CHAPTER 4

1.3K 36 1
                                    

The F! Of all people, sila pa talaga yung mga boss ko? Waaaa, wala na kong trabaho for sure. Nakita ko ang mga ngiti sa kanilang mga labi habang ako e gulat na gulat sa pangyayare. Siguro kaylangan ko ng mag impake agad agad. Grabeee unang araw ko pa lang pero mapapatalsik na agad ako.

“San na yang tapang mo huh?” sabi ni Russel ba yun? Sya kase yung maingay kanina na ang kulit masyado.

“Dito ka pala nagwowork, so Sam? Tanggalain mo na. Para magantihan natin to!” sabi nung isang lalaki na sa wakas e nagsalita na din, na nakaturo sakin siguro sya na si Zach. Napatingin naman ako sa boss ko na nakatingin din sakin at naka smirk pa. Ibang klase, anong balak gawin ng lalaking to?

“Sorry huh? Di ko naman alam e! saka kayo nauna kagabe! Gumanti lang ako no!” shemay naman Grey! Ngayon ka pa naglakas loob na magsalita ng ganyan huh! Nakita ko ang mga mukha ng dalawang lalaki na nasa harap ko na inis na inis na.

“I can’t fire him. Let’s not talk about it. Kalimutan na lang natin. You may leave.” Sabi ng boss ko na nakasmirk pa. Waaaaaa, may work pa ko. Yehey! Mabait naman pala to, Lord, sige pede niyo na siya ulit gawing angel. Hahahaha. Kita ko ang gulat sa mga kaibigan nya at ako naman ay deretsong lumabas na ng office narinig ko pa yung sigaw ng isa sa kanila.

“Bakit mo hinayang mag stay yun dito? Sam? That man, break our faces!” rinig kong sabi ng isa sa kanila pero di ko kilala.

“I just don’t. I don’t have reasonable reason to fire him.” siguro yung boss ko na to. Hahahaaha, utang loob?

“But that’s enough reason, Sam!” wala na kong balak alamin kung sino yan!

Deretso pasok  ng elevator ang ginawa ko at pumunta ng table ko. Konti na lang pala yung mga tao dito. Siguro’y nagsiuwian na. Inayos ko na ang mga gamit ko para makauwe na. 7:30 na din at mukhang hinahanap na ko nila ate. Lumabas na ko para umuwe at naglakad papuntang sakayan.

“Hey, pauwe ka na? Hatid na kita?” sabi nung lalaking nasa kotse. Akala ko hinde ako yung sinabihan nya pero na alarma ako ng tawagin nya pangalan ko. Nakita kong si Clinton yun at sagad na nakangiti sakin. Grabe may kotse sya? “Halika ka na, hatid na kita.” Muli nyang anyaya sakin. Di ko alam kung sasakay ba ko kase nakakahiya, pero saying din. Makakatipid ako nito sa pamasahe. Sumakay ako sa passenger seat at nilagay ang seatbelt. “San yung daan papunta sa inyo?” muling tanong nya sakin at tinuro ko naman ang daan.

“May kotse ka pala? Big time ka na ahh, akala ko kagaya mo ko hahahaha” sabi ko sa kanya. Napasulyap naman siya sakin at ngumiti. Nakita ko ang mapulang niyang labi na para bang malambot kung hahalikan mo. Ay shit Grey! Ngayon ka pa lumandi! Landede ka naman!

“Hahaha, hinde ah. Di pa ko big time, kung oo sana may sarili na kong negosyo. Naipon ko to nung nagsimula akong magtrabaaho sa EA." Sagot nya sakin. Sabagay tama naman sya kung sanay kang humawak ng sarili mong pera makakaipon ka talaga, peero kung puro ka waldas e nganganga ka talaga. “Saka, parehas lang tayo ng buhay na pinagdaanaan. Ang kinaibahan lang, nauna ako sayo ng 1000 kph.” Sabi nya sabay tawa ng malakas. Oo nga. Nauna sya sakin kaya nakuha na nya mga gusto nya. Ako kaya kelan?

Tuloy ang kwentuhan namin ng kung ano ano at nahinto yun dahil nasa tapat na kami ng bahay namin. Mabilis lang naman ang byahe dahil isang sakay lang naman ang ginagawa ko para makapunta ng opisina.

“Thank you huh, gusto mo munaa puamsok sa loob?” lakas loob kong anyaya sa kanya bilang pasasalamat na din. Alam ko naman kaseng di magulo ang bahay ngayon dahil masinop at malinis kami sa loob. Lalo na’t sinanay kami nila mama na dapat laging malinis.

Sa susunod na lang, Grey. Kapag di na ko nahihiya sayo” sabi nya sakin na mukhang nahihiya nga. Napangiti na lang ako kase di talaga sya makatingin sakin ng deretso. Hahaha. Anyare?

Every Man deserves Another Man [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon