Akingliham

724 30 7
                                    

Share ko lang...

A love so beautiful reminds me so much of my Childhood crush.

Ken is like my childhood crush alam niya na crush ko siya at cute din talaga siya. Para naman akong si Zooey pero hindi naman ako showy sa feelings ko like her. (Nalaman niya lang na crush ko siya dahil sa maiingay kong kababata.) Nakikita ko ang sarili ko kay Zooey noon dahil tuwing nakikita ko si childhood crush hindi mawala ang ngiti ko na kulang nalang magpapansin ako sa kanya, na minsan na nga mukha na 'kong ewan. Tingin ko naman napansin niya 'ko, minsan kasi nahuhuli ko siyang nakangiti habang nakatingin sa'kin. Syempre kilig ako no'n.

But unlike Zooey and Ken, hindi naging kami. 😂

(End of story na kasi ang susunod na i-ku-kwento ko hindi na related sa A LOVE SO BEAUTIFUL)

Lumipat kami ng bahay no'ng third year highschool ako at simula din noon wala na 'kong balita sa kanya.

Hanggang sa siguro mga 2013 'yon, nalaman ko na may Job fair sa dati kong tinitirhan, Job seeker ako no'n kaya nag try ako.

While waiting sa court nakita ko siya... Naglalakad na may bitbit na plastic bag na tila kagagaling sa pamimili sa palengke.

Seryoso, kumabog ng malakas ang dibdib ko at ngumuti ng malaki ang labi ko. Nag tama pa ang mga mata namin no'n kaya mas lalo akong napangiti, pero pinigilan ko syempre. Mas lalo akong natuwa no'ng ma-recognized pa niya 'ko dahil nakita kong napahabol din siya ng tingin sa'kin.

Simula nang araw na 'yon sinearch ko siya FB kaso hindi ko siya makita dahil ang natatandaan ko lang na name niya ay Patrick B***** pero hindi pala 'yon ang real full name niya kaya nahirapan ako. Dahil hindi ko na makita, sumuko na lang din akong hanapin siya. Hanggang umabot na ata ng months nang makita ko na mutual friends sila ng kinakapatid ko kaya hindi na 'ko nag aksaya na i-stalk siya at do'n ko nalaman na...

May gf na siya. Ganda ng gf niya. Tinignan ko din kung ilang taon na silang in a relationship mga 3 years na ata 'yon. Haha. (Naging instant stalker ako.) Nag ask a friend ako sa kanya, matagal din bago niya na confirmed. At no'ng ma-confirmed na niya 'ko, kapag online siya tempt na tempt akong i-chat siya pero 'di ko ginawa. Nahiya kasi ako 'saka may gf na siya kaya 'di ko na talaga ginawa. Haha.

Hanggang sa makita ko nalang na nag post siya na ikinasal na siya.

Nag post pa nga ako no'n sa Facebook ko na, “Yung first crush ko kasal na pala?! 😁😱”

Muli ko ulit siyang nakita nitong 2017 lang kasama ko ang bf ko dahil plano kong bumili ng drawing tablet at sa hindi inaasahan crew pala siya sa Octagon kung saan ako bibili. Tulad no'ng makita ko siya ulit gano'n ulit ang pakiramdam. Napangiti ako at mukhang na recognized niya din ulit ako dahil napatingin siya. Hirap akong ngumiti no'n kasi kasama ko si bf pero 'di ko talaga maiwasan.

Nang matapos kaming mamili ni bf, nasa labas na kami ng octagon at sumulyap pa 'ko sandali sa shop para tignan si Patrick 'saka ko sinabi kay Bf na nakita ko ang first crush ko. Wala lang siyang comment pero 'di naman nagalit. Hahaha.

Sa ngayon, nakikita ko pa din siya kasi naman may binibili pa din ako sa octagon. Isang beses pa ngang siya ang nag assist sa'min pero dedmahan kami na parang hindi ko siya crush noon na parang hindi niya alam 'yon. Basta ina-assist niya lang ako at tinawag pa 'kong Ma'am, sa loob-loob ko e di wow. Haha.

So ayon lang, ma-share ko lang. 😂

AkingLihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon