“GOOD MORNING SUNSHINEEEE!!”. Hay salamat nagising na rin. Syempre! Thanks kay God kasi nabuhay parin ako diba?
Teka anong oras na ba?
6:17, buti nalang palagi akong nagigising ng maaga. Di katulad nung kaibigan ko na ang bagal kumilos! Nakuuu!! Sigurado akong late na naman to ngayon! Matawagan nga.
*Ringgggg* (choss!cellphone yan!;p)
Tagal naman oh! Tulog mantika talaga to. Sasapakin ko talaga to pag nagkita kami!
[“Hel---”] .aba! Tama nga ako. Bagong gising pa ang gaga!
“Gusto mo ba puntahan kita jan sa bahay niyo at buhusan ng tubig or tatadyakan kita pag nagkita tayo ngayon?”
[“Grabi Zee wala namang ganyanan! Oo na babangon na nga eh babangon na.”]
“Geh bilisan mo lang talaga kung ayaw mong magkabukol mamaya. Bye!”. Naku! tong babaeng to talaga. Pasalamat siya besprentothemoonandback ko siya! Makaligo na nga!
Habang naliligo naiisip ko kung ano kaya ang mga bibilhin ko na libro mamaya? Sana maraming stock ngayon sa Mall. Yezzzz! May madadagdag nanaman sa collection ko*o*
*FAST FORWARD*
Habang naghihintay ako sa bruhilda kong besprentothemoonandback tumingin-tingin muna ako sa National Bookstore ng mga libro. Di na kasi ako makapaghintay na makita yung librong hinahanap ko. Alam na rin naman ng besprentothemoonandback ko kung nasan ako.
Hanap.Hanap.Ha--.Ayun! Yezzzzz nakita ko narin sa wakas. Wattpad book yon. Syempre mahilig kaya akong magbasa ng story sa wattpad! HOMAYGASS!! DISIZIT! Kinuha ko na yung libro saka pumunta sa counter. Buti nalang may pera ako ngayon NYAHAHAHAHA!!
Nang matapos kong mabayaran ang libro sakto namang papasok yung besprentothemoonandback ko!
“Hoy gaga!! Antagal ha! Kanina pa kita hinihintay. Lagi nalang talaga!”. Aba tama nakalimutan ko palang batukan to. *evil smirk*
“Oo na alam ko naman eh!”. Eh alam na man pala niya eh!“Ouchy! Sakit nun ah!”. Sabay himas na ulo niya.
“Ayan! Sige sagarin mo pa ang pagka-late mo ng samain ka sakin araw-araw!”“Sorna okay? Promise di na talaga!”
“Sus! Ilang years mo na ba yan sinasabi?”. Kutongan kita ulit jan eh!“I think 3 years na?;p”. Binilang niya talaga ha! Iba rin ang amats nito eh! Nako! Kung di ko lang talaga to besprentothemoonandback nakaratay na'to ngayon.
“Ilang taon na kitang kinokotongan?”. Sarap tripan nito! Laughtrip ako lagi dito eh.“Ahmmm...3 years na din!”. Mayabang niyang sagot. “Mali!”. Sabay kotong ko sa kaniya. “Aray! Tama na nga! Sobrang sadista mo rin eh no..... Eh ano ba yung tamang sagot?”. Inosente niyang tanong.

YOU ARE READING
Denying Love (Very Slow Update)
Roman pour AdolescentsSi Zyrene Hidalgo ay isang babaeng sadista na kung saan mami-meet ang lalaking sobrang taas ng pride. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pagsasama nila?