siya ng kausap

“laruan ko yan dati uwi sakin ng tatay ko galing ibang bansa, pwede ba maghanap na nga lng tayo! Ang hilig mo sa laruan para kang si bondying!”

nangiti na lang si Miguel.

“O baka eto na yung sinasabi mo.”

“patingin nga” kinuha ni Fredo ang hawak ni Miguel.

“hindi ito yun lighter lang to, maghanap ka ulit.”

“Sabi mo eh.” Makalipas ang ilang minutong pagbubungkal nila ng

mga gamit ay nagulat si Fredo ng itutok sa kanya ng kaibigan ang isang glock19

“wag kang gagalaw kung ayaw mo masaktan”

Sumagot si Fredo. “hoy bitawan mo nga baka may bala yan, yan na nga yung sinasabi ko.”

“eh ano naman ang gagawin natin dito?” naguguluhang tanong ng kausap.

“Ibinigay yan sakin ng tatay ko nung pitong taon pa lng ako, pero isang araw kinuha sakin yan ni lolo.”

“eh ano nga ang gagawin natin dito?” naiinis na si miguel.

“Gagamitin kong pananggalang sa mga masasamang loob.”

“bakit? Sinong masamang loob?”naiintrigang tanong ni Miguel.

“Kagabi kasi nagising ako ng mga bandang alas dos tapos parang may narinig akong nag-uusap sa labas ng bahay.”

“eh ano naman ang pinag uusapan?”

"hindi ko nga narinig eh.” Natawa si Miguel.

“hahahahaha sabi ko na nga ba yon ang sasabihin mo eh, napanood ko na yang pelikula na yan.”

“Ewan ko sayo engot!” Sagot ni Fredo.

***

“Ay! waaaag! Waaag! Waaag!” Sigaw ng isang batang babae habang hinahabol ng kanyang kalaro.

Naglalakad si Mang ernesto sa gilid ng mga naglalarong bata,hindi lumilingon at malalim ang iniisip. Bigla siyang nagsalita ng mahina at marahan.

“nasaan ka na Kriselda” hanggang sa nakita siya ng isa pang matandang lalaki

“hoy Ernesto!”sigaw ng lalaki.

“O Lando ikaw pala”nagulat na tugon ni Mang Ernesto.

“kumusta na ernesto aba eh matagal na kitang hindi nakakahuntahan!”

“naku pasensiya ka na at hindi ako gaanong nakalalabas ng bahay gawa ng wala naman akong gagawin sa labas at sumasakit pa ang rayuma ko sa paa’’.

nahihiyang sagot ng malungkot na matanda.

“pare eh bakit para bagang malungkot ka ngayon?”

“alam mo kasi Lando eh matagal ko nang hinahanap si Kriselda yung sanggol na inalagaan namin noon ni Cynthia, di ko na malaman kung saan na napunta yon”

IKAW AT AKO, HINDI MAGBABAGO (Tagalog story, Teen Fiction, Romance) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon