Epilogue

2.3K 40 3
                                    


Travis' POV

Ilang araw ko nang Napapansin na hindi na pumapasok si Reiley dito sa school..

Nakakaramdam ako ng lungkot kapag wala sya...

Anong nangyari sa kanya?? Nabalitaan ko pa na naaksidente ang kanyang ina nung nakaraang araw lang.

Pinaburol na nga daw agad ito eh...

Agad akong pumunta sa hospital ng walang dahilan... Hindi ko alam pero may kutob akong baka nandito si Reiley...

Tinanong ko nga sa isang staff ng hospital at tama nga ako! Nandito nga si Reiley...!

Pagka pasok ko sa nasabing kwarto nya ay lalong gulat ko nang... Ang laki ng kanyang pinagbago...

Pumayat sya... Ang kanyang mahahabang buhok nuon ay unti unti nang nalagas.

Tama nga ang hinala ko an may sakit sya!

Ilang buwan na ang nakaka lipas simula nang makita ko si Reiley dito sa hospital na ito.

Ako ang  nagaalaga sa kanya... At bawat araw na lumilipas ay unti unti na akong nahuhulog sa kanya.

Ako na rin ang naging doctor nya upang mas lalo ko pa syang mabantayan. At dumating ang araw ng kanyang operation.

Nang Gawin namin ang operasyon para sa kanya. Ay laking gulat namin dahil masyado ng kumalat ang kanyang sakit!

Hindi namin ito inaasahan! Ginawa lahat ng mga kasamahan ko pati na rin ako ang lahat maligtas lang namin sya! Pero...

Pero hindi namin nagawa... Hindi naging successful ang operation...

Hindi na namin sya naligtas... Iyak ako ng iyak sa nangyari sa kanya! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!!

Muli akong pumunta sa kwarto nya at may nakita akong kahon duon na may sulat na kasama...

Nang makita ko ang pangalan ko ay agad ko itong binuksan...tumambad sakin ang isang damit na mukhang ginanchilyo.

Agad kong binasa ang sulat na kasama at... Hindi ko mapigilan ang aking pagiyak sa aking nabasa.

Ang tanga ko! Ni hindi ko rin nasabi sa kanya ang aking nararamdaman!

Sana pala kahit pa paano ay nasabi ko sa kanya na mahal na mahal ko din sya...

Bakit kasi ang laki kong duwag  eh!

Isa akong doctor  pero ang ni hindi ko magawang iligtas ang kanyang buhay!

Naiinis ako...! Naiinis ako sa aking sarili....



Reiley's POV

Bukas ay ooperahan na ako...salamat sayo Travis at inalagaan mo ako... Salamat dahil palagi kang nasa tabi ko...

Salamat sa lahat ng naitulong mo sakin kung hindi dahil sayo sigurado hindi ako magiging ganito kasaya...

Masayang masaya ako at ngayon sana matanggap mo ang huli kong regalo sayo... Ang regaling matagal ko nang ginawa...

Sana magustuhan mo... Ang munting regalo ko sayo Travis....

May sulat rin akong ginawa para sayo...

Ang nakasulat ay...

Dear mahal kong Travis...

Maraming maraming salamat sayo. ^_^ kung hindi dahil sayo ay baka matagal na akong natakot namatay pero nung muli kitang makita pagkatapos ang nangyari sa aking ina ay parang nabuhayan akong muli.

Sa tuwing magkasama tayo ay tila humihinto ang oras... Kaya gusto kita palaging kasama eh kasi kapag kasama kita nakakalimutan ko na ang aking mga problema at takot.

Naalala mo ba na minsan ay nakikita mo akong naggaganchilyo sa aking kwarto o kaya naman kapag naglalakad lakad tayo dito sa loob ng hospital.

Ginagawa kasi kita ng damit eh. Alam kong mahilig ka sa mga long sleeves na damit kaya naisipan kong gumawa nito(tingnan mo Yung nasa loob ng kahon )

Nung una pa lang tayong magkakilala ay na inlove na ako sayo. Ikaw ang nagligtas sa aking mama pati na rin sakin nung panahon na binubully ako.

Maraming maraming salamat at...

Sana kahit wala na ako ay sana maging masaya ka.  ^_^

Nagmamahal Reiley Red Shiba.






-----------

The END...

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Doctor [COMPLETE] [Heartbeat Series](#2) 🎉
The Doctor [COMPLETE] [Heartbeat Series](#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon