Chapter 1

3.5K 49 3
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at pasukan na naman. Tsk. Parang walang nangyare sakin ngayong bakasyon. Lumipas ang bakasyon ng nagpakahirap ako sa pagtatrabaho ng mabuti para magkaroon ng pang bayad sa school. Di naman kase ako mayamang tao na aasa na lang sa magulang para makatapos. Para may pang bayad ng tuition, kaylangan kong magpursigi sa pagtatrabaho para lang matustusan yun. In short, working student ako. Kung san san ako pumapasok, minsan sa restaurant, minsan sa fast food, sa bar, sa hotel, sa carinderia, sa kung saan saan maka-ipon lang ng sapat na pera para mabuhay ako. Kung ano anong raket na nga meron ako. Halos di na ko natutulog para lang kumita ng malaki. Gaya nga kase ng sabe ko, kaylangan kong magtrabaho at matulungan ko ang sarili ko ng ako lang mag isa. Wala na kase sila mama at papa, namatay sila sa aksidente. Si ate at kuya naman kasama ko sa bahay kaya may natatakbuhan ako pag kapos ako. Pero di ko naman din kaylangan na aasa ako sa kanila. Di sapat yun, lalo na at nag babayad pa kami sa upa. Kahit na sabihin nilang papatapusin nila ako sa pag aaral ng tulong silang dalawa e di ako pumayag. Kase alam kong mahirap. Sa upa pa nga lang ng bahay at sa pagkain hirap na kami, sa pag aaral pa kaya? Simula ng nawala sila mama at papa, dun kami nagsimulang maghirap at maging independent.

Deretso ang lakad ko papuntang registrar office para mag enrol this school year. Ang haba ng pila. At ang init pa. Sa isang state university lang ako nag aaral para di masyadong malaki ang gastos. At scholar ako, hinde full scholar. Bale may babayaran pa kong miscellaneous na hinde masyadong kalakihan, kaya nakakaya kong bayaran ng galing sa sarili kong pawis. Kagaya ko lang ang mga studyante dito. May mahirap, may medyo angat, may mayaman, may nagpapanggap na mayaman. Tsk. Bat di na lang sila maging totoo? Hay nako! Tumunog ang keypad kong cellphone habang naiirita sa mga taong ang lakas magkwentuhan tungkol sa mga bakasyon nila. Wala naman kaming pake kung anong ginawa nyo. I just hate it. Ang yayabang kase. E kung nag work na lang sila nung last summer edi sana may pera pa kayo. Hay kabataan.

"Nasan ka ? Kanina pa ako dito bakla. Hanggang ngayon di pa kita namamataan"

Napataas ang kilay ko habang binabasa ko yun. Talaga ba? Hinanap nya ko? Hahahaha. Anyway sya yung kaibigan ko na medyo may kaya. In short, average person sya. Siya si Cyra Leigz Redido. Sobrang bait niya sakin sa unang tapak ko pa lang sa school na to. Nireplyan ko na lang sya, o di ba ang yaman sa load kahit mahirap. De joke. Si Cyra nagloload sakin, alam nya kaseng di ako nagloload lalo na kung di importante ang pag gagamitan ko. You know, sayang sa pera, dagdag gastos pa.

"Nasa registrar ako, nakapila. Anong sched mo pala? Yun na lang din kunin ko" reply ko sa kanya. Hinihintay ko syang sumagot kaso wala man lang reply. Anyare dun?

Nakaramdam na lang ako ng kalabit sa tagiliran. Nilingon ko sya kung sino at nakita ko na agad ang mukha ng bestfriend kong sagad sa ngiti. Ang dami tuloy nakatingin samin. Ang ganda nya kase. No doubt, naiinggit sila sakin kase kaibigan ko tong baklang to. Hahahahaha. Pero mas mainggit sila sa jowa ng babaeng to. Hahahaha. Iba makabingwit ng bayola tong taong to. Hahaha.

"Mamsh, I miss you." sabay beso sakin at yakap.  "Grabe 2 months akong walang usap sayo. Sorry ahh, ang hina kase ng signal sa province kaya wala akong text at puro selfie lang ang nagawa ko. Kaburyot nga e" kita sa mata nya yung pagka irita kase nga wala syang nagawa hahaha.

"Ok lang no kaba! Busy din naman ako nung mga panahong yon. For sure di rin kita marereplayan" ngumiti ako sa kanya at kumapit sa braso nya. Yea. We were like couples kung tutuusin. Hahaha.

"Nako mamsh huh, pinagod mo na naman yang sarili mo sa kaka work mo." napatingin sya sakin at kita sa mata nya ang pag aalala."Baka mamaya nyan mag kasakit ka pa. Look, parang pumayat ka nga e." at deretso ang tingin sakin habang sinusuri nya yung buong katawan ko.

"At least maganda pa din." sabay ngiti sa kanya. Nakita ko naman yunh pag ngiwi nya.

"Di ka maganda mamsh, gwapo ka. Nakoooo sayang ka talaga. Kung naging lalaki ka. Ikaw na lang mamahalin ko." sabi nya ng walang bahid ng pandidiri. Iba talaga tong babaeng to. Well, tama sya. Gwapo ako. Di naman sa pagyayabang pero nakuha ko yung mukha ni papa. Tanging balat at labi lang ni mama ang nakuha ko. Maraming nagsasabe na kutis at mukhang mayaman ako kahit sila ate at kuya nasasabihan non, pero di nila alam mas mahirap pa kami sa daga. May saktong laki ng katawan ako, siguro dahil na rin sa dami ng trabaho ko naflex na tong muscles sa katawan ko.

Every Man deserves Another Man [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon